CHAPTER FOUR

10.2K 287 10
                                    

PINAG-AARALAN ni Devlin ang schedule ng training ng buong team para sa susunod na linggo, iniisip niya kung meron ba siyang dapat baguhin o idagdag. Nando'n siya sa makeshift office niya na nasa unang palapag ng dormitory. Doon siya madalas naglalagi kapag walang practice o training ang buong team, kagaya na lang ngayong araw. Nagdesisyon siya na bigyan ng day-off ang mga ito dahil napansin niya na masyado siyang naging mahigpit sa mga ito nitong nakaraang linggo. Maging sa mga reserve players, na karamihan ay pawang mga teenagers, ay naging mahigpit din siya.

Isa lang ang maituturo niyang may kasalanan kung bakit sobrang init ng ulo niya nitong mga nakalipas na araw, si Sunny. Sinabihan na niya ito na kung gusto talaga nitong makatulong sa kanila, then it's better if she doesn't do anything. Pero hindi naman ito nakinig sa kanya. Pagkatapos nitong pumunta dito sa training ground may isang linggo na rin ang nakakaraan, makailang ulit pa ulit itong bumalik.

Well, at least she listened to one thing that he said. Binago na nito ang paraan ng pananamit nito. Everytime she went here, nakasuot na lang ito ng simpleng t-shirt, shorts, at rubber shoes. Pero parang wala rin naman 'yong pinagkaiba, not with those legs that just seemed to go on forever. Sa tuwing pupunta ito ay lagi itong pinagpipyestahan ng mga miyembro ng club. Lalo lang tuloy nag-iinit ang ulo niya. Up to the point where he literally wanted to break something.

Nag-angat siya ng mukha nang bigla na lang bumukas ang pintuan. Pumasok sina Peter, Jomi at Keith. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya pagkakita sa mga ito.

"Anong ginagawa niyo dito? I thought I'd given all of you a day-off," tanong niya sa tatlo na pare-pareho nang naupo sa couch na nando'n.

"I was supposed to go with Macky and Coby today, kaya lang 'yong dalawang 'yon iniwan naman ako," sagot ni Jomi. "Kaya naisip ko na lang na guluhin ka dito."

Hindi na lang niya ito pinansin at binalingan na lang sina Peter at Keith. "And you two?"

"I've thought of some tactical defense last night, gusto ko lang malaman ang opinyon mo about it." Hindi na siya nagtaka sa sinabing 'yon ni Keith. Isa na yata kasi ito sa pinakamatalinong football player na nakilala niya. Magaling ito sa pag-iisip ng mga tactical play kaya naman he always made a point na pakinggan ang mga suhestiyon nito.

"Okay, let's talk about that later," wika niya dito.

"Ako naman, hihingi sana ako ng permiso kung pwedeng dumaan dito yung girlfriend ko," sagot naman ni Peter.

"Peter, hindi mo na kailangang humingi ng permiso. You know Jelay is always welcome here," naiiling na lang niyang wika. Kahit na mahigit isang taon na silang magkakasama, ito lang yata ang humihingi ng permiso sa kanya sa tuwing may gagawin ito na may kinalaman sa team o dito sa training ground. Ang bansag nga dito ng mga kasamahan nito ay 'Peter the Angel', because he was just too kind for his own good.

"Hey, hey, pupunta ba si Sunny ngayon dito?" biglang tanong ni Jomi. Dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ng dalaga ay bigla na lang siyang nainis.

"How the hell should I know?"

"Whoa, easy lang coach. Bakit ba palaging umiinit ang ulo mo sa tuwing nababanggit si Sunny? I mean, she seems really nice," wika nito.

"Yeah, mukha namang mabait si miss Sunny," pagsang-ayon pa ni Peter. "At saka pursigido talaga siya na tulungan tayo."

"About that, I know you don't like her but she's been really helpful this past week," wika naman ni Keith.

"Tama si Keith, dahil sa kanya nagagamit na rin namin sa wakas yung mga aircon sa kwarto. Naging malinis na rin itong dormitory. Finally, living here doesn't feel like hell anymore," dagdag pa ni Jomi.

Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)Where stories live. Discover now