CHAPTER ONE

15.5K 330 2
                                    

TINANGGAL ni Sunflower, o Sunny para sa kanyang malalapit na kaibigan, ang suot na black rayband.  Tumingala siya at pinagmasdan ang mataas at malaking gusali sa harapan.  It was the main building of De Alva Food Corporation.  Isang kumpanya na nagpo-produced ng mga processed meat, like beef, chicken, and pork, pati na rin ng iba't-ibang canned goods.  And this big company is owned by their family.

Not that it matters.  She was never involved with the company, or the family for that matter.  Simula pagkabata ay isa na siyang dakilang outsider sa pamilya niya.  Para lang siyang isang saling-pusa na napilitan lang isali at tawaging isang De Alva.  Dahil sa isang simpleng katotohanan na anak siya sa labas.  Anak siya ng panganay na anak ng patriarch ng mga De Alva sa isang Las Vegas showgirl.

Her mother was a dancer at a club in Las Vegas, doon nagkakilala ito at ang ama niya.  They only had a one night stand pero nagbunga ang kapusukan na 'yon.  And nine months later, she was born.  Hindi naghabol ang nanay niya sa tatay niya, alam naman kasi nito na hindi ito pananagutan ng lalaki lalo pa nga at nalaman nito na kabilang ito sa isang mayamang angkan sa Pilipinas.  So she kept silent, telling herself na kaya naman siya nitong buhayin ng walang tulong ng ama niya.  Sa kabila naman kasi ng propesyon ng nanay niya, her mother was still a proud woman.

That was until she succumbed to sickness.  Unti-unti itong ginupo ng sakit na colon cancer.  Sampung taong gulang siya nang mamatay ito.  Lingid sa kanyang kaalaman, bago pa tuluyang bawian ng buhay ang ina ay kinontak nito si Frederico De Alva, ang kanyang lolo.  Ipinaalam nito sa matandang Don ang tungkol sa kanya, telling him that they can perform DNA testing on her para mapatunayan na nagsasabi ito ng totoo.  But once na maging positive ang result, ang mga ito na ang bahalang mag-alaga sa kanya.

As expected, the result was positive.  Labis siyang natuwa nung una niyang malaman na meron pa pala siyang pamilya.  Wala naman kasing naikukwento sa kanya ang ina.  She was so devastated by her death at parang isang malaking reprieve na malaman na hindi pala siya nag-iisa, meron siyang mga kamag-anak na handang kumupkop sa kanya.  And she can finally meet her father.  'Yon nga lang kailangan niyang umalis sa bansang kinalakihan.  Pero mas pipiliin na niya 'yon kesa naman mapasailalim siya sa foster care system ng Amerika.  Because she knew her life would be like a living hell kapag nangyari 'yon. 

Pero nang makarating siya dito sa Pilipinas, she entered a new kind of hell.

Nagpasya na siyang pumasok sa matayog na building, the heels of her boots clicking on the pavement.  Hindi na siya nag-abala pang lumapit sa receptionist, nagtuluy-tuloy na siya sa elevator.  She was there to see the person she missed the most since she'd been gone from the country.  Pinindot na niya ang top floor kung saan nando'n ang opisina nito.

Nang marating na niya ang palapag na pupuntahan ay dire-diretso lang siya sa paglalakad.  Hindi niya binibigyan ng pansin ang mga tingin na binibigay sa kanya ng mga taong nando'n.  They were all gawking at her na para bang isa siyang alien na napadpad lang do'n.  Hindi naman niya masisisi ang mga ito, for the simple reason that she looked so out of place.  She was wearing a tight v-necked shirt, showing an ample amount of her cleavage.  Tinernuhan niya 'yon ng hapit na hapit na leather pants.  Kuhang-kuha ng suot niyang damit ang bawat kurba ng kanyang katawan.  Yeah, she might looked like a slut, pero wala siyang pakialam.  Dito siya kumportable, kaya walang pwedeng magbawal sa kanya na isuot ang mga damit na gusto niyang isuot.

Papasok na sana siya sa tanging opisina na nando'n when a woman stopped her.  Sa tingin niya ay sekretarya ito dahil ang cubicle nito ang pinakamalapit sa opisina.

"I'm here to see Liam," wika niya.

"Do you have an appointment, ma'am?" malumanay nitong tanong kahit na parang palihim nitong sinasabi sa kanya na malabong makipagkita sa isang kagaya niya ang boss nito dahil sa tinging binibigay nito sa kanya.

Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt