Chapter 3 Honeymoon Part 1

Start from the beginning
                                    

“Ngayon kaba ba mahihiya sa akin? Gamitin mo na ayos lang ako ^____^”

 

Sinuot ko yung jacket. . antagal ng byahe di ko namalayan nakatulog na ako. . .

 

 

Nathan’s POV

 

Naks! May POV nadin ako.

 

Ang weird ng ikakasal ka sa isang tao dahil sa arranged marriage lang. . A week ago I proposed kay Jackie tapos nakita pa ni Felicity na ni reject ako. Ang awkward talaga.

 

I see her as my little sister. Tapos bestfriend pa sila ng kapatid ko. Di naman lingid (napapatagalog ako ng sobrang lalim) sa aking kaalaman na mahal ni Gian pero wala akong magagawa. Pero kasalanan ni Gian kung bakit ako ung ikakasal kay Felicity. Kung bakit? Yoko sabihin, , mag isip kayo :p

 

Yung kiss kanina sa church. .scripted. . bakit? Kasi ayaw nilang kumalat na arranged marriage lang kami ni Felicity. Pakita ko daw na parang totoong totoo yung kasal galingan ko daw umarte,

 

Model ako. . hindi ako artista.. sus!

 

Pero kasalanan talaga to ni Gian. Pero malamang galit na galit yong ngayon sa akin sa Gian. Halata naman sa mukha niya habang kasal.

 

Hindi ko lang lubos maisip kung bakit nga nagawa yun. Naipit tuloy ako sa sitwasyon plus Felicity always obeys her parents . . kaya no choice nadin ako. .

1month ago ko pa alam tungkol sa arranged marriage na to kasi kala ko biro lang talaga. Di ko inexpect na tutuhanin talaga nila.

 

Andito na kami sa plane papunta kaming HK. Honeymoon daw!

 

Kasi gusto na nila ng apo, , gulo talaga! Pakamatay nalang kaya ako? sayang kagwapuhan ko wag nalang pala :p

 

Tulog na si Felicity sa tabi ko. Nadantay yung ulo nya sa balikat niya. Halatang hindi padin niya matanggap lahat ng nangyari. Kahit ako .

 

Pinag masdan ko siya habang natutulog halatang haggard siya pero lutang padin ganda niya. She looks like and an angel.

 

Hinaplos ko mukha niya..

 

“I promise na susubukan ko mag work to. . hinding hindi kita papabayaan”sinabi ko sa kanya ng pabulong

 

 

Felicity’s POV

 

 

Nalatulog pala ako T____T at nasandal ulo ko sa shoulder ni kuya Nathan

 

Marrying My Anonymous Groom [ Book 1 ]Where stories live. Discover now