(2) A Secret Wink

1.2K 73 13
                                    

[Celestine POV]

"Long time no see, Celestine."

"Lysandro..."

"Sandali lang, ilang taon na ba huli nating pagkikita? Eight? Ten years ago?"

"A-anong ginagawa mo ditto?" Ano nga ba ang ginagawa nito ditto? Nandito din ba ito para sa charity event? Businessman din na ba ito?

"Hmm... kahit hindi naman iyan ang sagot sa tanong ko, I'm here because... I am here. It's a Charity event, right? I bet iyan din ang rason kung bakit ka nandirito. Ikaw lang mag-isa? May kasama ka?"

"Ye-yeah. Actually, sinamahan ko lang ang... ang boy---" Naputol ang kanyang sasabihin ng bigla na naman tumunog ang kanyang cellphone. Si Benjamine na naman ang tumatawag.

Lumayo siya kay Lysandro at sinagot ang tawag ni Benjamine. "Where are you? Magsisimula na. Asan ka ba?"

"Papunta na ako diyan. Don't worry. Nandiyan na ako bago pa magsimula."

"Then, hurry up. Ayoko na may maraming tao ang maguunahan makipagusap sa CEO. I want you here Celestine, okay?"

"Okay, Benj---" Hindi na niya natapos ng bigla na lang pinatay ang linya nito.

"Boyfriend mo?" Biglang tanong nito.

"I have to go. Magsisimula na daw ang party. Sige, it's... it's good to see you again." Hindi na niya pinansin ang tanong nito at nauna na siyang maglakad pabalik sa venue.

Kahit nagmamadali na siya papunta sa venue, na kay Lysandro ang buong atensyon niya. Hindi siya makapaniwala... hindi niya inakala na sa pagiisip niya kung nasaan na ito o kung anon a ang buhay nito ngayon, ngayon mismong araw ang muli nilang pagkikita! Unbelievable! Hindi siya nakahanda para sa ganitong mangyayari!

Whatever! Erase muna niya sa isipan nito at kailangan na niya talagang punatahan si Benjamine.

****

[Celestine POV]

"Celestine! Bakit ang tagal mo?" Tanong agad ni Benjamine pagkadating niya.

"Sorry natagalan ako. Nagsimula na ba?"

"Malapit na. I think nasa back stage na ang CEO. Huwag ka ng aalis sa tabi ko, okay? Pagkatapos ng speech ng CEO, puputahan agad natin siya para magpakilala. Ayoko na matatagalan pa tayo sa linya para makalapit tayo sa kanya."

Competitive talaga si Benjamine kapag may oportunidad na darating. Masaya siya para rito pero nakakapagod din lalo na ngayon. Isasama siya sa pangangarera nito para makausap ang CEO ng Le Alessandre. Wala rin naman siyang magagawa dahil nakikita niya ang sabik sa oportunidad na makukuha nito ngayong gabi. As his girlfriend, ang kailangan niya lang gawin ay sumuporta.

"It's starting." Pagkatungtong ng emcee sa stage tinawag na agad ang CEO. 

"Please welcome, the CEO of Le Alessandre Empire, Mister Alexandro Santoro."

Nagpalakpakan silang lahat paglabas ng CEO. "Good evening. First of all, I would Like to take this chance to thank all of you to attend this charity event. And as always, it really amazed me kung gaano kayo sumuporta sa mga community project ng company. Many, many people truly helped with your non-stop support.

As CEO of our family for three generations, it's been a huge responsibility on my part and I've decided that it's time for me to step down as the head of this company."

Mister Billionaire's GameWhere stories live. Discover now