"Teka, I didn't ask for your help. Anong pinagsasasabi niyo diyan?" They just shrugged then ignored me.

"We need to dress her up. Her clothes are so lame."

"Tama. Saka her hair is so plain dapat lagyan natin ng color or highlights. She also needs to put more make up." They are saying that while looking at me na para bang malaki ang problema nila na hinahanapan nila ng solutions.

"Kakasabi niyo lang kanina na bawal ang teacher and student relationships!"

"Hindi bawal kung hindi mahuhuli." Belle said with an eveil grin on her face. This is crazy!

"Tumigil nga kayong dalawa. I'm not going to participate in this." Hindi parin nila ako pinansin.

"Oh my gosh, I'm so excited." Kinikilig pang saad ni Iris na pumapalakpak pa. "Don't worry Psyche. We'll sponsor you."

*****

Nagmadali akong ayusin ang gamit ko pagkatapos ng huling klase ko. Kailangan kong makaalis agad bago pa ako maabutan nila Iris at Belle. Ayokong pumatol sa mga kalokohan nila sa buhay.

"You're not getting away Psyche." I walked faster as I heard Belle. "There's no point in running."

I stopped as I felt someone grabbed my arms. Tinignan ko ang dalawang lalaki na nakahawak ngayon sa braso ko. Shit. They're Iris and Belle's body guard. Sinubuka kong alisin ang braso ko pero mahigpit ang hawak nila. Why do I have to be friends with these two?

"I told you tatakas siya." Nakangising sabi ni Iris kay Belle.

"This is kidnapping."

"Yeah, right. So come along now." Since wala naman na akong magagawa, hindi na ako pumalag at sumunod nalang sa kanila.

"San niyo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanila.

"To every girl's paradise." Iris winked at me.

Dinala nila ako sa isang salon na halatang pang mayaman base sa itsura nito. Kung anu-ano ang pinagsasabi nila doon na hindi ko maintindihan kaya hinayaan ko nalang sila na gawin kung ano man ang husto nila. It's been almost two hours bago sila natapos and I almost slept the whole time. Belle and Iris looked at me with satisfaction.

I looked myself in the mirror at halos hindi ko na makilala ang sarili ko. I looked different. They colored my wavy hair with ashe blond color at inayos ang haircut ko. Last time kasi ako lang ang gumupit sa buhok ko para tipid at wala din akong time. Pero maayos naman iyon at pantay lang ang gupit ko. This time, nilagyan nila ng shape.

"Sabi ko na maganda ka. Hindi ka lang talaga marunong mag ayos." I shrugged at Belle. I'm really the kind of girl who's not into make ups. Pulbo at lipsticks lang okay na ako. And it's not like I have time and money for this.

"Kung makapag ayos ka naman kasi para ka nang may dalawang anak." I froze when I heard Belle say that. Alam na ba nila? Then they both laughed. Nakahinga ako nang maluwag nang ma-realize na nagbibiro lang sila.

"Tara na nga. Let's buy you some clothes." I stopped on my tracks.

"Wait lang Iris, Belle. Hindi niyo ako kailangan ibili ng damit. Kayo na nga ang gumastos nito."

"Alam mo Psyche, sawang sawa na kami ni Belle sa pag shopping. Besides, kami ang nagpasok sayo dito so it's fair na kami ang gumastos." Tumango naman si Belle sa sinabi ni Iris.

Konti lang naman ang mga pinamili nila sa akin na damit dahil hindi naman ako pumayag na ishopping talaga nila. They just bought me two dresses that are too liberated for a woman like me who have two kids. Tinanggihan ko pero wala na akong nagawa dahil binili na nila. Ipinilit talaga nila sa akin ang dress because I must admit, bagay sa akin ang dress dahil kahit papano my body still looked fine. Hindi nga lang kasing payat ng dati. Medyo nasasayang lang ako sa pera na ginamit dahil sa tingin ko hindi ko naman ito magagamit.

Nang makauwi ako, wala pa si Eros sa bahay kaya nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya pero parang ayoko talaga magpakita sa kanya na ganito ang itsura ko. Baka kasi mamaya isipin niya na nagpapaka single ako dahil sa itsura ko kahit na may anak na ako.

Kinabukasan, nalaman ko kila manang na hindi umuwi si Eros pero nalaman ko din na dumaan pala siya doon bago pa ako dumating para kumuha ng gamit at puntahan ang kambla. I feel a little bit hurt dahil hindi siya nagtext sa akin kahit pa ibinigay ko na sa kanya ang number ko.

Pansin ko ang tingin at sulyap sa akin ng mga tao sa school. I feel conscious and at the same time scared that they know my secret kaya sila nakatingin sa akin ng ganyan.

"Psyche." Iris called me in a sing-song voice. I stopped and waited for her as she walked towards me at sinabayan akong maglakad papunta ng classroom.

"Iris may mali ba sa itsura ko? Parang nakatingin kasi sila sa akin." She smirked at me then looked around.

"That's because you're pretty. Mabuti nalang sinunod mo kami ni Belle sa pag apply ng make up." Nakangising sabi niya. I pouted.

It was because nasasayangan ako sa mga pinamili nila. Marami silang kung ano na binigay but I only used yung mga madali lang iapply like blush on, powder, and lipsticks. Yung kilay nga basta ko lang nilagyan, I just traced the one na inayos ng bakla kahapon dahil makapal naman ang kilay ko

Pagdating ko ng classroom, Ryder was already there. Tutuok na tutok siya sa libro na binabasa niya so I walked up to him and nudged his side. Nakakunot noo naman siyang humarap sa akin, then his eyes widened as he looked at me.

"Hoy problema mo? Para kang nakakita ng multo?" Natatawang sabi ko sa kanya. He blinked so many times bago ko narinig si Belle na nagsalita sa likod ko.

"Hmm.. We did a good job." Lumingon pa siya kay Iris na nakangisi lang.

"Wow." Saad ni Ryder. Para naman akong nahiya dahil sa reaction ni Ryder sa akin. "You're literally stunning, Psyche. Bagay na bagay sayo."

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o ano. Palagi naman akong sinasabihan ni Ryder simula bata palang ako na maganda ako para sa kanya pero ewan ko ba kung bakit ngayon pa ako nahiya.

Hindi na ako nakapag react dahil bigla nang pumasok si Eros. His eyes instantly landed on mine. Napansin ko pa na sandali siyang natigilan nang makita ako pero agad din na nakabawi at dumeretso sa gitna. Nagsimula na ang klase and the whole time, I'm so conscious about my look dahil ilang beses na ba kaming nagkatitigan ni Eros? Puro din siya recitation ngayong araw at hindi masiyadong nagsasalita.

When he called me to answer ay agad akong tumayo at sumagot pero bago pa ako makaupo ay biglang nagsalita si Belle.

"Sir, ang ganda ni Psyche today right?" Nagsitinginan sa akin ang mga classmate namin. Mabilis kong tinignan ng masama si Belle na nakangisi lang sa akin at sa tabi naman nito si Iris na natatawa na.

All of us looked at Eros and I think everyone in the class were as shocked as me when he said,

"Yes, she does."

One Stupid MistakeWhere stories live. Discover now