Chapter 5: Bridge

83 14 0
                                    

Nakaka-boring na araw. Wala na namang teacher at sobrang ingay ng mga kaklase ko. Intrams is fast approaching kaya medyo busy na rin ang mga teachers at maraming athletes ang excuse sa klase.

I'm not the kind of girl who has much confidence in terms of sports, even though I'm into volleyball and running. I discovered it way back in fourth grade. I didn't expect that I could play volleyball and run that fast.

Instead of waiting here, I will just join Ate Ana and the other girls, kahit 'di ko alam kung saan sila papunta.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko habang papalapit sa kinaroroonan nila.

"Ahh doon sa 9 Diamond. Gusto mong sumama?" sagot ni Ate Ana at inaya na rin akong sumama.

"Sige ba," nakangiti kong sagot.

Pumunta kami sa 9 Diamond para kunin 'yong mga kakailanganin namin sa Intramurals. Syempre hindi mawawala ang agawan ng championship at proud to be Pikachu ako. Ang theme kasi ng Intrams namin this year ay Pokemon battle. Ang nice, 'di ba?

Habang naghihintay kami rito sa labas ng room nila ay hindi ko inaasahan na makikita ko si JK. Tapos... ba't gano'n, 'di niya ba ako nakita o sadyang binalewala niya ko? Dinaanan niya lang ako, and I know matangkad siya pero visible pa naman siguro ako sa liit ko na 'to?

Napansin ko naman na parang bulate itong kasama ko. Parang kinikilig at kanino naman?

"Anyare? Ate Ana?" tanong ko sa kanya.

"Wala.." simple niyang sagot pero sa iba siya nakatingin. So it's him?

Pareho kami ng tinitingnan. Nangangamatis na rin ang kanyang pisngi.

"Kilala mo ba si JK?" tanong ko na lang bigla at mas kinilig pa siya.

Not again.

"Oo, kasi estudyante ko siya noong nag-student teacher kami," she explained.

"Oh, tapos? Crush mo na?" sunod pang tanong ko.

"Ay, grabe siya! Agad-agad!?"

"Crush lang naman po 'wag kang OA."

"Eh, paano mo siya nakilala?" tanong niya rin sa akin.

Actually, I met him when we were in third grade, but we became close when we were in sixth grade. I have a crush on my best friend, then I fall. At dahil doon, I made the wrong move and decision.

*FLASHBACK*

"Uy, Angel si JK.." panunukso nila sa kanilang dalawa.

I started it, then I should bear with it. Nagtuloy-tuloy nga ang pang-aasar na ako ang nagsimula habang ako pangiti-ngiti na lang.

"Masakit ba?" tanong sa akin ni Eli at palihim naman akong ngumiti ng pilit.

"Ano ba, wala 'yon. Para ka namang tanga," pagsisinungaling ko naman.

"Hi!" bati ni JK at ngumiti naman ako sa kanya bilang sagot.

"Zya, catch!" Agad ko namang nasalo ang ibinato sa akin ni Lin na suklay.

"Ano 'to?" tanong ko kay Lin.

Pang-aasar pa lang nila alam ko na kung kanino ito kaya inabot ko ito kay JK na nagtaka naman.

"Oh, ano 'to?" tanong niya rin, I just shrugged.

"Aba malay ko, bigay mo na lang kay Angel para malaman mo," pilit na pang-aasar ko sa kanya.

"Ayoko, kaya ikaw na lang."

"Isa.. Dalawa.." pagbibilang ko pero tumigil ako nang pumunta na siya kay Angel.

"Ngayon malungkot ka. Bakit? Ikaw naman may kasalanan. Pinush mo siya kay Angel, eh," komento ni Kaye. Best friend ko ba talaga 'tong dalawang na 'to?

I'm very aware of it, kaya nga ginagawa ko 'to para matigil na itong kabaliwan ko at kapag busy na siya sa iba baka mawala yung feelings ko para sa kanya.

At natahimik naman kami nang bumalik si JK.

"Okay na."

"Susunod naman pala, eh."

Kinikilig pa si Angel sa ginawa ni JK masyado siyang pabebe. Ayaw na ayaw ko na sa kaniya umpisa pa lang at 'di ko alam kung bakit. Para kasi siyang playgirl. Ewan praning na ata ako.

"Basta promise mo sa akin kapag naging kayo ako ang unang makakaalam." Lumiit naman ang mga mata niya, siguro nagtataka siya kung saan nanggaling ang pinagsasasabi ko ngayon.

"Okay, promise.." Ngumiti na lang ako sa kanya sa sinabi niya.

Promise? 'yan na lang ang pinanghahawakan ko para kahit hindi man tayo sa dulo ay mag-best friend pa rin tayo.

*END OF FLASHBACK*

"Hoy!" Nagulat naman ako sa kung sino mang  gumulat sa akin pero mas nagulat akong siya pala 'yon.

"Maka-hoy ka naman! Kanina 'di mo ko pinansin," pagmamaktol ko sa kaniya.

"Tampo ka na niyan?" pang-aasar niya tapos biglang mawawala mga mata niya.

"Baliw."

"Sino kasama mo?" tanong niya bigla.

"Ahh, oo nga pala. Ate!" Tinawag ko naman sila Ate Ana at agad naman silang lumapit sa amin.

"Ate Ana meet JK. JK si Ate Ana pala tapos si Ate Tin and si Cris," pagpapakilala ko.

"Grabe ka." bulong sa akin ni Ate Ana.

"Hello, Binibini," bati ni JK. Binibini? Ah, oo nga pala nagturo sila ng Filipino sa kanila.

"Hello," sabi ni Ate Ana na kinikilig.

"Ah, sige JK una na kami may gagawin pa kami."

"Ah, sige. Nice meeting you sa inyong tatlo. Sige, Zya." Tinalikuran na niya kami at ito namang si Ate Ana kinikilig, baliw na akala ko ba crush lang.

Ba't ko nga pala ginawa iyon? Hindi ko alam. Ito na naman nagpapakatulay. Ba't ba ang bait ko sa mga nagkakagusto sa kanya?

Tapos sa huli pagsisisihan ko.

My First LoveWhere stories live. Discover now