CHAPTER 3: FIRST KISS

1K 62 48
                                    

SUMMER's POV

Pag labas pa lang nung Xyrus sa kwarto ko, ay agad n aakong pumunta sa banyo. Pagkatapos ay...

"Waaaaaaaaaaah! Nakakahiya ka! Nakakahiya ka Summer! Huhuhu! Bakit kasi kelangang pumunta pa siya dito sa bahay! Nakita niya pa tuloy yung..yung dalawang bolang crystal ko! Nakakahiya! T.T HUHUHU! Malay ko ba kasi na wala pala akong bra! Eh syempre kakagising ko lang diba? Kainis! Saka ano sabi niya? Mabaho hininga ko?" Inamoy amoy ko ang hininga ko tapos "Hindi naman ah! Ang bango nga eh, amoy chewing gum. Ang arti! Akala mo naman singputi ng langit ang ngipin niya! Bwisit!" Naligo na lang ako habang naghihimutok sa sobrang inis, syempre nag toothbrush na din ako tapos nag mouth wash pa. Nagspray pa ako ng pabango sa bibig ko para wala siyang masabi. Lumabas na amo ng kwarto ko tapos pumunta sa sala. Naabutan ko naman siyang nakahiga sa sofa.

"Hoy! Tumayo ka nga diyan! Feel at home ka ha? Sa'yo tong bahay? Sa'yo to?" Inis na sigaw ko.

"Bakit? Ano naman kung humiga ako dito? Teka..." Tapos ay tumayo siya bago lumapit sakin. "Nagtoothbrush ka?" Tanong niya.

"Anong akala mo sakin, hindi?!"

"Hindi talaga. Tsk"

"Hambog! Oh eh ano ba kasing ginagawa mo dito?" Pag iiba ko ng topic.

"Papasok tayo sa school malamang! Tara na nga!" Sabay hila niya sa kamay ko. Buti na lang nakapag lotion ako. Dun ko lang napansin na naka school uniform din siya katulad ng uniform ko. So meaning, schoolmates kami?

"Eh bakit kailangang sabay pa tayo pumasok?! Kaya ko naman pumasok mag isa!" Badtrip na sigaw ko. Binitawan niya naman ang kamay ko bago siya nagsalita.

"Ipapakilala kita sa tropa ko...bilang girlfriend ko." Seryosong sagot niya.

"Whaaaaat???!"

"You heard it right."

"Nababaliw ka na ba?! Ni hindi nga kita kilala tapos---"

"Ni hindi mo nga pala ako kilala tapos kung makasabat ka sa usapan namin ng kapatid ko akala mo kilalang kilala mo na ako!" Ano daw? Kapatid?

"Sasakay ka ng kusa sa kotse ko o ako ang sasakay sayo?! Sagot!"

"Eto na nga, sasakay na oh. Sasakay na. Excited? Psh!" Inis na sabi ko tapos ay sumakay nako sa kotse niya. Mabilis niya namang pinaandar ito.

Habang nagmamaneho siya panay naman ang tingin niya sakin. Syempre hindi ko din maiwasang hindi mapatingin sakanya. Gwapo sana kaso ang sama ng ugali. Tss! Pero ba't panay ang tingin niya sakin? Siguro may gusto sakin ang lalaking to. Hays. Ang ganda ko talaga. Hihihi

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now