Chapter 22

10K 290 3
                                    



AGAD NA PINUNTAHAN ni Greg ang guest room kung saan pansamantalang silid ng dating asawa.

Bumukas agad ang pintuhan ng pihitin niya ito at agad na may humila sa kanya at sinibasib siya ng halik.

Hindi nakahuma pero ilang sandali lang ay nakakuha rin ng buwelo at nilayo ang babae.

Hindi pa rin nagbabago ang hitsura nito. Maganda pa rin ito lalo na at tila kuminis at pumuti pa ito.

Sa di kalayuan ay nakita ang isang batang babae. Tinignan niya ito subalit wala siyang makapa na lukso ng dugo para sa bata.

Hindi kagaya ng anak nila ni Alexis. Pagkarinig pa lang niya sa iyak nito ay tila hindi siya mapakali.

"Anong ginagawa mo rito. Paano mo nalaman ang lugar na ito?," sunod sunod na anang ni Greg sa dating asawa na tila isang yelo sa lamig ng tinig.

"Hindi ka pa rin nagbabago Greg," sabad nito sa kanya. "Ganyan ka pa rin, matigas pa rin ang puso mo," dagdag pa nito.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?," ulit niya sa babae habang hinablot ang braso nito.

"Kay Luie," anito tukoy ang isang kaibigan niya.

Napakunot ang noo ni Greg sa binanggit ng babaeng kausap. Alam niya kasing matagal nang nagmigrate ang kaibigan sa Amerika.

"Nagkita kami sa Amerika at nabanggit niya ang pagbili mo ng isla. Hindi ko alam ganoon na pala kalaki ang MHRS," anito tukoy sa kompanyang siya ang nagpalago.

Kumpanyang maging sandalan niya sana upang maibigay ang luho ng babae pero hindi ito nakapaghintay.

'So bumalik ka dahil nalaman mong maayos na ang kompanya at may isla na ako,' kalkula niya sa dahilan ng pagbalik nito.

"Bumalik ako para kunin ang para sa anak ko. Anak mo siya Greg, buntis ako nang iwan kita," deretsahang turan nito.

Naningkit ang mata niya. "Wala akong anak sa'yo Czaryna kaya makakaalis na kayo bukas na bukas din," anang nito saka iiwan na ang babae ng bigla siya nitong hinalain.

"Anak mo si Georgina, Greg. Anak mo," matigas na turan ni Czaryna sa kanya.

Umungit ang bata na tila magigising. Papungas-pungas ito saka tuluyang dinilat ang mga mata nito.

"Mommy," anito kay Czaryna saka bumaling sa kanya ang paningin nito.

Subalit wala talaga siyang ibang makapang damdamin para sa bata.

Nalilitong tumingin sa kanila ang bata. "Mommy, is he my father?," inosenting turan ng bata.

"Yes, he's your father," malakas na bigkas ni Czaryna rito upang kunin ang reaksyon niya.

Naguluhan si Greg sa biglaang pagsulpot ng dating asawa.

"It's getting late, let your child sleep again and we'll talk tomorrow," mababang tinig ni Greg saka tuluyang iniwan ang mag-ina.

Nang makaalis si Greg ay saka kumawala ang maluwang na ngiti sa labi ni Czaryna.

"Good job baby," anito sa anak.

Samantala, ayaw naman dalawin ang antok si Alexis. Nakamata pa rin siya sa anak. Katatapos niya lang itong padedehin.

Naalala niya ang reaksyon ng mga katiwala ng dumating sila.

"Ano kayang problema?," natanong niya sa sarili.

Nauhaw siya kaya tumayo siya at nagtungo sa kusina.

Nang saktong matapat siya sa pintuhan ng silid ni Greg ay na curious siya.

Nakauwang kasi ito kaya sumilip siya. Nagitla siya sa nakita parang gustong tumulo ang luha niya sa sandaling iyon.

DETECTIVE SERIES: The Tyrant BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon