13: Whats the matter BFF?

Start from the beginning
                                    

"Mabuti po.. hehe, si May nga pala."

"Hello, Lexi." Kumaway ito.

"Ano, ah. ms, president, magkano nga po pala yung bayad sa fieldtrip?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni May. Nagkibit balikat kami at tumingin kaming tatlo kay Kris, well para namin siyang binibitay dahil pinapalibutan namin siya.

Ibinaba niya dahan dahan yung magazine at nakataas na yung isang kilay niya habang nakakunot ang noo.

"SORRY!" Sabay sabay kaming nagsalitang tatlo.

Pero tumayo si Kris at ngumiti.

"Ano ba? Okay lang yun. Kayo talagam syempre tungkulin ko kayong sagutin. 550 yun, classmate."

"Lexi.." Ngumiti na din kami :)

"May kasabay na kayo sa luch? Treat ko!" Dugtong ni Lexi. Ganyan si Lexi, Matakot ka kapag mabait yan. Minsan kasi may kapalit, pero hindi bagay. Kung hindi ibubuking yung mga secrets mo. Weird di ba? Kaya nabansagan namin siyang Demonyita in words lang. Pero para sa akin ang bait bait niya.

Dahil nga yun naging close na kami sa isat isa. Lumalabas na din kami, madalas sa bahay namin dahil malawak naman duon, trip namin magluto at magkaraoke.

*end of flashback*

Still silence.

Walang maingay ngayon sa lunch namin.

Ayoko ng ganito.

Feeling ko, unti unti na lang mabubuwag ang samahan namin.

--

Nang uwian na, gusto kong kausapin si Lexi. Magpapaalam ako kay Mama.

*Alexis POV*

Sht! Di ako makapaniwalang may iba pa akong kapatid, bakit ganun si Papa?

Naikwento ni Mama sa akin, pero sa nakababata kong kapatid hindi pa. 

Nasabi ko sa sarili ko, hindi ko siya mapapatawad.

Nagtatrabaho si Papa sa Saudi at umuuwi lang siya sa amin twing Pasko at May.

Tapos pinupuntahan pa niya yung Queridang yun?

WOW HA!? Grabe!?

Ka-kahit na mas nauna niyang maanakan yun, kami pa rin ang legal dahil si Mama lang ang pinakasalan niya.

Gusto kong malaman kung sino yung anak niya.

Wala pa akong napagsasabihan, kahit na sino. Kahit pinsan ko pa, kahit sino pa siya.

Nasa labas si Mama,at nagbibingo sila nung mga kumare niya.

Di ko siya maistorbo, itetext ko na lang, Ang tagal na kasing binabagabag ang loob ko.

OO may kaya kami, dahil yun sa Papa ko. Tenyoso, isang masipag na manggagawa si Papa.

Pero posible kayang ganun din apelyido nung bastardo niya?

[Ma, anong pangalan nung Anak ni Papa] Alam kong busy siya..

Nakatingin ako sa kanya sa di kalayuan, natapos yung isang game nila.

Naririnig ko lang yung ingay ng pagbobola nila kasabay ng pagsigaw ni Mama.

"Mike!Something  Mike Daniel...-" Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. Pero natigilan ako, noong maalala ko.

MIKE DANIEL. , marami naman sigurong mike daniel sa mundo di ba?

Nilapitan ko si Mama at tinanong ko kung anong apelyido nito.

Hidden (ONHOLD)Where stories live. Discover now