“Thank you, Kareeza..” He said hoarsely. Napangiti ulit ako sa sinabi niya.

May mahihiling pa ba ako? Wala na siguro. All I have to do is to make the most out of it. Minsan lang sa isang pagkakataon ang mabiyayaan ng magandang love life. Bukod pa dun, I have good friends too. Nagkausap na kasi kami ni Micaela last week and she was sorry for being distant. Nagulat lang talaga daw siya. Of course, who am I to judge her. Kung ako nga siguro ang nasa posisyon niya, malamang hindi na talaga ako makikipag-usap sa taong yun. Imagine? Ganon ako kalala pero kita mo nga naman, tinanggap ko agad ang sorry ng bestfriend ko instead of throwing daggers at her.

Simula nang makilala ko si Nate, sobrang dami kong natutunan. Isa na dun ang pagiging masaya at kontento sa kung ano meron ako ngayon kahit pa sobrang saklap ng nakaraan ko. Ang mga nangyari ngayon sa totoo lang, hindi umabot sa isip ko. I never thought that I could be this happy. Ang pagkuha palang sa kapatawaran ni Popsy ay sobrang nakakatuwa at nakakataba ng puso na. I also realized that I deserve to be happy. Sabi pa nga nung isa sa mga librong nabasa ko that happiness is a luxury and not everyone can afford it. Fortunately, I have a snide comment about it, I think happiness is something that everyone can achieve as long as they are contented. Para kasi sa’kin, mahalaga ang pagiging makontento sa kung ano ang meron tayo ngayon. It’s a step closer to happiness.

“Ano ‘to?” I asked him after we finished our dinner.

Nasa couch na naman kami ngayon and we’re watching a movie. Right, it’s still a front act. Alam kong mane-neglect na naman ‘tong pinapanood namin.

Humarap si Nate sa’kin at hinawakan  ang kamay ko na nakahawak sa gilid ng ulo niya. It’s a scar. Hindi ko ‘to napansin noon kaya nga laking pagtataka ko kung saan niya ‘to nakuha. I looked at him straight. Ngumiti lang siya sa’kin at hinagkan ang kamay ko.

“Akala ko ba, you’re my greatest stalker?” Umirap ako sa kanya.

This is the other side of Nate. He keeps on teasing me about my past when I was still a child. Kinwento ko kasi sa kanya na sinusundan ko siya since I was still elementary. Of course, I didn’t tell him about the exact details since he already knows that.

“Seriously, Nate? Stop pushing your luck and tell me the truth. Ngayon ko lang kasi napansin ‘to.” I touched his scar again.

“Impatient.” Ngumiti siya. “If you must know, I got hospitalized few days after my best friend’s incident.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Meaning?” Tanong ko.

“Naaksidente ako. Mabuti nalang at may umalalay sa’kin at isa dun si Karen. You should get to know her. Mabait siya babe.” My face suddenly became emotionless.

Paano nasali ang babaeng mangga na ‘yon sa usapan namin? The last time I checked is hindi kami in good terms. Of course, may kasalanan ako sa kuya niya and I was guilty. I tried talking to her but she gave nothing but cold treatments. Ano bang gagawin ko? Ipipilit ko ang sarili ko sa kanya? No way.

“And what is that supposed to mean?” Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ngumiti lang siya at marahang hinimas ang mga kilay ko. I sighed.

Bribing Mr. PresidentOn viuen les histories. Descobreix ara