2

2 0 0
                                    

CHAPTER 2: Fangirls

"Gelay, kaya ko na nga sabi. Ang kulit mo naman." Aniya pagkapasok sa kwarto ko.

Sinintas ko ang sneakers kong suot at tumayo. Humarap ako sa salamin saka tinanggal ang tuwalya sa aking buhok at sinuklay ang buhok ko.

"Hindi mo nga kaya. Ang kulit mo naman eh." Sabi ko habang sinusuklay ang aking basang buhok.

"Kaya ko nga sinabi!" Pag-uulit niya.

"Hindi nga, kaya nga sasamahan kita diba?"

Tinignan ko siya sa repleksiyon sa salamin at nakita kong nakatingin siya sa buhok kong sinusuklay ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin doon na para bang naiinip. Napansin ko ang pasimple niyang pag-irap sa hangin. Napabulalas ako ng tawa at hinarap siya

"Bading!" Sabi ko at muling tumawa.

Sinamaan niya ako ng tingin, "sa gwapo kong 'to, mukha ba akong bading? Ha? Ha?!" Iritado niyang tanong.

"Alam kong gwapo ka, pero bading ka pa rin." Pang-aasar ko sa kanya.

"Inamin mong gwapo ako, paano ba yan? Wala nang bawian ah."

"Oh! Sinabi kong bading ka. Paano ba 'yan, wala nang bawian ah?" Ngumisi ako bago muling humarap sa salamin at nagsuklay.

"I am not. Tss?" Nagulat ako nang hablutin niya ang suklay na ginagamit ko.

"What? Magsusuklay ka din?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin lamang sa repleksiyon.

"Susuklayan kita, ang bagal mo eh." Sabi niya saka nagsimulang suklayin ang buhok ko.

Ang lambot ng pagkakasuklay niya na parang iniingatan niya ang buhok ko. Ang lambot din ng pagkakahawak niya sa ulo ko. What the ef, Tim. Bading ka ba talaga?

"Kung iniisip mo na bading ako, hindi. Naiinlove ba ang bading sa babae?" Napaangat ang tingin ko sa mata niya. Nakatingin din siya sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako at nagpolbo na lang para hindi sayang ang oras.

"Samahan mo na nga ako." Aniya na nagpalawak ng ngiti sa akin.

Sa wakas, pagkakataon ko na ba 'to para malaman kung ano ang sername niya? Natuwa ako sa naisip ko at walang ano-ano ay kinuha ko ang suklay sa kamay niya at ako na ang nagsuklay sa sarili ko. Hindi ko na gaanong pinatuyo dahil naeexcite ako.

"Oh? Excited ka ba?" Tanong niya na medyo natatawa pa.

"Hindi no. Tara na!" Kinuha ko ang bag ko at hinawakan siya sa braso saka hinila palabas ng kwarto.

"Bakit ka ba kasi nagmamadali?" Tanong niya pa.

"Hindi nga ako nagmamadali sabi. Kaya tara na nga!" Tumawa muna ako bago bumaba.

Hindi pa man kami tuluyang nakakababa ay nakita ko na si kuya na tumatawa mag-isa. Joke, wala dito sa kuya. May lakad ata. Pansin ko lang kasi na sa tuwing bababa ako ay tawa ni kuya ang bumubungad. Mapagmalaki dahil kumpleto at mapuputi ang ngipin? Hay nako.

Nakasalubong namin si mama na paakyat. Ngumiti siya sa amin ngunit nawala ang ngiti niya nang bumaba ang kanyang tingin sa braso ni Tim. Agad din kaming napatingin doon.

Nagulat ako nang nakahawak pala ako sa braso niya. Agad ko iyong tinanggal at nagpalinga-linga sa paligid na kunwari ay walang nangyari.

"Ehem!" Tikhim ni mama at tinignan ako. Hindi ko maintindihan kung ano ang tingin na 'yon pero sinawalang bahala ko na lang.

"Naipaliwanag ko na sa inyo na si Ate Melda ang tao dito sa bahay hanggang sa matapos ko ang problema sa negosyo. Naiintindihan niyo?"

"Opo." Sagot naming dalawa.
May uniabot si mama kay Tim na sa tingin ko ay pera. Sa una ay parang ayaw pa ngang tanggapin ni Tim ngunit tinanggap niya din sa huli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Fictional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon