(1) Wanted To See You Again One Last Time but...

Start from the beginning
                                    

It's been 18 years sa kanyang pagbibilang. Naalala pa rin niya ang hubong ng mukha nito. Ang ngiti, tawa at ang masayahing ugali nito. Too bad, hindi humantong sa masayang pagtatapos ang huling pagkikita nilang dalawa. Nasaan na kaya ito? Anong ginagawa nito ngayon? Ang huling balita niya ay bumalik ito ng France kung saan ito tumira. Ano kaya ang naging trabaho nito doon? Siguro nakamit na nito na maging basketball player dahil noon high school pa lamang sila, varsity player ito at palaging MVP.

O di naman kaya, may sarili na itong pamilya. Magkaedad lang silang dalawa. They're 28 years old. Kung meron na, she's happy for him.

But, for the last time, sana makita niya ito muli. Kahit ilang segundo lang kontento na siya.


[Celestine]

Nasa loob na sila ng Le Alessandre Hotel. First time niya nakapasok dito at manghang-mangha siya sa lugar. Nakikita niya lang ito sa mga magazines pero iba pala talaga kapag nakita mo sa personal ang ganitong napagandang lugar. Napakalawak at nakapaenggrande sa bawat sulok na makikita niya. Parang siyang nasa isang palasyo. Halos lahat ng mga bisita ay hindi basta-basta. Halos na nandito ay negosyante. Kaya pala gustong gusto ni Benjamin na makadalo dito dahil hindi lang ang may-ari ng Le Alessandre ang pakay nitong mag-invest sa negosyo nito, para din makakilala at makipagkaibigan sa iba pang maimpluwensyang tao.

"I can't believe we are here, Celestine. This is what you called opportunity. Ang daming business men na kilalang kilala hindi lang dito.Hindi na dapat ako magsayang ng oras, kailangan ko na kumilos." Kumislap ang mga mata nito dahil sa saya. Ito talaga ang ugali ni Benjamin. Kapag tungkol sa negosyo ang paguusapan, hyper ito at hindi ito nagsasayang ng oportunidad.

"Benjamin, can you, maybe... set aside for that? Mag-enjoy muna tayo na tayong dalawa lang." Dahil masyado itong busy minsan sa trabaho, hindi na sila nakakapag-bonding o date man lang. 

"We can do that later, Celestine." Malumanay na sabi nito at hinawakan ang kanyang kamay. 

"Pero mayaman ka na. Lumalago na ang negosyo mo, Benjamin."

"No. Still, it's not enough, Celestine. We can date all we want, but for now, hindi ko ito palalagpasin ang gabi na ito. You know, this is how business works. Kung gusto mo pa na mas umasensyo, grab it like there's no tomorrow. Please, give this to me, okay?"

Hindi na siya nagsalita pa at tumango na lamang. Ngumiti ito at niyakap siya. "Yes! Thank you. Promise, this will be a great deal. Hindi lang ang mga tao nandito ang makikilala at magiging kaibigan ko, pati na din ang Le Alessandre."

Palagi na lang ganito ang sitwasyon nilang dalawa. Bakit hindi niya masabi kung ano ba talaga ang nararamdaman niya? Kung hindi niya kayang sumuway sa kanyang mga magulang, pati rin ba naman sa relasyon nilang dalawa ni Benjamin? Parang wala siyang lakas ng loob para sabihin kung ang kanyang gusto. Alam na niya sa sarili niya na duwag siya. Gusto man niya makawala pero saan naman siya pupunta?

Saan? Naiisip pa lang niya, natatakot na siya. Saan ba siya kukuha ng lakas ng loob?

[Celestine]

Kalahitng oras na din sila nasa event. Inanunsyo rin na male-late ng kaunti ang pagpunta ng CEO ng Le Alessandre kaya magihihintay pa sila ng ilang oras.Habang ang iba ay masayang naguusap at nagsasayawan, siya naman ay nasa isang sulok lang, nakaupo habang tinitignan ang hawak niyang baso. Hindi siya sanay na makipaghalubilo sa ibang tao at ayaw niya din makakilala ng iba. Sa totoo lang, guato na niyang umuwi. Pero tinitiis lang niya ito para sa kanyang nobyo na magiliw ang paghahalubilo sa ibang mga bisita.

Mister Billionaire's GameWhere stories live. Discover now