02. Just Kill Me

En başından başla
                                    

"Warren, may dala kaming pagkain sa'yo." Bungad ng kanyang tita dito at hinalik-halikan niya ito sa pisnge. Napangiti naman si Yvonne sa ginawa ng tiyahin.

Kahit na labing-limang taon na ito ay parang bata pa ito kung turingin ng ina. Palagi niya itong inaasikaso at pina-uulanan ng pagmamahal.

Napaisip nalang si Yvonne kung gaano kaganda sa pakiramdam mahalin ng sariling ina.

Katulad ni Warren, ay lumaki siyang mag-isa. Walang kapatid, walang kakampi. Ang kinaibahan lang nilang dalawa ay mahal na mahal ito ng sariling magulang. Kahit nga ang tatay nito na kasalukuyang nagtatrabaho sa America ay todo suporta dito.

E siya, wala siyang maalalang panahon na naramdaman niya ang yakap ng kanyang ina at ang suporta ng kanyang ama.

Napabuntong-hininga nalang siya dahil sa naisip. Ano pa ba ang saysay kung damdamin niya pa ito?

Dumiretso na siya sakanyang kwarto at agad na sumalampak sa kanyang higaan. Hindi naman gaano kalaki ang kanyang tinutulugan. Simpleng higaan sa gitna, may maliit na mesa sa gilid, at isang cabinet na sapat lang ang laki para sa mga damit na inimpake niya.

Siya nalang minsan yung nagluluto o naglilinis sa bahay nila upang magsilbing kabayaran sa kabutihan ng kanyang Tita Erica. Kahit di niya ito kaano-ano, buong puso siya nitong tinanggap sa sariling pamamahay.

Walang emosyong tinitigan ni Yvonne ang kisame ng kanyang kwarto.

Napapaisip siya kung kaya niya bang tapusin ang kanyang huling taon sa highschool sa Mcintyre University. Sa unang araw niya lang, tila hindi na niya kaya tanggapin ang mga nangyari. Ang pangbubully nila Jillian at iyong nangyari kay Tricia.

Tila may parte sa kanyang sarili na gusto nalang sumuko.

Sumuko sa kanyang pag-aaral. Sumuko sa pagtulog at pag-gising sa umaga. Sumuko sa pagiging malungkot.

Sumuko sa kanyang buhay.

Sumuko sa lahat.

---

Naalimpungatan si Yvonne nang makarinig siya ng isang boses na galing sa kung saan. Nakatulog na pala siya kanina. Hindi man lang niya pinalitan ang suot-suot niyang uniporme.

Takot man siya, ay hindi niyang napigilan na bumangon at makiramdam sa paligid.

Narinig niya muli ang isang boses. Tila umuungol ito o kaya'y umiiyak.

Napagdesisyunan niya na lumabas sa kanyang kwarto at bumungad sakanya ang madilim na pasilyo. Katapat ng kanyang kwarto ay ang kwarto ni Warren. Pero parang siya lang ang nakakarinig sa ingay na iyon.

Dahil sa sobrang takot na kanyang nararamdaman ay bumalik nalang siya sakanyang kwarto at isinara nalang niya ang pinto.

Pero nang tumalikod siya ay labis siyang natakot nang makita ang isang babae.

Nakasuot ito ng uniporme ng Mcintyre University at punong-puno ng dugo ang mukha nito. Humahagulhol ito na nakakapagpadagdag sa takot na nararamdaman ni Yvonne.

Napaatras si Yvonne nang tumingala ang babae at nakita niya ang mga mata nito. Punong-puno ito ng galit, lungkot at poot.

Sabay ng kanyang pagtili ay ang malakas na pagsigaw ng babae, pero hindi lang iyon ang kanyang ikinatakot. Samu't saring insekto ang lumabas sa bibig nito!

Nakakadiri. Nakakakilabot.

Agad na napabalikwas ng pagkakahiga si Yvonne dahil sa bangungot na iyon. Sinubukan niyang habulin ang sariling hininga dahil naroon pa rin ang takot na kanina niya pang nararamdaman.

Deadly SinsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin