Chapter 24

10.7K 286 5
                                    



HABANG HAWAK-HAWAK ni Greg ang resulta ay hindi niya napigilang maningkit ang mata.

Nilamukos ang hawak na papel. 'Hayop ka Czaryna, once na may mangyari sa mag-ina ko dahil sa kasinungalingan mo humanda ka,' aniya sa sarili habang taas baba ang dibdib sa labis na galit sa dating asawa.

Hindi pa rin ito nagbabago. Gaya pa rin ito ng dati na lahat gagawin para makuha ang gusto.

Nakita niyang nakaupong nakayuko si Mr. Harrison at maya-maya ay humahagos na dumating si Kim bitbit ang anak nito.

"Pa! Anong nangyari. Kumusta si ate," sunod-sunod na tanong sa ama.

Nilamukos ng matanda ang mukha nito. "Walang lumalabas na doktor mula nang pinasok sila sa emergency room," mahinang sambit nito.

Nakita niyang nangingilid na ang luha ng bagong dating saka baling sa kanya.

Gusto niyang magbawi ng tingin rito pero huli na para gawin dahil papalapit na ito habang nakatingin sa kanyang mga mata.

"Bakit Greg? Akala ko ba'y iingatan mo ang ate ko," naluluhang sumbat nito sa kanya.

"I do Soe, I tried," ikling sagot dito ng hindi makatingin ng deretso.

Ngumiti ito ng mapakla. "You tried? For what Greg, ang patirahin ang dati mong asawa sa iisang bubong kasama ang kapatid ko," mapaklang tugon sa kanya nito.

"I'm sorry, hindi ko rin inaasahan ang pagdating ni Czaryna at ang batang kasama nito. She's claiming that child is mine. And I even talk to Alexis for this and she understand me," paliwanag rito.

"Understand? Kahit sinong babae Greg, walang may gustong magkaroon ng ibang responsibilidad ang lalaking gusto nila o mahal na nila. I know my sister, even she doesn't speak I know she loves you already," anang naman ni Kim sa lalaki.

Natigilan si Greg sa sinabi nito. Napatingin siya bigla sa babaeng kausap. "Yes she was," giit pa rin ni Kim. "I just hope, nothing happen to them dahil baka hindi kita mapatawad," dagdag pa ni Kim.

Nang biglang lumabas ang attending doctor na sumuri sa mag-ina.

Nakangiti ito sa kanila. "They're fine, what the mother can do for now is to rest. She suffer over fattigue. At sa ngayon kailangan niyang magpahinga para hindi siya mas lalong mabinat. Mister, I was hoping na huwag mo munang bigyan ng problema si Misis," anang ng doktor.

"The baby is fine also, we revive him, we doesn't see any wrong on the baby. Siguro ay nagbara lamang ang kanyang paghinga. Sometimes may mga pangyayari kasing ganoon ang specially kung nagpapadede ang ina. So be aware and know some precautionary about it," anang ng doktor saka tuluyang umalis.

Nang sinabi ng nurse na kasama nito na pwede na silang pumasok pero hanggat maaari ay huwag pa nilang gambalain ang mga ito.

Maingat na pumasok si Greg sa silid ng mag-ina niya. Nakitang niyang malalim ang pagkakatulog ni Alexis samantalang ang anak naman ay unti-unti nang nabalik sa dating kulay.

Hindi niya maiwasang umiyak habang nakamasid sa anak. "I'm so sorry baby. Papa really scared I thought I'm going to lose you," turan niya habang nakatingin sa anak.

Kapag may nangyari talaga sa mag-ina niya baka hindi niya mapatawad ang sarili. Despite of everything, ang malamig na pakikitungo ni Alexis sa kanya ay natutunan niya itong mahalin. Na tanging ito lamang ang babaeng nagbigay kulay muli sa kanyang buhay.

Hanggang maalala ang dating asawa. Nakuyom ang kamao niya. 'Magtutuos tayo Czaryna,' aniya saka lumabas.

Naroon pa rin ang mag-ama at ang apat na kasamahan ni Alexis sa ahensiya.

DETECTIVE SERIES: The Tyrant BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon