CHAPTER 3: FIRST KISS

Start from the beginning
                                    

"Hoy! Anong nginiti-ngiti mo diyan? Baka iniisip mong gusto kita nagkakamali ka. Wag kang ilusyunada!" Aray naman. Bakit ba ang sakit magsalita ng lalaking to?

"Bakit sinabi ko bang may gusto ka sakin? At asa ka naman na yun iniisip ko. Yuck! Mahiya ka nga!" Sigaw ko sa kanya.

"Hahaha! Ikaw pa talaga tong may ganang mag yuck? Seriously?" Pang iinis niya.

"Bakit ba ha?! Kalalaki mong tao ang arte arte mo!" Sigaw ko ulit.

"Hoy! Di porket bagong toothbrush ka eh ang lakas na ng loob mong sigaw sigawan ako ngayon!" Sigaw din niya. Hindi ba siya naaawa sakin at inaaway niya ako?

"Pwede ba?! Humanap kana lang ng ibang jojowain mo, wag ako dahil a-yo-ko!"

"Sino bang may sabing gusto ko?! Sisihin mo yang bunganga mong madaldal!" Napahinto ako sa sinabi niya. Ano daw? Anong konek?

"Anong ibig mong sabihin?" Seryoso kong tanong. Inihinto niya muna ang sasakyan bago nagsalita at tumingin sakin.

"Dahil diyan sa matabil mong dila kaya tayo umabot sa ganto! Narinig ko lahat ng mga sinasabi mo habang pinapagalitan ko ang kapatid ko! Binadtrip moko lalo alam mo ba?!" Galit niyang sabi.

"Kasalanan ko bang sobrang laki pala ng tenga mo kaya kahit hindi mo pwede marinig ay narinig mo?!" Sabi ko.

"Pwede ba tumahimik ka na lang! Nakakarindi na yang boses mo eh!" Sigaw niya na halatang nagpipigil lang sa galit.

"At ako pa talaga tong nakakarindi ang boses eh ikaw---"

*tsuuuuuuuuuup*

Nabigla ako sa ginawa niya.

1 second

30 seconds

1 minute

Did he just kissed me?











XYRUS JAVI's POV

Pinipilit kong ibuka ang bibig ng babaeng to gamit ang bibig ko pero tae, hindi naman binubuka. Seriously? First kiss niya?

Aww! Ang swerte ko naman.
Hahaha! Jackpot!

Dinilat ko ang mga mata ko habang magkalapat pa ang mga labi namin, pero muntik na akong maubo dahil sa gulat nang makita ang mga mata niyang dilat na dilat habang nakatingin lang sakin. Nagmumukha tuloy akong tanga, kaya kusa na akong humiwalay at umayos ng pagkakaupo. Tinignan ko siya kasi sigurado akong sisigawan ako nito sa sobrang galit dahil sa ginawa kong pagnakaw ng halik sa kanya pero nagkamali ata ako dahil wala pa rin siyang kibo.

"Hoy! Anyare sa'yo??" Pero dinedma niya lang ang tanong ko.

"Hoy. Ano sabing nangyari sa'yo?" Kunot noo kong tanong.

"Pwedeng isa pa?" Bakas sa mukha niya ang pagka seryoso. Teka.. Anong--?? Tama ba narinig ko?

"Anong sabi mo???" Pag uulit ko sa sinabi niya.

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now