Chapter 8 ~ Pupunta o hindi?

Start from the beginning
                                        

Pero sige. Gora na. Binuksan ko na yung pinto.

*Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeek*

May tumutugtog .... O.o

Gitara yun.Halata. Di nagtagal may nagsimula na ring kumanta.

When I see your face,

there's not a thing that I would change

Cause you're amazing,

Just the way you are...

And when you smile,

the whole world stops and stares for a while

Cause girl you're amazing

Just the way you are...

Wow ang ganda ng boses . Aaaaaaah.

May lalaking kumakanta sa may kabilang banda ng gym, medyo malayo sa pwesto ko. Pero di ko siya completely makita. Wala kasing ilaw at yung araw, papalubog na at nakatapat pa sa mga glass. So imbes na magbigay ng light ay nagpapasilaw lang.

Pinagpatuloy niya pa yung kanta. Tumingin muna ko sa likod ko baka kasi hindi naman pala ko. Pero wala ng ibang tao. Natutuwa ako kasi ang unique nung ginawa niya, nagsimula siya sa chorus.

Nung natapos yung kanta unti unting lumapit saakin yung lalaki.

Si ....

"Kent?"

"Did you like it?"

"A-ah, oo! Oo naman. Ang galing mo pala at ang ganda ng boses mo."

"Really?"

"Oo naman! Kinili--" Shocks! Muntik na! Napansin niya kaya?

"Ha? Ano?"

"Wala. Ang galing galing mo talaga kumanta at mag gitara."

"Salamat. Pinaghandaan ko talaga yon. Anyway, free ka ba this Friday?"

WHAAAT ? Pinaghandaan niya talaga?! PARA SAAKIN ? At tinatanong niya ko ngayon kung free ako sa friday?! KYAAAAAAAAAAAH ! TOTOO BA TO ? wag niyo na kong gisingin plith !

"Gusto sana kitang yayain. Let's go out." dagdag niya pa.

"A-ah ... ano kasi--"

"Let's date." sabi niya sabay smile ng malapad. Sht. KILL ME NOOOW !

Totoo ba to?

"Are you okay?" sabi niya. Shoooocks . di ako makapagreact dahil sa pinaghalong kaba at kilig. >\\\<

"Hey, namumula ka. May lagnat ka ba? Tara sa clinic."

"H-ha? Ako? namumula? Hindi! W-wala no. Ganito talaga kasi ako. Namumula. O-oo ! tama. Namumula ko kapag napapagod. Kasi, ano kasi... "

"Kasi?" tanong niya

"A-ano, kasi ... napagod ako patakbo dito sa , sa gym. Pero okay lang talaga ko!"

Lame excuse >\\\< Sana maniwala . WAAAAAH. Ano bang mga sinabi ko?

"If you say so. Wait, hmm ... di mo pa pala sinasagot ang tanong ko."

"Ah ... ano kasi eh, hindi ako sure. Baka kasi may gawin ako." syempre dapat medyo hard to get. Baka mapansin niyang gustong gusto ko siya.

Pilitin mo ko please. Waaaah. Pilitin mo ko !

"Ganun b--"

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing.*

"Excuse me. I need to answer this." sabi niya at medyo dumistansya saakin.

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Where stories live. Discover now