Chapter 5

8 0 0
                                    


Blush


"Arisse..."

"Hmm?" Mula sa aking bag ay inangat ko ang aking atensyon sa kaibigang papalapit.

Tuwid na naglalakad si Miel patungo sa akin habang ang kanyang dalawang kamay ay nasa kanyang likod. Sa likod naman nya ay si Jen na may nakaka lokong ngisi sa kanyang labi.

"Look at their creepy smile." Bulong ni Pau sa akin.

Natawa ako. Miel and Jen have that creepy smile whenever somethings up. I wonder what it is now.

"May itatanong lang kami." Umupo sa tabi ko si Jen pagkatapos ay inakbayan ako habang si Miel naman ay nanatili sa aking harap at nakatayo.

"Ano yon?" Si Pau.

"Are you sure you're not secretly dating someone?"

Naningkit ang mata ko sa naging tanong ni Jen.

"You're not hiding anything from us, right?"

"I am always with you guys, tingin nyo ba ay may hindi pa kayo nalalaman tungkol sakin?" Natatawang tanong ko.

"Then... what is the meaning of this?" Inilahad ni Miel sa akin ang kanyang cellphone.

Kunot noo ko iyong tinanggap at tinignan kung ano ang mayroon don. Maging si Pau sa aking tabi ay naki dungaw rin. Agad na nanlaki ang mata ko ng makita ang larawan. It was me and Levin at the restaurant the other day!

Sa litrato ay magka harap kami habang naka tayo. I was looking at my phone habang sya naman ay naka dungaw sa akin. The angle of the photo makes the distance between us narrower kaya mukhang dikit na dikit kami sa isa't-isa. And he even looked like he's holding my waist pero ang totoo ay nakapatong lamang ito sa sandalan ng upuan sa aking gilid.

Bago pa ako makapag react ay may humablot na sa cellphone mula sa aking kamay.

"Wait... Is that Levin Escamilla?" Tanong ni Pau.

"Where the hell did you get that?" Sigaw ko.

Humalakhak si Miel pagkatapos ay inilayo ang kanyang cellphone sa akin.

"Are you two secretly dating?" Tanong ni Jen habang tumataas baba ang kilay.

"Hell no!" Mariing sagot ko.

"Then why is he holding your waist? Aba! Too much skinship ha! You two looked like a real couple there."

"The real question is, why are you with him?" Tanong ni Pau.

"Bagay naman sila no?" Singit pa ni Miel.

"Mag tigil nga kayo! That was just a camera trick. He's not even touching me."

"Hmm... Really?"

Hindi sila kombinsido sa aking naging sagot. Napairap ako.

"Saan nyo ba nakuha yan? Delete nyo nga!" Humakbang ako ng isang beses. Humahagikhik namang lumayo ang dalawa.

"Akala ko hindi mo sya kilala, 'risse? That photo doesn't look photoshoped though." Si Pau.

"Bakit mo sya kasama? And I also heard from somewhere... sinundo ka pa daw nya dito."

Bumuntong hininga ako. The only way to make their soul in peace is to explain everything.

Kaya ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat upang matigil na sila sa kanilang mga tanong. Napayapa lamang ako ng mukhang naintindihan na nila iyon. Ngunit si Jen ay tila hindi parin kumbinsido. Tumatango sya sa mga sinasabi ko ngunit may nakakaloko paring ngisi sa kanyang mga labi.

Mr AlmostWhere stories live. Discover now