Meeting him
NATHAN's POV
Nandito kami ngayon sa tambayan namin na nasa loob lang ng campus. Isa itong bakanteng room na pinarenovate lang namin para maging maayos.
"Oh bro, ano nang 'da moves' ang gagawin mo sa Cassy na yun?" Tanong ni Jack habang may ginagawa sa laptop niya. Atat na atat na naman 'to sila na makatanggap ng pera mula kay Alvin, eh ang yayaman na naman nila
I just gave him a devilishly smile.
**
CASSY's POV
Tapos na ang klase namin and it's lunch time already.
Nandito kami ngayon sa cafeteria, kumakain.
"Ang gwapo talaga nila no?" kinikilig na sabi ni Kristine habang kumakain ng paborito niyang siomai.
"Ayan na naman kayo. Tigil-tigilan niyo na nga yan!" Saway ko sa kanila.
"Ano ka ba gurl, bakit ba napakabitter mo pagdating sa mga boys?" Ani naman ni Sofie na inagaw ang iinumin ko sanang coke.
"Lahat naman sila mga sinungaling at manloloko eh." Depensa ko naman at kinuha ang lumpiang shanghai ni Sofie. Akala mo ha!
"Hindi naman lahat ah" sagot pa ni Loraine, sabay subo ng pagkain
"I don't effin' care basta galit ako sa mga lalake period!" angal ko at pinagpatuloy ang pagkain ko ng sisig.
"Ano ka ba Cassy! Subukan mo kayang magmahal, Masaya kaya magmahal." Mitch na ngumunguya.
"Masaya? Anong Masaya don? Anong nangyari sa inyo? Diba umiyak lang kayo? Yun ba ang Masaya?" hindi ako bitter. I'm just telling the truth.
"Hay! Ewan ko sayo!" Mitch na umiinom na ng tubig, bigla kasing nabulunan.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa classroom namin. Wala pang tao, kami pa lang. Napakaaga naman ata namin.
Umupo na kami sa mga upuan namin at bigla namang bumukas ang pinto.
Yung limang lalake na naman, papalapit sa amin.
"Hi girls!" bati nila habang papalapit sa amin
"Hello" sagot naman nitong apat na kinikilig.
"Ako nga pala si Ryan." sabay abot ng kamay sa amin.
"Tinatanong ba namin kung ano ang pangalan mo? Psh!" Napakafeeling close talaga.
"Ay hahaha! Pagpasensyahan niyo na si Cassy ha? Ganyan talaga yan." Singit ni Loraine na hinawak-hawakan pa ang balikat ko.
"Halata nga eh." natatawang sagot ni Ryan
"Ako naman si Jack." mukha pa lang, manloloko na. Sabay abot ng kamay sa amin na may kasama pang kindat. Yuck!
"Kent." same as Jack
"Hi, ako naman si Alvin." mukhang siya lang ang mabait ah hahaha. So bad!
"Nathan" ah so Nathan pala pangalan nung nakabonnet. Mas malala pa siguro 'to for sure.
"Ako naman si Kristine." naglahad din ito ng kamay sa kanila.
"Loraine" na ngiting-ngiti
"Mitch"
"Hi, I'm Sofie."
"Magpakilala ka naman Cassy." bulong sa akin ni Sofie.
"Ayoko nga!" sabay halukipkip ko.
"Sige na naman oh. Nakakahiya naman sa kanila."
"Edi mahiya kayo!" nakakainis! Sabi ng ayoko eh!
"Hoy Cassy, sige na!" Pangungumbinsi naman ni Mitch.
"Ayoko sabi eh!" napalakas ata ang sinabi ko kaya napagingin silang lahat sa akin.
"Ah hehehe si Cassy pala" si Kristine nalang ang nagpakilala sa akin at hindi pa nakuntento dahil kinuha nito ang kanang kamay ko at inilahad sa mga lalakeng nasa harapan namin.
Babawiin ko na sana ang kamay ko nang bigla itong hinawakan ni Nathan.
I felt something when he held my hand. Electric.
Agad ko namang binawi ang kamay ko at tumayo't umupo sa pinakagilid.
Nag-usap-usap na sila roon. Hindi ako sanay makipagdaldalan sa mga lalaki eh.
"Uy gurl, makipag-usap ka naman sa kanila." bulong sa akin ni Mitch. Tinignan ko lang siya.
"Hi Cassy!" grabe kung makangiti 'tong Nathan na to. Tinignan ko lang rin siya.
"Cassy, you're beautiful." said Nathan. I just gave him a deadly glare.
"I'm so sorry Nathan. Hindi kasi nakikipag-usap sa mga lalaki si Cassy eh. Man hater kasi." paghinging paumanhin naman ni Loraine.
"I see." said Nathan while smiling. Ano kaya binabalak nito? Bigla nalang siyang lumapit sa akin at sinusundot-sundot ang tagiliran ko.
"Tatawa na iyan yiiieeee!"
"Ano ba?" I said. Naiinis na talaga ako ha pero hindi pa rin siya tumitigil. Hindi ko na 'to kaya kaya tumayo ako.
"WHAT THE FUCK IS YOUR PROBLEM?" sigaw ko sa kanya
"I just want to see your smile. May mali ba do'n?" he said like he's innocent. Duh! Asa siyang mapapangiti niya ako.
Lumapit naman sila sa amin.
"What's happening here?" Alvin asked.
"Kanina pa kasi 'tong unggoy na 'to eh!"
"Anong unggoy? Sinong unggoy? Ako? Sa gwapo kong to? Tsk tsk!" Napakayabang talaga ng lalakeng 'to.
"Hindi ka lang pala mukhang unggoy, mukha ka pang dictionary dahil sa kapal kapal ng mukha mo!" Sabay taas ko ng kilay.
"Uy! Tama na yan!" awat sa amin ni Sofie
Marami na rin ang mga tao rito sa classroom. Umupo na kami sa mga upuan namin. Pumasok na rin naman ang teacher namin sa Math. Nagdiscuss lang siya nang nagdiscuss. Favorite subject ko nga pala iyong Math.
Ang tagal naman nang uwian. Gusto ko ng umuwi.
*kriiiiiing*
Time to go home!
YOU ARE READING
Man Hater Meets The Spoiled Guy
Teen FictionWhen a man hater meets the spoiled guy.
