11: Discovered

2.2K 13 3
                                    


Kath's POV

Dumaan yung buong linggo na magkasama kami ni DJ. Pakiramdam ko nga bumalik na kami sa dati. Madalas na kami nagkukulitan. Sabay kami nagaaral pagdating sa bahay. Magkatulong kami sa paglilinis, paglalaba tsaka pagluluto. Tapos madalas rin namin kasama si Patrick kahit na madalas hindi sila magkasundo ni DJ. Napansin ko rin na nabawasan na yung morning sickness ko. May kaunting umbok na rin sa tyan ko pero hindi pa naman ganun kahalata. Mukha lang akong tumaba ng konti.

Sabado ngayon, hinihintay ko si Patrick dahil sasamahan niya ako magpacheckup sa Ob gyne. Sabi ko nga wag na muna pero siya yung nag-insist na importante yun. Tumigil na rin siya sa pangungulit na sabihin ko na kay DJ dahil hindi ko rin naman daw yung maitatago pa ng matagal.

Nakabihis na ako at bumaba na ako sa sala dahil nagtext na si Patrick na on the way na siya. Napatingin naman sakin si DJ.

"San ka pupunta?" curious niyang tanong.

"Susunduin ako ni Patrick. Nagpapasama lang siya bumili ng regalo para sa mama niya." pagdadahilan ko. Napahawak ako bigla sa tiyan ko. Tama nga si Patrick. Hindi ko ito maitatago habambuhay. Kailangan ko na sabihin kay DJ.

"O? Gutom ka ba?" Napansin niya yung kamay sa tiyan ko.

"Gusto mo ba magluto ako?"

"No, Deej. Okay lang. Sa mall na lang siguro ako kakain." sabi ko sa kanya. 

Hindi nagtagal ay dumating na si Patrick. Dala niya ulit yung kotse ng kuya niya.

Mabilis lang din kami sa ospital. Binigyan lang ako ng vitamins na kailangan ko itake at nagrecommend din yung doctor ng diet.

After nun, dumiretso muna kami ni Patrick sa mall para maglunch.

"I'm gonna tell DJ," sabi ko in the middle of the meal.

"Good to know. Kelan?"

"As soon as i can. Hahanap pa ako ng tamang chempo."

After that, naglakad lakad lang kami ng konti at hinatid na rin ako ni Patrick pauwi. 

Patay yung ilaw sa bahay.  Umalis ba si DJ? Di manlang nagtext.

Kinuha ko yung susi sa purse ko at binuksan yung pinto.

Nagbukas bigla yung ilaw at nandun si DJ. He's standing in the middle of the room, wearing a suit and holding a single rose.

"Di ko nais na magkalayo tayo..."  he started singing. He's definitely not the best singer pero sa sobrang gwapo niya, maniniwala ka na lang magaling siya eh. hahaha

"Nagseselos ka at nilayuan mo ako

Buhay nga naman, tunay bang ganyan

Bumalik ka naman." 

Lumapit siya sakin at iniabot yung flower. I was trying to suppress my smile pero hindi ko talaga kaya. 

"Kahit na ano pa ang iyong gusto

Okey lang basta't magkabati tayo"

Kinuha niya yung dalawang kamay ko and put it around his neck at iniligay naman niya ang kanyang kamay sa bewang ko.

"Minamahal kita, hihintayin kita

Sorry na, pwede ba..."

We started swaying. At alam kong nagbublush na ako.

"Buhay ko'y nasayo

Matitiis mo ba ako, oh baby..."

He spun me around and I giggled.

Give Me Love [KathNiel SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon