1

5 1 1
                                    

CHAPTER 1: Tim

Nakasimangot lang ako buong biyahe pag-uwi. Bumaba ako sa sasakyan nang tumapat na ito sa bahay namin.

"Bye Angge!" Natatawang sabi ni Ven.

"Bye..." Walang gana kong sagot saka binuksan ang gate at pumasok.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Iniluwa noon si kuya. Hindi ko na isinara pa ang gate at nagdire-diretso na lang sa loob.

"Bakit ganyan mukha mo? Saka bakit wala ka man lang bitbit? Wala ka din dalang meriend--"

"Wala!" Sagot ko. "Ikaw na magsara ng gate, tinatamad ako." Sambit ko bago umakyat sa kwarto.

"Wow ah. May taga-utos?" Sarkastiko niyang tanong.

"Bading ka!" Umirap ako sa hangin at hindi na inintindi pa ang sagot niya.

Isinarado ko ang pinto at humilata sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at binuksan ang wifi. Ipagtatanong ko pa kung ano yung tinweet ni Harry. Una kong binuksan ang twitter. Admin ako sa isang fan account na sumusuporta, of course, kay Harry. Close ko na sila dahil nga sociable ako.

Nagchat ako sa gc namin gamit ang dummy account ko. Di ako gumagamit ng personal account sa pagfafangirl dahil nga personal. Tinanong ko sila maging ang ilan ko pang kaclose pero mukhang hindi din nila nakita.

Well, anyways, highways, ipagpapaliban ko na muna 'yon at magpapahinga na muna ako. Pero kasi... Paano kung picture or totoong name ni Harry yung pinost niya? But knowing Harry, hindi niya ilalabas yun. He is still a mystery to us. Tanging pen name niya lang ang alam namin.

Nagtwitter lang ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nang makarinig ng tawanan. Unti-unti kong minulat ang mata ko at bumungad sa akin ang dalawang mukha ng lalaki. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan na nakuha ko sa gilid.

"Gelay, bumangon ka nga diyan. May bisita ka oh." Rinig kong sabi ni kuya at mahina pa akong inalog. "Gelay~" pangungulit niya. Kasunod noon ang tawa nilang dalawa.

Hindi ko sila pinansin nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagsundot ng daliri sa kilikili ko.

"Arrggh!" Sabi ko saka pabiglang umupo.

Nakita ko ang pag-atras nilang dalawa at ang mukha nila...parang nakakita ng multo. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin.

"G-gelay..." Sabi ni Tim saka tumuro sa likod ko. Nanginginig pa yung daliri niya.

Medyo kinabahan ako pero hindi ko pinahalata. Kinunutan ko sila ng noo. "Hay nako. Ano bang kailangan niyo kasi?" Iritable kong tanong. Pero hindi talaga ako naiirita. Medyo lang.

Nginuso naman ni kuya yung tinuro ni Tim kanina. Pinaningkitan ko sila ng mata.

"Lumingon ka kasi!" Sabay nilang utos.

"Edi lumingon! Kailangan sabay? Kailangan sumigaw? Tss!" Umirap ako bago nilingon ang nasa likod ko. "KYAAAAH!"

Napatayo ako mula sa pagkakaupo at umalis sa kama. Nag-form ako ng cross saka itinapat sa ipis na nasa kama ko. Nagtawanan na naman yung dalawa. Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko at saka sila inambahan ng batok ngunit hindi ako nagtagumpay dahil ang tangkad nila pareho. Kaya sa braso ko na lang sila hinampas.

Sa wakas, tumigil na rin sila sa pagtawa at parehong umakbay sa akin. "Namiss kita, Gelay." Ani Tim saka kinuha ang ipis na laruan lang pala na nasa kama ko.

"Miss ka ba?" Sabi ko saka tinanggal ang pagkakaakbay nila sa akin.

"Ooooooohhhhh!" Hiyaw ni kuya at pumalakpak habang tumatawa saka binatukan si Tim.

"Paano kita mamimiss kung araw-araw mo akong sinasabihan na basahin yung story mo, eh ni hindi mo nga binabanggit yung username mo sa akin. Sige nga?" Nakapameywang kong sabi.

"Hanapin mo nga kasi." Aniya.

Hindi ko siya pinansin, "Lumabas muna kayo. Magpapalit lang ako ng damit. Bababa rin ako pagkatapos." Sabi ko na agad naman nilang ginawa. Kumuha ako ng damit saka nagpalit.

Timothy Mendoza...we're friends, or should I say, bestfriends, since grade school. Nagkakilala kami sa province. Doon sila nakatira at kami ay nagbakasyon lang. That was may grandmother's birthday to be exact kaya kami pumunta doon. Every vacation lang kami nagkikita simula grade school. But now, we're already in grade 10 and he told me that he will be transferring here as his grandfather wishes. Wala pa kami sa kalahati ng school year, so yeah, pwede pang lumipat. But I don't know where he will be staying.

Pagkabihis ko ay bumaba na ako. Malapit na pala magdilim at naaamoy ko na ang niluluto ni Mama. Naabutan ko sila kuya at Tim na nagtatawanan. Bakit ba sa tuwing bababa ako ay bunganga ni kuyang nakanganga at tumatawa ang bumubungad sa akin. Medyo nakakaloka ah. Medyo lang, mga 1/4.

"Uy!" Rinig kong sigaw ni Tim nang lumihis ako at pumunta sa kusina kung nasaan si Mama. Hindi ko siya pinansin dahil baka pagtripan na naman ako nung dalawa.

"Ma, ano pong ulam?" Tumabi ako kay mama at dumungaw sa niluluto niya.

"Secret." Sagot ni mama na ikinatawa ko. "Tawagin mo na sila at kakain na." Dugtong niya.

Pumunta naman ako sa sala at tinawag sila, "kakain na daw mga unggoy." Bumalik ako kaagad sa kusina para maghain.

Hindi kami pinalaki nila mama at papa na umaasa sa mga katulong dahil hindi naman din sila pinanganak na mayaman at tanging pagsusumikap lang nila ang naging dahilan para mabigyan kami ng maayos na buhay.

"Gelay, galit ka?" Tanong sa akin ni Tim.

Napalingon ako agad sa kanya. Tinignan ko si mama at wala naman siyang pake. "Ha? Hindi ah." Sagot ko at umupo na.

Nagdasal muna kami bago kumain. Ang tahimik, di ako sanay na ganito. Di naman ako galit eh. Wala lang talaga ako sa mood makipagbiruan dahil badtrip nga ako kanina dahil sa dalawang lalaki na yun na nasa bookstore na mga bwisit.

"Nak, magpapaenroll ka na bukas ah."

Akala ko ay ako ang sinasabihan ni mama, yun pala ay si Tim.

"Opo. Kaya ko naman na."

Liar. Maybe he knows how to enroll. Pero paano kung maligaw pa si Tim? Di pa naman niya saulo ang mga lugar dito. Laki siya sa probinsya pero mayaman ang lalaking 'yan.

"Sasamahan ko na, Ma." I said without hesitating.

"Okay sige." Sagit ni mama.

"Sure ka, Gelay?" Tanong ni Tim.

"Yeah, but in one condition..." Then I smirked.

"What condition?"

"You'll tell me you usernae, plus pen name, plus everything about your story you've made. Okay?"

I smirked again. Hindi ko siya magets kung bakit ayaw niyang ipaalam sa akin ang username niya. Like, duh? Babasahin ko lang naman stories niya. And... Siya na rin mismo ang nagsabi sa akin na basahin ko ang mga 'yon.

Deal with it, Tim.

-------

(A/N: thanks for the cover! I really love it TrickyAngela)

My Fictional LoveWhere stories live. Discover now