(3) Forgotten

873 52 2
                                    

[Celestine POV]

Pumunta siya sa opisina ni Benjamin. These past days masyado itong nakakababad sa trabaho lalo na sa preparation nito para sa presentation sa Le Alessandre bukas. Ilang araw na din silang hindi nagkikita kaya nagpasya siyang kumustahin ito.

At ngayong araw na ito ang kanilang fifth-year anniversary bilang mag-couple. Yayayain niya itong mag-celebrate pag natapos na ito sa trabaho.

Pagpasok niya sa opisina nito, agad niya itong nakita sa table nito. Hindi ito napansin na papalapit na siya at umupo sa tapat nito. Nakababad ito sa laptop at napapaligiran ng mga baso at wine para i-present sa Le Alessandre. Alam niya na imporante para kay Benjamin na maging successful sa buhay at ng binigayan ito ng pagkakataon na baka sakaling makuha ang tiwala ng Le Alessandre sa negosyo nito.

Kinatok niya ang lamesa para makuha ang atensyon nito pero hindi ito narinig. Typical Benjamin.

Nagpasya na lang siyang magsalita. "Still working on your presentation?"


Napaangat ito ng tingin sa kanya at balik na naman sa ginagawa nito. "Yeah. Ayokong pumalpak. Napahiya na nga ako sa business card ko, ditto pa kaya? Why are you here, by the way?"

Mukhang hindi nga nito naalala anong mahalagang okasyon nilang dalawa ngayon. "Um, kinukumusta ka. Imporante kasi sa iyo ito kaya gusto kong Makita ka at bigyan ka ng support. I'm sure your presentation will be a success."

"Thanks." Iyan lang ang sagot nito at ibinalik na naman ang atrnensyon sa laptop nito.

"Benj, wala ka ba naaalala anong okasyon ngayon?"

"Hmm? I don't know. What are you talking about?" Sagot nito.

I knew it. "It's our anniversary. Nakalimutan mo na ba?"

Natameme ito sa sinabi niya. "Oh my gosh really? I'm so sorry, Babe. Masyado na akong focus ditto kaya hindi ko na napansin."

Sige na lang. Papalagpasin muna niya ito. Total, importante naman talaga rito ang presentation bukas. "If it's okay with you, yayayain sana kita kumain mamaya. Doon pa rin sa restaurant kung saan tayo nagce-celebrate."

Hinintay niya ang sagot nito pero parang hindi man lang siya narinig nito.

"Benj?" Tawag niya rito.

"I'm sorry, Celestine. Pwede ba na sa susunod na lang? Babawi ako sa susunod, okay? Kailangan ko talagang gawing perpekto ang inihahanda ko para bukas. Importante sa akin ito kaya pagbigyan mo muna ako ngayon, please?"

"Si-sige." May magagawa pa ba siya? Kung pipilitin pa niya ang kanyang gusto, mas pipilitin naman ang gusto nito. Sige na lang. Siya na ang magpaparaya ngayon.

"Thanks! You're the best. Siya nga pala, samahan mo ako bukas sa Le Alessandre Hotel. Para naman may supporter ako habang nagpe-present ako doon. Alam mo kapag kasama kita, parang naambunan ako ng swerte. You're my lucky charm."

"Ganoon ba?" So sinasama siya nito sa mga parties dahil isa siyang lucky charm nito?

Okay. Lucky charm kung lucky charm nga. Sira na ang araw niya. Sana hindi na lang siya pumunta rito.

****

[Celestine POV]

Nagmamadali siya na ihanda ang mga kakailanganin niya para ngayong araw. Ito na kasi ang pinakahihintay ni Benjamin na i-present sa CEO ng Le Alessandre Empire ang negosyo nito at inihahanda din niya ang kanyang sarili para sumuporta rito.

Pagkatapos niyang inihanda ang kanyang sarili at ang kanyang bag, agad na siyang lumabas ng kwarto at bumaba. Pagkababa niya nakita niya agad ang kanyang mga magulang na nasa living room at nanonood ng telebisyon.

Pagbaba niya sa hagdan, hindi na niya inistorbo ang mga magulang niya papunta sa pinto.

"Ah, Celestine. Pupunta ka ba kay Benjamin?" Biglang tanong ng kanyang ama.

"Opo, Pa. Ngayon po kasi ang presentation niya sa Le Alessandre. Pinapasama po niya ako doon."

"Oo nga pala, ano? Ngayon araw na pala. Pakisabi na goodluck galing sa amin ng mama mo."

"Yes po, Pa. Sasabihin ko po sa kanya."

"At kinakailangan mo naman talagang samahan si Benajmin doon." Sabi naman ng kanyang ina. "Boyfriend mo siya kaya dapat todo ang suporta mo para sa kanya. Kung aasenso ang negosyo ni Benjamine, sasabay din tayong aangat kaya kahit anong mangyari, dapat nandoon ka sa tabi niya. Si Benjamin lang ang aasahan natin in future."

"Si Benjamin ang aasahan natin? Bakit puro na lang si Benjamin ang inaalala ninyo palagi? Nakakaraos naman po tayo kahit wala siya." Hindi niya maiwasan magreklamo sa kanyang magulang. Meron din naman siyang trabaho at tamang-tama lang ang sweldo niya para sa pangaraw-araw nila mag-pamilya. Kung aasenso man si Benjamin, wala na silang pakialam doon dahil hindi pa naman sila magasawa.

"Don't start, Celestine. Kapag ikinasal na kayong dalawa, magiging okay na ang buhay natin. Kung ano ang sa kanya ay magiging sa iyo na rin kaya handa kami ng Papa mo magtiis sa paghihintay kay Benjamin. At kapag nangyari na iyon, hindi na din naman iintindihin ang pera kapag nagretiro na kami." Sabi ng kanyang ina.

Sa mga sinasabi nila, hindi nga binibigyang importansya ang mga pinaghirapan niya mula sa kanyang pagaaral. Nagtapos siya ng cum laude at naging accountant sa isang kilalang banko. Mula ng nakipagrelasyon siya kay Benjamin, mismo ang mga magulang niya ang nagsabi na mag-resign siya sa trabaho para maging secretary ni Benjamin. Pero agad siyang hindi pumayag. Pero, isang araw nalaman niya na nag-request ang magulang niya sa kanyang pinagtrabauhan ng kanyang resignation latter. Yes, it's all because of her parents.

Ngayon, tumutulong siya kay Benjamine sa negosyo nito pero hindi ito hadlang na kumita sa ibang paraan. Isa siyang freelance graphic designer na siya at ang kaibigan niya na si Coffee ang nakakaalam.

"Sinasabi lang naman ng Mama mo na magiging parte na si Benjamin sa pamilya natin. To be with Benjamin is enough, Celestine. Trust us. Kapakanan mo naman ang inaalala namin."

Para sa kanyang kapakanan o para sa kanilang pansariling kagustuhan?


TO BE CONTINUED...

Kindly support me by following my Wattpad AC

If you like the story and want to update the next chapter, kindly leave a VOTE and COMMENT what are your thoughts on this story.

Mister Billionaire's GameWhere stories live. Discover now