Kabanata 1

82.2K 815 106
                                    

Please visit FB : Rain Sunshine Crisostomo sa mga naghahanap sa Full story ng "Na in -love sa grade seven" at Eh ano kung trenta na siya"

Thanks.


"Nabalitaan mo ba na ililipat daw dito sa Section natin si Kuya Fred?" Hindi niya maiwasang hindi makinig sa pinag-uusapan ng mga kaklase niya.

"Ha? Bakit naman nila ililipat dito sa section 1 si Kuya Fred eh diba pasaway yun? Tsaka ang rinig ko pa sa ate ko halos sumpain na daw iyon ng school kulang na nga lang patalsikin ng mga teachers."

"Eh yun na daw ang pinakahuling paraan ng Principal eh baka sakaling mahiya daw dahil puro matitino ang magiging kasama niya. Biruin niyo naman limang beses na nag-grade seven 'yun" 

Si Kuya Fred? Siya yung siga sa iskwater. Noong unang dating niya sa iskwater ay itong pangalan ang naririnig niya dahil halos lahat ng masasamang gawain ay ginagawa nito. Sugal. Barkada. Lahat na.

Tinatawag nilang kuya malamang ay matanda na ito. Grade 7 pa lang sila, kung limang beses na sa grade seven ay malamang nasa 17 or 18 na ito?  Edi Wow!  Matindi ang kalokohan ang pinaggagawa nito sa buhay niya.

Pero bago magsimula ang kwento niya. Siya si Rachel Lorraine Crisostomo 13 yrs old bagong salta sa iskwater dahil sa Bestfriend ng nanay niya siya inihabilin nang mamatay ito. Isang Retired Army ang tatay niya pero anak lang siya sa labas kaya sa sinusustentuhan na lamang siya nito mula sa Japan.

Wala naman masyadong kaibahan ang buhay niya sa probinsya sa buhay niya dito dahil parehas lang naman mahirap ang sitwasyon niya pero gusto niya dito dahil alam niya pagdating ng panahon maraming oportunidad ang nag-aabang sa kanya. 

Likas siyang matalino, mabait, mahinhin at lubos na inosente sa lugar ng kamunduhan. Mabait naman ang Tiyang Nita niya sa kanya wala naman kasi itong mga anak talaga madalas nga lang ay wala sa bahay nila dahil ang alam niya ay nagtatrabaho ito sa Kabaret.

Agad na tumahimik ang buong klase ng biglang lumitaw ang tinutukoy nilang Fred sa pintuan. Bukas ang lahat ng butones ng polo nito at ngumunguya pa ng bubble gum, gulo-gulo at mahaba pa ang buhok nito na kung tutuusin ay dapat sa entrance pa lang ng gate ay hindi na ito pinapasok pero malamang  baka takot din ang guard sa kanya.

Agad na nagiwas siya ng tingin at napayuko  ng biglang napadako sa kanya ang tingin nito. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot  dito. Nakakatakot siyang tumingin. Pati yung mga kaklase niyang lalaki ay napatikom ang bibig. Buti na lang at nasa unahan ako nakaupo dahil pumunta siya sa likuran at doon naupo.

"Okay class. As you see you have a new classmate. Jose Fredericko Antonio. He is originally from section 17 but unfortunately, that section is too crowded for stubborn student that's why we decided to bring him up here" section 17? Last section 'yun ah. Taas naman ng tinalon ng level niya.

At dahil masyado na siyang na-focus sa lesson nila ay madali na niyang nakalimutan na may bago siyang kaklse. Last quarter na at kailangan niya pang galingan para ma-secure ang pagiging Top sa klase.

Pero parang pinagsakluban siya ng langit at lupa ng ni-announce ng Filipino at English Teacher niya na si Jose Frediricko Antonio ang magiging partner niya in both project. Noong una nakalimutan niya pa kung sino ang pangalang sinasabi ng mga ito pero unti-unti gumuho ang mundo niya ng marealized niya kung sino ito.

 
"Hala ka Rain. Anong gagawin mo partner mo si Kuya Fred."

"Oo nga. Nakita mo ba kanina, nakakatakot ang itsura niya parang manununtok lagi."

 
"Naku dadalawin ka na lang namin sa Ospital" tapos nagtawanan pa sila. 3 weeks lang ang binigay ng panahon sa amin para sa mga term paper na iyon. At hindi ko alam kung paano siya iaaproach.

Na-In-Love sa Grade SevenWhere stories live. Discover now