(1) Wanted To See You Again One Last Time but...

6.8K 179 21
                                    

[Celestine]

Ilang sandali na lamang at matatapos na siya sa pagaayos ng kanyang buhok. Tumayo na siya ay kinuha ang kanyang pitaka at sumilay ulit sa salamin. Ininspeksyon niya ang kanyang kabuoan kung meron pa ba siyang nakalimutan.

"Good. I'm ready." Lumabas na siya ng kanyang kwarto. Pagkababa na niya sa sala ay naroon ang kanyang mga magulang. Sumilay ang mga ngiti nito ng makita siya.

"Napakaganda naman ng prinsesa namin." Lumapit ang kanyang ama at hinalikan siya sa pisngi. "Napakaswerte namin ng mama mo dahil ikaw ang naging anak namin."

"Oo nga. Hindi lang matalino, napakaganda din."

"Thank you po, Mama, Papa." Munting ngiti ang tugon niya sa kanyang mga magulang.

"Ready ka na para sa dadaluhan ninyong party ni Benjamin, Celestine?"

"Opo, Mama."

"Kahit na business ang pupuntahan ninyo, magenjoy pa rin kayong dalawa ni Benjamin doon. And we hope that makakuha kayo ng mga kompanya na pagi-invest kay Benj. Take this opportunity seriously, Celestine. Hindi lang para ito sa iyo, para rin sa ating lahat."

"Yes, Papa."

Inihatid siya ng dalawa sa labas ng marinig na nila ang busina ng kotse ni Benjamin. Sumakay sa siya sa sasakya nito at bumiyahe na sila sa lugar ng pagdarausan ng party.

"You look so lovely, Celestine." Puri ni Benjamin sa kanya.

"Salamat. Ikaw din ang gwapo mo. Pinaghanda mo talaga itong araw na 'to?"

Tumango ito. "Yeah. We can't miss this opportunity. Napakalaki ng kompanya ng Le Alessandre. Dapat mahikayat natin ang CEO na mag-invest sa negosyo. Kahit maliit na pesyento lang ng shares, malaking bagay na iyon para sa akin." Nilingon siya nito. "You will help me, right, Celestine?"

"O-of course."

"Don't take for granted ang dadaluhan niyong party. Hindi lang mga mayayaman ang nandoon. The CEO of Le Alessandre will be there kaya dapat mamamgha siya sa proposal ninyo. It will be a great for us kapag nangyari iyan."

Sa totoo lang, ni minsan hindi siya naging masaya sa mga papuri natatanggap niya sa kanyang mga magulang. Hindi dahil sa sinabihan siyang proud ang mga ito sa kanya at swerte ang mga ito dahil napakaganda ng kanilang anak. Kabaliktaran ang ibig sabihin ng mga sinambit nila kundi, sa abot ng kanyang makakaya, dapat makuha niya ang loob ng mga business men o kompanya para sa ikakauunlad ng negosyo ni Benjamin. Produced wines and spices ang negosyo nito at kakailangan pa ng malaking pondo para sumuporta sa mga distribution sa iba't ibang hotels at restaurants.

Botong boto ang mga ito kay Benjamin. Swerte raw niya at nakapag-nobyo siya ng negosyante. Marunong daw siyang pumili at hindi daw sila magugutom. Hindi niya sinasabi rito ang tungkol sa mga pinagsasabi ng kanyang parents o ano talaga ang pakay nito, dahil bilin na rin ng kanyang parents na isesekreto niya ang bagay na iyon. Nagkakilala ang tatlo sa isa din event at sa hindi niya alam, nirereto na pala siya ng kanyang mga magulang rito. Gusto man niyang sumumbat sa mga magulang niya, nandoon pa rin ang kanyang respeto para rito. Tungkol naman kay Benjamin, masasabi din niya na swerte siya at naging nobya siya nito dahil napakabait at maaalahanin nito at iyang ang mga bagay na paunti-unting nagugustuhan niya sa binata. Hindi siya nito pinipigilan sa kanyang gusto at magkasundo nito ang kanyang mga magulang.

Kung magpapakatotoo lang siya, sinagot niya ito hindi dahil sa gusto niya ang lalaki, kundi may naalala siya rito.

Because of one man she met a long, long time ago.

Mister Billionaire's GameWhere stories live. Discover now