"You don't know anything!"

"Sapat na ang nalalaman ko para ilayo si Kathy sa'yo."

"Ganyan ba ang itinuro sa'yo ng Diyos mo? Ang maki-alam?"

Nakakalungkot isipin na minahal ni Kathy ang kagaya ni Damon. Kung dumating lang ako ng mas maaga, hindi ko hahayaang mahalin ni Kathy ang lalaking nasa harapan ko.

"Ginagawa ko lang ang alam kong tama. Inilalayo ko lang ang isang inosenteng tao sa demonyong katulad mo!"

Biglang hinablot ni Damon ang kuwelyo ng damit ko saka niya ako bahagyang iniangat. Kitang-kita sa mga mata niya ang galit. Nakita ko rin kung paanong lumiyab ang markang yon sa kanang kamay niya. I know how that hurts. Kaya hinawakan ko ang kamay niyang yon. Dahilan para mawala bigla ang apoy.

"LEAVE KATHY ALONE!" Saka niya ako binitawan. Tumalikod siya at muling sumakay sa kotse. Naiwan akong mag-isa habang inaayos ang sarili ko.

[DAMON'S POV]

"Damn! Nakipagkita ka lang sakin para sabihin yan?!" Galit na galit kong sabi kay Kathy.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nasanay na nandiyan siya palagi para sakin. Hindi ko alam kung bakit biglang ayaw kong mawala siya sa tabi ko. Isa lang ang sigurado, gusto kong protektahan siya sa mga kagaya ko.

"H-hindi naman ako mawawala. Nandito pa rin ako pag kailangan mo ako. Ang hinihiling ko lang, sana maintindihan mo. Gusto ko lang ng time para sa sarili ko."

Then she started to cry.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya. Dati balewala naman sakin kung mawala siya. Pero bakit ngayon ... iniisip ko pa lang na mawawala si Kathy, pakiramdam ko magiging mas malala pa sa impyerno ang buhay ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"I can give you all the time in the world. Kaya ko ring hindi magpakita sa'yo kung yun ang gusto mo pero hindi kita pwedeng layuan. Hindi kita pwedeng iwan."

"Bakit?" Umiiyak pa rin niyang sabi. "Ang labo mo namang kausap eh! Bakit ba hindi mo ako maintindihan?"

"Naiintindihan kita. Pero ... hindi kita mapoprotektahan kung lalayo ako sa'yo."

"You're protecting me from what? From whom?"

Mga tanong niyang hindi ko pwedeng sagutin kahit na gustung-gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo.

Lalo akong nakaramdam ng pag-aalala at takot ng bumalik sa isip ko ang pangyayaring yon. Ang pangyayaring unti-unting nagpabago ng paniniwala ko na mayroong Diyos, na Sakanya, walang impossible.

"Kukunin ko ang lahat ng mahahalaga sa buhay mo Damon. Kukunin ko lahat, sumama ka lang sakin!" Sabi ng isang nilalang na hindi ko mawari ang itsura. Isang itim na anino na may nagbabagang mga mata.

"Hindi mo pwedeng gawin yon!" Sigaw ko sa kanya.

"Sa mga oras na 'to, mawawala ang 'yong mga kinilalang magulang!" Kasabay noon ay ang nakakabinging pagtawa ng itim na anino. "Ahh, nakalimutan ko! Hindi ba't mahalaga rin sa'yo ang babaeng ito?"

He waved his hands in front of a mirror. And there I saw Julia. I saw how happy she was with her family. They were inside a car going somewhere and so as my parents.

In just a snap, I saw everything. I saw how they both died in a car accident. I can feel the agonizing pain while they were being burned alive.

Napaluhod ako. "Hindi ... hindi!!!!"

Biglang lumiyab ang marka sa kanang kamay ko habang inaalala ko ang mga pangyayaring yon na hanggang ngayon ay nilalamon ako ng buhay.

Napaupo ako sa sakit.

Bakas sa mukha ni Kathy ang pag-aalala at pagkagulat.

"D-damon ..." Tawag niya sa pangalan ko habang dahan-dahang umaatras palayo sakin.

"Iwan mo na ako Kathy!"

Alam kong pagkatapos ng gabing 'to, lalo na siyang lalayo at mawawala sakin.

Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. Tumakbo si Kathy palapit sakin at hinawakan ang kamay ko. At katulad ng nangyari kanina nang hawakan ni Erick ito, nawala ang sakit. Nawala itong parang bula.

"Paanong-"

Hindi ko alam kung paanong nangyaring nahawakan ni Kathy ang kamay ko. I can burn her alive. Mas mainit pa iyon sa araw, sa rumaragasang lava mula sa isang bulkan.

Impossible!

"S-sino ka talaga? A-ano k aba talaga Damon?!"

Now, I have no choice but to tell her the truth.

"Kathy ..."

"Magsalita ka!" Umiiyak niyang sabi sakin.

"Isa akong ...








... isa akong demonyo."


The Devil's SonWhere stories live. Discover now