Napansin ko ang cellphone ko, naalala ko may nagtext nga pala.

Binuksan ko at ang message ay galing sa isang unknown number. 

Sender: 0917*******

Let's play a game

Adik? Wrong send siguro ito. 

Wrong send ka po siguro. :) and sent!

Mabilis namang tumunog ulit ang cellphone ko. 

No Kane. I'm not.

Kilala niya ako?

Stalker ka 'no?

Natakot ako. Baka naman masamang tao itong katext ko. Hindi kaya nantitrip lang? Kinakabahan ako. Tumunog ulit ang cellphone ko sign na may nagtext nanaman ulit. Dahan dahan ko itong kinuha at binasa ang nilalamang message galing sa same unknown number.

No.

Hindi na ako nagreply pero maya maya ay nagtext ulit ito. 

Let's play a game. A love game Kane.
A love game with a twist.

First one to fall out of love, loses.
-Mico

Kung nung una ay kaba ang naramdaman ko, ngayon naman ay kilig na. Simpleng text pero naaaligaga ako dito. Simpleng text pero maihi ihi na ako sa kilig. Konteng pitik nalang ay sasabog na ang puso ko. Dama ko na rin ang init ng mukha ko. Iba talaga ang tama sa akin ng Power of Love.

Adik ka ba?

Yun nalang ang nareply ko. 

Are you home?

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Pero bakit niya naman ako tinatanong kung nakauwi na ako? 

Ahh oo. Nasa bahay na ako. Bakit?

5 minutes. 10 minutes. 15 minutes. 30 minutes. 

Hindi na siya nagreply. 

Tumingin ka sa labas. 

So I looked out. Madilim kaya hindi ko agad naaninag. May tumutugtog. Sa palagay ko ay Grow Old With You ang iniistrum noong naggigitara at sinisimulang ibeat ng drummer. 

Hmm I wonder, saan kaya sa mga yan si Mico.  Yung may hawak ng accoustic guitar? Yung may hawak ng electri guitar, siya kaya yun? Yung nagdadrums kaya? Or yung kakanta? Oh my talaga. Kinikilig akong tunay, tagos hanggang buto. 

Pero sana siya yung kumakanta, kasi diba kapag may mga nanghaharana, sila madalas ang kumakanta? Bihira lang tumutugtog eh. Pero cool pa rin kung tumutugtog siya.

 Kahit medyo madilim ay talaga sinisilip ko kung alin ba si Mico dyan. 

~I wanna make you smile

Nagsimula ng tumugtog. Ang ganda ng boses. At alam kong hindi yan si Mico. 

Di bale baka siya yung nagdadrums or isa sa mga naggigitara. Unti-unti nang nagkailaw.

Hindi naman siya yung nagdadrums, hindi rin isa sa naggigitara. Lalo hindi yung vocalist. Hinanap ko siya. 

!@#$%^&*() at nandun nakaupo sa gilid. Prenteng prente. Relaxed. 

Natapos ang kanta. Binaba ko siya. 

"So sino sa drummer, sa lead guitarist, sa isa pang guitarist at sa bokalista ang sasagutin ko?" salubong kong bati sa kanya. 

Oo sweet na may manghaharana sa'yo ng alas otso ng gabi pero langya, e nakaupo lang naman ang prinsipe. Sana manlang umepek siya na may dalang bulaklak kung hindi tumugtog o kumanta. 

"Syempre ako. Sila ba nanliligaw?"

"Akala ko kasi sila. Well. Nakaupo ka lang kasi dyan sa tabi. Daig mo pa ang hinaharana."

"Sa lahat ng nililigawan na mahal na mahal naman yung nanliligaw, ikaw pinaka maarte."

"Sa lahat ng nanliligaw, ikaw ang pinaka---"

"Gwapo."

"G*go!"

She's Rich, He's RicherWhere stories live. Discover now