Pain And Bitterness

66.3K 1K 50
                                    

Pauwi na ako ng mansion, I'm with Ethan. Sabi ko sa kanya ako nalang ang uuwi, but he insist baka daw kasi mapano ako kaya mas okay nang sumama siya. Honestly nahihiya na nga ako sa kanilang tatlo, dahil nadamay pa sila sa problema ko na dapat ay ako lang ang haharap. Dahil kung tutuusin wala naman talaga silang responsibilidad sakin. *sigh*

Binaba ko ang bintana ng kotse niya, at tahimik na nagmasid sa daan na aming tinatahak. Sobrang liwanag ng paligid, kitang kita ang liwanag na nagmumula sa city lights ang aliwalas ng paligid. To the point na mahihiling mo nalang na sana ganyan na lang din ang buhay ng tao, yung tipong masaya lang at walang inaalalang problema.. but that would never happen, kung sakali mang mangyari yun siguro sa panaginip nalang natin or let me say, sa kabilang buhay...

Kabilang buhay..

Napapikit ako ng mariin sa naalala. Ang anak ko.. and again for the nth time, I cried silently. Ngunit hindi ko parin inaalis ang mga mata ko sa daan, nanatili akong tahimik samantalang tuloy-tuloy sa pagbagsakan ang mga luha kong akala ko ay ubos na pero hindi pa pala.


When will I stop suffering the pain? If all my love ones are gone?

Sa sobrang preoccupied ng pag-iisip ko hindi ko na namalayang malapit na kami sa mansion. Dahilan ng malakas na pagkabog ng dibdib ko at panginginig ng kalamnan ko. Ang lahat ng emosyon na pinigilan kong maramdaman, tila ba ito'y may isip at bigla nalang nagsi-usbungan.


As the car stop infront of our house, feeling ko huminto din sa pagtibok ang puso ko. Nanatili ako sa loob ng sasakyan habang tinatanaw ang napakaliwanag naming mansion, ang daming ilaw na nakasindi at kung pagmasdan mo ito ay parang payapa at tahimik na lugar. Ngunit kahit anong isipin ko, hindi parin mawawala ang sakit dito sa dibdib ko. Hindi kayang tanggapin ng utak ko na ang anak ko ang dahilan kung bakit ito ganito.

As I stepped out on the car, I can feel my whole body are shaking while my hands are trembling. Napahilamos ako sa mukha ko, hindi ko kaya..


Dumiretso ako sa paglalakad kahit halos hindi ko na maigalaw ang dalawang paa ko, naramdaman ko ang dalawang kamay ni Ethan na nakapatong sa magka-bilaang balikat ko.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya, ayoko hindi ko kaya..

"E-ethan, I---- I c-cant! Hindi ko k-kaya." Napaupo ako sa harap ng pintuan namin habang nakatuptop ang dalawang kamay sa bibig ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago ako pantayan ng upo.


"Waff, wag mo sabihing hindi mo kaya. Dahil talagang hindi mo magagawa ang isang bagay kung iisipin mong mahirap at hindi mo kaya, I know masakit kasi kahit kami nga nasasaktan, but Waff remember this.. you can't stay like this forever aabot ka din sa punto na kailangan mong tanggapin ang nangyari sa anak mo so if I were you I'm going to grab this opportunity just to see my daughter." Mahabang lintana niya, one thing that I like him: he can explain things clearly, alam niya ipaliwanag ang mga bagay-bagay.

I found myself hugging him, he hugged me back then he tap my shoulder.
"I know you can through this, Waff basta nandito lang kami palagi, alam kong malalagpasan mo to dahil matatag ka, but sometimes giving up is not a bad idea, specially when you know that you have a lot of shoulders to lean on." I can't help but to smile at him. "T-hank you." Nagpapasalamat ako sa diyos dahil dumating silang tatlo sa buhay ko, sa buhay namin. Hindi ko alam kong paano sila pasasalamatan, Thank you is not enough sobrang dami na nilang naitulong sakin. I thanking God forever for giving me friends like 'em.


He stood up and offer a hand on me, agad ko naman iyong tinanggap.
"So let's go? I'm here okay?" I nodded.

We slowly walk inside the mansion, tuloy-tuloy kami sa paglalakad. Not until we reach the sala part, there my knees became weak habang tuloy-tuloy sa pag-badya ang mga luha ko. I can't name the pain I feel right now, all I want is forget everything and  wishing that all of these are just part of my bad dream.

We saw a small coffin sorrounded by  the lights each corner with cross in the middle near in the standing lights. I walked slowly towards the coffin. Then I saw my lifeless little princess, napahawak ako sa coffin niya at dun humagulhol ng iyak. Mas lalong dumoble ang bigat ng dibdib ko ng makita ko siya sa loob nun.

"I w-wasn't dreaming about this.. all I want is bigyan sila ng masayang pamilya kahit hindi buo kasi kaya ko namang tumayo bilang ina at ama sa kanila. At ni minsan h-hindi pumasok sa isip ko na aabot sa g-ganito." Saad ko habang nakatingin sa walang buhay kong anak.

Naramdaman ko ang presensiya ni Ethan sa gilid ko. Tiningala ko siya at nakita kong nakatingin din siya sa coffin, nakita kong namumula ang ilong niya.

"And I guess each one of us didn't want this to happen too.." napangiti ako ng mapait sa tinuran niya.. wala nga ba? Eh kulang na nga lang ipapatay niya kami eh. Biglang nanuot sa buong sistema ko ang pait.. I need to overcome this.. not now but soon..

Wala akong sinagot sa tinuran niya at nanatiling tahimik na pinagmamasdan ang anak ko.

"Did you see the curve that formed in her lips?" Nagulat ako sa sinabi niya, dahil nakita niya rin pala. Tumango naman agad ako bilang sagot.
"She's really an angel.. she died happily and peacefully, I can see it through her face.." wala akong naging sagot sa sinabi niya, at nanatiling nakatitig sa mukha ng anak ko. If she wasn't inside that coffin, you're really going to think that she's just sleeping peacefully. Agad ko namang pinahid ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko.




Anak bakit? Bakit kailangang ikaw pa?

Napaupo ako sa sahig at dun umiyak ng umiyak ulit.

I can't take the scar i've got.. it was so deep and I think, time will not heal all my wounds.. it sucks than collateral damage because I can feel the pain and bitterness all the way in my whole system..

Agad naman akong dinaluhan ni Ethan. "Shhh it's ok, everything will be fine. But you need to take a rest first, matulog ka muna dahil wala ka ng pahinga." Tuloy tuloy parin ako sa paghikbi.

"I-ts all because of me! Nang dahil sakin nawala ang anak ko! It's all my f-fault." Pinagsusuntok ko ang dibdib niya, at hinayaan niya naman ako.

"Don't blame yourself, hindi mo kasalanan. Nagmahal ka lang." Aniya habang hinahaplos ang buhok ko.

I feel like a mess.



(A/N: Owemjiii! I know bitin lol HAHA actually pinilit ko lang talaga na maka-gawa ng UD para sa inyo, pasensya kung medyo lame, sabaw po kasi talaga yung brainlalu ko dahil sa school, okay that's too much. Neways Maraming thankyou at sorry po ulit sa naghintay ng matagal na UD, at kahit di ko naman sabihin I know you'll understand eehee. Btw Vomments here is highly appreciated! Thankyou guys kamsaranghae, God bless!💙)

Heartless HusbandWhere stories live. Discover now