Chapter 1

52 5 3
                                    

Chapter 1: Loss

"You didn't packed much, 'risse?" Tanong ni Miel sa akin sabay turo sa natatanging back pack na aking dala.

"Bakit? I thought we're going to extend here?" si Jen.

Inilingan ko sila at nginisihan.

"Come on! Baka mahuli tayo sa seminar." Pag iiba ko.

"You even brought your own car. Is there something wrong?"

"Ohmygod! Don't tell me babalik ka agad ng Manila after the awardings?" Tinuro ako ni Jen at pinang dilatan ng mata.

"We all agreed to extend diba? Arisse?" Kalmado namang tanong ni Pau.

Humugot ako ng malalim na hininga at hinarap sila.

"Ihahatid ni Alen dito yung isa ko pang baggage and about my car... I have things to do in Manila kaya may mga times na mawawala ako rito." Ani ko upang matigil na sila.

"Babalik din naman ako agad. Syempre may game pa tayo eh. Don't worry."

Mukha namang kumagat sila sa sinabi ko dahil natigil na sila sa pagtatanong sa akin.

"Now, let's go downstairs dahil kanina pa tayo hinihintay ng team."

It was exactly 2PM when we arrived at the stadium's hall. Marami ng participants mula sa iba't-ibang paaralan ang nag kalat sa paligid.

We're all here for the annual University Athletic Championships. Sampo sa mga naglalakihang unibersidad sa bansa ang lumalahok sa event na ito taon taon.

Ang perang naiipon mula rito ay napupunta sa mga piling charity. Sulit naman ang hirap at pagod na pinag daanan namin sa training dahil para rin naman ito sa mga taong nangangailangan ng tulong. The thought of that already make us feel proud. We know it's worth it. And besides makikinabang rin ang mga players at universities rito dahil sa mga award at incentives na matatanggap.

"Hindi ko makita si Minton. Nandito na din ba sya, 'risse?" Tanong ni Miel.

Sumulyap ako sa aking cellphone bago sya balingan.

"Yeah. Fourth row sa left side. Nag save na daw sya ng upuan natin. Let's go."

Sa daan patungo sa aming uupuan ay marami kaming kakilalang naka salubong. Batian at kamustahan pa ang nangyare kaya pag dating namin sa aming pwesto ay naka kunot na ang noo ni Minton.

"Tagal nyo." Naiinip na sabi nya ng tabihan ko sya.

"We met some friends." Ani ko pagkatapos ay tinanggap ang bottled water na kanyang iniabot.

"Hi 'risse!" Nakangising bati sa akin ni Alfred, kateam ni Minton sa basketball.

"Hello. Nasaan iba nyong teammates? Bat kayong dalawa lang?"

"Nandito lang sa paligid yung mga yon. Nag hahanap ng chics..." Natigil sya sa pagsasalita ng makita nyang tumayo si Miel sa kanyang harapan. Maging ako ay napalingon sa kaibigan.

"Hi Alfred! Alis ka jan. Tabi kami ni Minton."

Napangisi ako sa sinabi nya tapos ay siniko si Minton. Nginuso ko si Miel sa kanya, saglit naman nya itong sinulyapan pagkatapos ay umiling. Humalakhak ako.

"Eh san ako uupo?"

"Dun ka sa tabi ni Jen. Alis ka na jan bilis!"

Nakangusong tumayo sa upuan nya si Alfred habang kumakamot sa kanyang batok.

"Babatukan lang ako nyan ni Jen eh." Bulong bulong nya pero umupo padin naman sa tabi ni Jen na busy at naka tutok sa kanyang cellphone ngayon.

Ilang sandali pa ang lumipas ng magsimula na ang seminar. Isang mahabang oras pa ang dumaan bago kami tuluyang pakawalan upang maka balik sa na resort na aming tinutuluyan.

Mr AlmostTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang