PROLOGUE

23.9K 403 10
                                    

TUMINGIN sa makabilang tabi si Devlin, sinisigurong hindi makukuha ng kalaban sa kanya ang bola.  Nasa second half na sila ng laban, tatlong minuto na lang ang natitira at matatapos na ang laro.  Tie ang score, 2-2.  It was the championship game and they needed to win.  He needed to win.

Naglalaro siya para sa Real Madrid, isa sa pinakakilalang football team sa Espanya at sa buong Europa.  He started playing for them at the age of eighteen and at the tender age of twenty ay kabilang na siya sa main players nito.  Nakaplano na noon ang buhay niya, he will play with his heart's content, maybe win some championships along the way, and then he will retire at the age of thirty-eight.  That was already a good life for him, until one news changed everything.  He was only twenty-seven but this will be his last game.

Kaya naman labis-labis ang pagkagusto niya na ipanalo ang larong ito.  It was the championship game against FC Barcelona, kung sino man ang manalo ngayon ay siya ang magiging kampeon sa Spanish La Liga.   Hindi man tumagal ang career niya bilang isang football player gaya ng kanyang inaasahan, nais naman niya na may maiwan siyang magandang memorya sa huling laro niya.

Sinulyapan niya ang scoreboard, dalawang minuto na lang ang natitira.  Dalawang malalaking manlalaro ang sinubukang kuhanin sa kanya ang bola pero mabilis niyang naiwasan ang mga ito at mabilis na ipinasa ang bola sa isa niyang kasamahan.  Dagli siyang tumakbo patungo sa field ng kalaban.  Habang tumatakbo ay unti-unti na niyang nararamdaman ang sakit sa kanang tuhod niya.  Pero hindi niya 'yon pinansin.

One more minute left.

Muling ipinasa ng team mate niya sa kanya ang bola.  One big and burly defender rushed to him.  He circled through him and passed the ball to his nearest team mate.  Nang matanggap nito 'yon, dahil malapit na sila sa goal, hindi nito pinalampas ang pagkakataon at agad nitong sinipa ang bola patungo sa goal.  Pero hindi 'yon nakalusot sa goalkeeper ng kalaban.

Thirty seconds left.

Lumipad ang bola, mapupunta na sana 'yon sa offside.  Pero agad siyang tumakbo at hinabol 'yon.  Twenty seconds, ten seconds left.  Nang makuha niya ang bola isang malakas na overhead kick ang ginawa niya.  They braced themselves for what will come next.  And then the ball went in!  Kasabay ng pagpasok ng bola ay ang pagtunog ng buzzer.  The game ended and their team won!

Nasuntok na lang niya ang kamao sa hangin.  Mabilis na tumakbo patungo sa kanya ang mga kasamahan, all of them laughing and shouting crazily.  And the next thing he knew, buhat-buhat na siya ng mga ito.  Nakitawa at nakisigaw na rin siya sa mga ito.  Yeah, he already lived a good life.

Devlin, Just One Kiss (Assassins 1)Where stories live. Discover now