13: Whats the matter BFF?

247 6 0
                                    

~Yoona

Wednesday na, pero parang wala pa din sa wisyo makipag usap sa akin si Lexi. Di ko siya matiis, dahil bff ko siya e.

Natutuwa naman ako sa dalawang couple na ata. Si James na inasar naming JAMAY, at parang Lamay kung babanggitin. Natatawa nga ako, bigla silang naging sweet.

Eto namang KrisSquared dahil parehas silang Kris eh, lagi namang magkatabi. Siguro nililigawan ni Kris si Kristine, posible dahil maganda naman talaga siya. Nakwento din ni Kris, since 2nd year pa niya crush yun.

Ngayon, katabi ko si Lexi at kumakain kaming apat ng Lunch. Busy yung boys at hindi sumabay sa amin.

*chomp chomp.*

Ang takaw ni Kris ngayon, tapos medyo di na niya din ako kinakausap. Nagtataka na ako, si May naman medyo matino, kaso lagi na lang may Hampas, kurot at hila yung buhok ko.

Ang bait niya noh, kaya minsan ko na lang kinakausap.

Ang dating maingay na grupo ng Gang, ngayon parang ang tamlay tamlay.

Halos magiisang taon na din kami magkakaibigan.

July 28, naalala ko pa. 

*flashback*

Naging classmate ko si May, pero di kami gaanong naguusap. Meron siyang ibang kagrupo nun.

Eh ako, Loner. May lumapit sa akin.

"Hello! Emo ka din pala! Haha! Same here." Tawag ng isang babae,

Akala ko pa nga artista, dahil kamukha niya si Kethryn Bernardo.

"Hi." Matipid kong sagot dahil mahiyain talaga ako sa di ko pa kakilala.

"Alexis po. Lexi na lang itawag mo sa akin. Grabe, ang hirap kapag yung kaibigan mo dati, iba na din ang section. Tapos nakahanap na sila ng ibang kaibigan. Ikaw, bakit wala kang kasama?" Tanong niya sa akin at nakatingin na naghihintay ng sagot.

Suot ko pa yung salamin ko at nagbabasa ako ng Manga.

"Ahh, ganun din e. Parehas tayo, Yoona po pangalan ko." Nginitian ko siya at tinanggal yung salamin ko.

"Wow, ancute mo naman! Ikaw yung Korean kong classmate di ba?" 

"Hehe- di, di naman po. " Nagnod ako.

"Wow, astig para ka na talagang pilipino."

Tapos ayun, we talk for many times. Siya ang madalas kong nakaksama at nakakausap.

Im weak, but im strong sa taong magiging kaclose ko.Yun ang mga salitang nabitawan ko sa kanya, Ang dami ko na ding secrets na nasabi.

At nakilala ko si Kris na nagiisa din naman at nagbabasa about environmental magazines, mukhang siya yung president ng Class namin.

"Hello po, tatanong ko lang po kung how much yung fieldtrip for the next month.' Tanong ko pero binabasa pa din niya yung magazine.

"Ah- uhm 550." Nakatingin pa din siya sa magazine.

"Kris!" Tawag sa kanya ni May.

"Hello Yoona" Ngumiti lang siya, dahil magkakilala naman talaga kami.

"Hi May, sasama ka sa Tour?"

"Yup,  Uhm Kris..magkano nga ulit yun?" Wahahah! The same question.

ANg hirap ba maging president ng Class?

"550." Still, di pa din siya tumitingin at binabasa pa din yung magazine.

"Yoona! Hello, kamusta." Tanong ni Lexi na lumapit sa amin.

Hidden (ONHOLD)Where stories live. Discover now