Chapter 2

8 1 0
                                    

Met


I can clearly remember the time when we first met.

Lunes ng hapon at katatapos lamang ng aking klase nang tawagan ako ng aking kapatid.

"Alen..." Panimula ko.

Ilang segundo muna ang lumipas bago sya magsalita.

"This is not him." Kumunot ang aking noo ng marinig na iba ang tinig sa kabilang linya.

Inilayo ko ang cellphone sa aking tenga at sinulyapan ang caller ID.

It's my brothers number. Who the hell is this? Nanakawan ba ng cellphone ang kapatid ko?

"Who are you?" Matigas kong tanong.

"That Alen whatever is here on the hospital."

Natigil ako sa paglalakad.

"What?"

"He's injured, Miss."

Nanlamig ako sa aking narinig. Agad akong pumihit papunta sa parking lot.

"What happened to him?!" Nagpapanic na tanong ko.

"You better stop asking and just go here."

Kinagat ko ang aking labi.

"I'll send you the address of the hospital."

"Im on my way."

Agad na naputol ang linya ng sabihin ko iyon. Manginig nginig kong pinaandar ang aking sasakyan.

Ohmygod. My brother. My poor brother. Did he got into a fight? Accident? Bakit ba ang lampa ng lalaking iyon?

I want to contact our parents to tell them what happened pero mas maganda siguro kung aalamin ko muna ang totoong nangyari bago ko ibalita sa kanila.

They will surely panic. At ayokong mangyari iyon.

Inabot ko ang aking cellphone at tinawagan ang aking Kuya. I don't know what he's doing right now pero kailangan nyang malaman ito!

Nakakatatlong ring palang nang sagutin nya ang aking tawag. Im glad that he's not busy.

"Kuya! Alen is at the hospital."

"What?" Gulat na tanong niya. "Anong nangyare?"

"I have no idea! Im on my way to check on him."

Narinig ko sa background ang malambing na boses ni Ate Mil, his wife.

"Anong meron?"

"Si Alen daw nasa hospital."

"Ano? Bakit daw?"

"Kuya.." Pukaw ko sa atensyon nya. "Wag mo munang sabihin kila, Mommy. Mamaya nalang kapag nalaman na natin kung anong nangyare."

"I was about to tell you that. How about Aleli?" Ang tinutukoy niya ay ang isa ko pang nakatatandang kapatid.

"Ikaw nalang magsabi. Im driving."

"Alright. Pupunta kami ni Mildred jan as soon as possible."

"Sige."

"Mag ingat sa pag da drive, Arisse."

"Yes, Kuya."

Matapos kong mag paalam ay agad ko ng pinutol ang tawag.

Pinaharurot ko ang aking sasakyan patungong hospital dahilan kung bakit mabilis akong nakarating roon. Laking pasasalamat ko ng walang sumita sa akin at hindi heavy ang traffic.

Mr AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon