"Oo eh, the night after that di ko na siya nakita,pag gising ko wala na sa kwarto,tapos sabi nung hotel nagcheck out na daw ng maaga."

"Juice ko dude, ang hirap naman nun, saan naman natin hahanapin yun?"

"Alam mo, 4 months ko ng pinagiisipan yan pero wala pa rin ako mahanap na sagot! Hahaha!" natatawa kong sabi dito.

"Teka nga pala, maiba tayo, kailan ba opening nung bar mo?"

"Nextweek, inaantay ko nalang yung ibang supplies na inorder ko, and isasabay ko sa paguwi ni Migz."

"Talaga uuwi si Migz, ano yan dude, for good na ba yan twin brother mo?" tanong nito.

"Malamang dude, kailangan na niyang makasama yung fiance niya kasi 2 months  from now ang engagement"

"So tuloy na talaga yung kasal?"

"Oo, ewan ko ba uso pa pala yung kasal, hahaha!"

"Hahaha, di ka niya gayahin dude noh! Pasaway!" pangaasar nito.

"Siraulo ka talaga Dude! Mana lang sayo, hahaha"

Summer's POV

F*ck! Bakit d ka mawala wala sa isip ko.

Nandito ako ngayon sa library para tapusin ang mga kailangan ko para sa thesis, pero hindi rin naman ako makapagconcentrate dahil hindi mawala wala sa isip ko si Alex at ang nangyari nung gabing yon.

Flashback

Nagising ako dala ng sobrang uhaw,  laking gulat ko nalang ng maramdaman kong wala akong saplot, dali dali kong hinatak ang kumot at itinakip sa akin katawan, at pagtingin ko sa aking tabi, ay isang mahimbing na Alex...

Oh my gosh! Anong ginawa ko??

Ipinikit ko ang aking mga mata at muling inalala ang mga nangyari kagabi...

Juicecolored! Ginawa talaga namin "yun"?

Tinignan ko muli itong babaeng katabi ko, akalain mo yun, malaanghel ang itsura kapag natutulog...

hay, Alex.ano ba tong ginawa mo!? Ano tong ginawa natin?

Bago pa magising ito ay nagayos na ako at bumalik sa aking kwarto.
Hindi ko na siya ginising pa dahil di ko pa alam paano siya haharapin.

At nung umaga din yun, tumawag si tita Mayet at sinabing nasa hospital ang Dad dahil sa heart attack, kaya dali dali akong bumalik ng Manila..

"Earth to Aali!" si Liz.
Actually, Aali naman talaga ang tawag nila sa akin, short for Aaliyah, but I chose to give Alex the name Summer, maiba naman.

Hindi ko namalayan na dumating na pala ito.

"Beshy, sya nanaman ba ang iniisip mo?"

"I can't get her out of my mind Beshy, hindi ako.makapagconcentrate sa mga gagawin ko."

"Tsk! Tsk! Tsk!" naiiling na sabi nito.

Kunot noo ko naman tong tinignan.

"Masama na yan Beshy ha! Ano ba yan Love or Lust?" pabulong na sabi nito.

" Siraulo ka Beshy ha, hindi love to noh, at lalong hindi lust, Kaloka ka!" mahinang sabi ko dito, dahil baka masita na kami ng librarian.

"Pero aminin mo Beshy, nagenjoy ka! Hahaha!" pangaasar nito.

"Quiet!" sabi nung librarian.

"Sorry ma'am/Sorry po" sabay namin sabi.

"Hinaan mo nga yan boses mo Beshy" saway ko dito.

"Pero totoo diba? Nagenjoy ka" pangaasar pa rin nito.

"Shut up, lukaret ka talaga." sabi ko nalang dito.

Pero kahit lasing ako non, naaalala ko pa rin lahat, how good Alex in bed and yung feeling na para kang nasa cloud nine...

Haist! Enough of Kaya ako,hindi ako naniniwala na kapag lasing ang isang tao hindi nila alam ang ginagawa nila or di nila matandaan, alam nila kung ano ang ginagawa nila,its just hindi lang nila kayang controlin...

Pero naniniwala ako na kapag talaga may alak may balak! Hahaha! Chos!

Happy reading peeps!😊

(a/n Summer's pic on top, still looking for Alex's character, suggestions, anyone?)

Kheekhaikheekhs™

When In Bora(GXG) 🌈❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon