Nakita niya si Greg at isang babae at magkahinang ang mga labi ng mga ito.

Hindi niya kita ang mukha ng babae dahil natatakpan ng mukha ng lalaki.

Doon tuluyang nalaglag ang nangilid na luha sa mata saka mabilis na bumalik sa kuwarto.

Umiiyak na tumitig siya sa anak. "Bakit?," aniya sa sarili. "Bakit ganito ang nararamdaman ko. Mahal ko na ba siya? Bakit ako nagseselos?," sunod-sunod na turan sa sarili.

Sa kuwarto naman ni Greg. Nabigla siya sa biglang pagpasok ni Czaryna sa kuwarto niya.

"Anong ginagawa mo rito?," mabilis na tanong rito.

Hindi niya alam na sumunod rin pala ito sa kanya.

"I just wanna make love to you," anito saka siya sinunggaban sa labi. Hindi agad siya nakahuma at iyon ang tagpong nakita ni Alexis.

Nakita ni Czaryna sa gilid ng mata ang mukha ng babaeng nakasilip sa kuwarto. Batid niyang ito ang babaeng sinasabi ng isang katiwala nang dumating sila.

Isang matagumpay na ngiti ang binigay nito matapos makita umiyak ang babaeng umalis.

"Ano ba Czaryna. Nais kong ipaalala sa'yo, were done. Hindi na kita asawa," matikas na saad ni Greg habang nilalayo ang babae sa kanya.

"Tama ka Greg pero wala pa rin namang nagmamay-ari sa'yo ah," sagot nito sa kanya.

Natigilan si Greg ng maalala si Alexis. 'Wala pa ba?,' natanong sa sarili.

"Kahit na. Basta tayo tapos na and I'm going to marry soon so stop this nonesense. Kung anuman ang plano mo ay itigil mo na," aniya habang hawak ang magkabilaang braso nito.

"One more thing Czaryna. Hindi na ako kagaya ng Greg noon. Alam ko na ang pagsulpot rito ay may motibo. I'm warning you. Jail is your place," banta sa babae saka linisan upang tignan ang mag-ina.

Naningkit ang mga mata ni Czaryna. Nagbago na nga ang lalaki dahil kung noon ay isang halik lang niya ay mabilis na bumibigay at kung anong gusto niya ay lahat binibigay nito sa abot ng makakaya nito.

Naalala niya ang babaeng nakasilip kanina. Maganda ito at tila inosente. Alam niyang ganoon ang gusto ni Greg sa babae.

'Hindi ako papatalo. Alam ko minsan na akong minahal ni Greg kaya mamahalin pa rin niya ako,' kumbinsi nito sa sarili.

Pinuntahan naman ni Greg ang kanyang mag-ina.

Nabigla si Alexis sa pagpihit ng seradora ng kuwarto nila. Hindi niya napaghandaan kaya hindi na siya nakapagtago pa.

Mabilis na pinahid ang luhang naglandas sa mga mata. Luhang hindi nalingid sa lalaking pumasok.

Nag-alala agad si Greg nang makitang naiyak si Alexis. Agad niya itong dinaluhan sa kinauupuan nito.

"Why. What happen?," sunod-sunod na tanong sa babae.

The least he wanted to see is, to see Alexis cry. "Please stop crying Sweetie, is there any problem?," dagdag na tanong pang muli sa babaeng walang imik.

Hindi alam ni Alexis kung bakit sa kabila ng lahat ay naroroon pa rin siya.

Now she know, she has a feeling towards this man already. And she's going to fight for that feeling.

Niyakap siya at pinayapa ni Greg hanggang nakatulugan niya ang yakap ng lalaki sa kanya.

Iyak ng kanilang munting supling ang gumising sa kanyang kamalayan. Nasa kuna kasi ito, nang dumating sila kanina ay nabigla siya dahil maayos na ang lahat at naroon na lahat ng kakailanganin ng anak nila.

Maingat siyang inangat ang kamay ng lalaking nakayakap sa kanya pero mas lalong humigpit pa ang yakap nito sa kanya.

"Shhhh...naiyak si baby," bulong niya sa lalaki.

Agad itong dumilat. Mabilis din siyang tumayo upang kunin ang anak.

Kinalong niya ito at nilapag sa kama niya. Kinapa ang diaper nito kung basa pero hindi pa naman kaya alam na niyang gutom ito.

Tumingin siya kay Greg pero wala yatang planong umalis ito. Kaya minabuting tumalikod sa lalaki saka pinasuso ang anak. Tumigil naman ang anak ng makadede sa kanyang dibdib.

Napangiti si Greg sa ginawi ng babae. Hanggang ngayon kasi ay ilang pa rin ito sa kanya.

Tumabi siya sa mag-ina niya. Nabigla si Alexis sa biglang pagtabi ng lalaki. Hindi niya tuloy maitago ang pag-expose ng dibdib niya.

"It's fine sweetie," aniya kay Alexis.

Natutuwa sila sa kanilang munting anghel. Natakaw ito kaya nang matapos sa kabila ay hindi pa rin nabusog kaya nilipat niya sa kabilang dibdib.

Tawa si Greg sa anak. "Hmmmm...mukhang matakaw si junior ah," biro ni Greg.

Hindi tuloy mapigilang mapangiti na rin si Alexis.

Kinabukasan ay tuluyang nagkruz ang landas nina Alexis at Czaryna.

Handa na rin namang harapin ni Alexis ang dating asawa ng lalaki. Hindi man niya nakita ang kabuuan ng mukha nito kagabi ay ramdam niyang siya ang babae.

Kaya hindi na siya nagtaka ng makita niya ito nakadulog sa hapagkainan at ang hindi lang niya inaasahan ang makita ang isang batang tantiya niya ay tatlong taong gulang.

"So ikaw pala ang kinuhuhumalingan ng asawa ko," anang ni Czaryna sa kanya.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ng babae. 'Asawa ko. Ang kapal ng mukha mo,' aniya sa isip.

"Correction lang Miss. Da-ting a-sa-wa," pandidiin niya sa bawat pantig ng salita.

"Magkaiba ang asawa sa dating asawa," dagdag pa niya.

Natigilan naman ang babae sa sinabi niya. Maaaring hindi niya inaasahang lalaban siya rito.

"Minahal ako ni Greg noon ng labis, kaya maaaring babalik iyon kapag tumagal kami rito. Ikaw? Mahal ka ba niya?," pasaring sa kanya.

Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang natigilan. 'Mahal nga ba ako ni Greg?,' tanong ng isip.

Naningkit ang mata niya. Hindi siya iyong tipong papatalo. "Oo, kaya ikaw ay wala nang puwang sa buhay niya," aniya sa babae.

Nakita niyang tumaas ng kamay nito at tipong sasampalin siya kaya hinuli ang kamay nito saka bumulong.

"Huwag mo akong subukan Czaryna baka sa'yo ko ipalasap ang lahat ng natutunan ko bilang NBI," babala sa babae.

Iyon ang tagpong nabungaran ni Greg kasama ang isang batang babae.

------Itutuloy-------
Ano ang magiging reaksyon ni Greg sa eksenang nabungaran. May pag-asa pa kaya sa pag-amin niya ng damdamin sa lalaki o tuluyan siyang iwan para sa dating asawa. Pakatutukan ang nalalapit na pagtatapos ng kuwentong pag-iibigan nila Alexis at stone man.

Thanks for reading...
GOD BE THE GLORY

DETECTIVE SERIES: The Tyrant BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon