"Ano ba, Thasiea? Tapos na 'yung usapan natin, it's been past a year at wala parin akong nararamdaman para sayo kaya tigilan mo na ako at pirmahan mo na ang annulment files na to!" Aniya saka naglakad papalayo sa akin.
Ano pa bang kulang sa akin? Ano bang mali sa akin? Bakit hindi niya kayang iparamdam sa akin 'yung sayang ibinibigay nya sa ibang babae? Bakit ganun? Bakit hindi niya ako kayang mahalin? Bakit 'di niya ako magawang mahalin kahit na ako na ang asawa niya?
Pagkatapos nya akong talikuran at iwanan, napagpasyahan ko na ring umalis sa bahay na tinitirahan namin at magsimula ulit nang 'di sya kasama't pinirmahan ang mga papeles na matagal nya nang gusto kong pirmahan.
"Goodbye, Klyde." Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon, iniwan ko na ang mga papeles at tuluyan nang umalis. 'Di na ako muling lumingon pa.
YOU ARE READING
Start From Scratch
RomanceWhen love comes back, does it mean that it is true love? Or is it just another lesson? After 9 years, he comes back as her husband whom she thought she had a divorce with. The wall she built for 9 years, will he still be the one who'll break this? ...
