Chapter 4: Happiness

100 13 4
                                    

Ngayon, Iniisip ko 'yong nangyari noon. Ang tanga ko pala talaga noon. At ang tanga lang talaga ng idea na iyon.

I'm stupid to fall into that trap.

*FLASHBACK*

It's already afternoon, and I'm waiting for JK. Malapit na rin mag-ring ang bell. Palagi na lang siyang late. Habang naghihintay sa labas tinawag ako ni Eli na nasa kabilang section.

"Ano'ng meron?" tanong ko sa kanila pagkalapit ko.

"Ah, ito Angel si Zya, best friend 'yan ni JK," pagpapakilala niya rito.

Ako? Ano namang meron at may pagpapakilala?

"Ah, Zya ito si Angel, crush niya si JK." May nagkakagusto pa pala sa mokong na 'yon maliban sa akin.

"May gusto ka kay JK?" tanong ko kahit obvious naman. Masakit lang na may kaagaw ako. Maling isipin na kaagaw siya pero ang ganda niya, eh, kaya hindi imposible na magkagusto rin sa kanya si JK.

"Ah, eh, oo.." I just smiled.

"So, gusto niya kasing makilala si JK and sakto naman ikaw ang best friend kaya tulungan mo siya kay JK, ha," paliwanag ni Eli.

Tulungan? Eh, 'yong sarili ko nga hindi ko natutulungan siya pa kaya. Haist! Eli, parang 'di kaibigan. Ba't sa akin pa?

"Sige ba! Ano maitutulong ko? Gusto mo ipakilala kita sa kanya?" pabibo kong tanong. Ang plastic ko!

"Uy, hindi muna nakakahiya, eh." Pabebe pa gusto rin naman.

"Sakto nand'yan na siya. I can help you, trust me. I'm his best friend, right?" Siguro dito na lang ako magiging masaya, 'yong makita ang best friend ko na masaya kahit sa iba.

Hinila ko si JK nang makalapit na siya.

"Bakit?" tanong niya.

Kaya ko ba siyang ipamigay sa iba?

"Uhm.. JK, si Angel nga pala," pakilala ko sa kanya.

"Kilala ko naman siya," sambit niya. Kilala naman na pala, eh. What's the use? Tapos na trabaho ko.

"Hi JK!" bati ni Angel.

"Hello!" What's next? Tatayo na lang ba tayo dito?

"Ah! So, una na muna kami, tara na magbe-bell na. Eli, tara na!" Naunang maglakad ang mokong at sumunod naman kami ni Eli.

Baliw talaga 'tong si Eli, alam naman niyang gusto ko si JK tapos ipapaharap sa'kin 'yang babaeng 'yan. Pero ayaw ko rin na may makaalam pa na iba at baka kasi kapag nalaman nila kumalat tapos layuan ako ni KJ. Ayokong mangyari 'yon at kapag nagkataon mawawalan ako ng best friend.

"So, ipinamimigay mo 'ko?" tanong niya bigla nang makapasok na kami sa room.

Alam ko namang gusto ko siya pero bakit ko pa rin ito ginagawa? Masasaktan lang ako pero wala, eh. I'm his best friend. Pero nasasaktan ako kasi pinu-push ko siya sa iba.

"Huh?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong pero agad ko namang na gets ang sinasabi niya. "Grabe siya hindi, ah," indenial kong sagot sa kanya.

"So, ano 'yon?" inosente niyang tanong.

"Gusto niya lang makipag-friends," sagot ko naman.

"Owss.." Ang cute niya 'pag ganyan siya. 'Yong kahit hindi siya ngumiti gwapo na.

"Ang cute mo." Oppss? Nasabi ko ba 'yon sa harap niya? Tanga mo girl, lupa kainin mo na ko.

"In love ka na niyan.." pang aasar niya sa akin.

Eh, totoo naman kasi.

"No.."

Ginawa ko ba 'yon dahil best friend niya ko o ginawa ko 'yon para mapansin niya ko at makita niya halaga ko? Pero masaya ako kapag masaya siya. I'm just happy lalo na kapag may nagawa akong maganda para sa best friend ko.

I wish maganda nga kahit masakit.

*END OF FLASHBACK*

I know that I'm not a perfect best friend. That's why I did my best that time. I don't know if that's enough, but I don't care anymore because it's done. I just can't forget it because it's in my past and he is part of it.

I choose to be happy in that way not because it's needed but because I want it. And it made him happy, too. I would do anything for him, even sacrificing my feelings for his happiness.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon