Second day of classes ngayon at ngayon pa lang ako magbabayad ng tuition, ito na ang pinakamaaga kong pagbabayad in fairness. Usually kasi sa last day ng late reg ako nagbabayad. Nagulat nga ako kay Mima, nagpadala ng perang pang-enroll!

Kaso ang tanga ko, naiwan ko ang forms ko sa condo nina Ms. Marisse. First day of school kasi ni Tristan ngayon kaya medyo nagreview kami ng lessons kagabi. One year na niya akong tutor! Nakakaiyak, grade 1 na siya sa isang international school (malamang!). Sayang, hindi ko siya nakitang nakaschool uniform kanina, late kasi ako nagising!

Bandang 9 AM nasa Skyline na ako para kunin yung forms ko. Good thing Tuesday ngayon, maluwag ang sked ko kaya pwede akong magbayad ng tuition. Basta makuha ko la—

Okay.. that’s weird. May kumakanta sa loob ng condo nina Ms. Marisse!

A male voice.

Si Sir Shane kaya yun? Jusko, mapapalaban ako ng English dito kung siya nga. Wala namang nabanggit si Ms. Marisse na dadating si Sir Shane this week ah? Baka isusurprise niya sina Tristan? Oh god. Paano ko kukunin yung forms ko? Nakakahiya naman kung bigla na lang akong papasok!

Dinikit ko ang tenga ko sa front door, baka sakaling mabosesan ko kung sino nga yung kumakanta. Well hindi ko naman alam kung singing voice nga ni Sir Shane yon. Once ko pa lang siya nameet nang personal, at hindi siya kumakanta non. Pero maganda ang boses niya!

Itong kumakanta? Meh. Medyo wala sa tono ang boses eh. Baka naman si Mars ‘to?

Ah bahala na nga. Gusto ko nang makapag-enroll! Pikit-mata kong binuksan ang front door ng unit nila at..

I don’t know what to do and I’m always in the dark

We’re living on a powder keg and giving off sparks

I really need you to—

OH. MY. GOD.

OH. GOD.

I blinked thrice to be sure. Deep inside hinihiling ko na sana siya nga yung kumakanta. Wow, ang lakas ko naman ata kay Lord. Nagkatotoo nga.

Andreau stood there, completely caught offguard, mouth wide open. Hawak niya ang iPhone niya at nakasaksak pa ang isang earbud sa left ear niya.

He was the one singing. Off tune. At..

Total Eclipse of the Heart pa talaga ang kanta niya.

Hindi ko alam kung anong emotion ang uunahin ko, kung tatawa, mahihiya, magsosorry o aalis na lang para hind imaging awkward. Napako ata ng boses niya ‘tong mga paa ko at di ako makagalaw.

We remained speechless for a minute till I couldn’t stand it anymore. “I-I.. I think I’m gonna go,” I babbled. Nang hindi siya sumagot, mabilis akong lumabas ng unit.

Oh my god. Bakit nahihiya ako para sa kanya? No wonder nagstick siya sa ukulele! Ang panget ng boses ni Andreau Cortez! Bumukas ang pinto sa likuran ko bago pa ako makaalis. Shit, ayoko talaga ng awkward confrontations eh!

“Zade.”

Triple shit. Ayoko na. Ayokong lumingon sa kanya. Hindi ko alam kung anong unang reaksyon ang lalabas sa’kin pag nangyari yon.

He gently grabbed my shoulder and turned me around. Yumuko ako agad. My goodness nakakahiya ‘to! “Zade.. you can laugh now.”

“A-ayoko, Andreau. Please.. w-wa—“

“Sige ka, sa ibang lugar lalabas yan.” Aba, talagang hindi niya tinanggal yung kamay niya sa balikat ko! Ginawang hand rest?

“P-plea—“ then the floodgates of laughter opened. My body convulsed profusely as I guffawed my heart out in front of him. Grabe, ang tagal ko ring pinigil yung tawa ko, mga three minutes! Madali pa naman akong matawa kaya world record para sa’kin ‘to!

The Spaces In BetweenWhere stories live. Discover now