I met this girl 2 years ago. I actually call her by her name. Hindi ako nag aate sa kanya kahit mas matanda pa siya sakin ng isang taon. Para kasi sakin parang ang awkward kung tawagin ko siyang ate.
Masasabi kong maganda siya pero sobra rin niyang ingay. Sa tuwing dadaan kasi ako naririnig ko nalang bigla yung tili niya. Malakas siyang tumawa na kahit sobrang maliliit lang na bagay tumatawa na siya. Kahit sobra na siyang nahihirapan ngumingiti parin siya. Yung akala mong sobrang masayahing babae may malaking problema pala?
I admit it, sobrang naiinis ako sa tuwing nagpapapansin siya. Never naging tahimik ang buhay ko nang makita ko siya. Hindi rin naboboring ang mundo ko pag malapit lang siya sakin. Naalala ko pa nung araw na inutusan mo yung kaklase kong ijail booth tayong dalawa. Sobrang saya mo nun na halos mapunit yung labi mo sa sobrang lawak ng ngiti mo. Hiningi mo pa nga yung ribbon na itinali sating mga kamay at sinabi mong itatago mo ito habang nabubuhay ka pa. Naalala ko pa yung araw na chicheer up mo ko nang hindi ako makasagot sa tanong sa pageant na sinalihan ko. Ikaw lang yung babaeng sobrang ingay nun saka sinayawan mo pa ako kaya ayun natawa ako saka wala sa sariling nasagot ko yung tanong na pilit pinapasagot sakin.
Naalala ko pa yung mga araw na lagi mo kong chinachat sa facebook at sinasabihan ng I love you kahit na wala akong reply na I love you too. Naalala ko pa yung araw na nagconfess ka sakin na gustong gusto mo ako pero tinalikuran lang kita. Naalala ko pa yung araw na lagi kang nagpapapansin kahit hindi kita pinapansin. Naalala ko pa yung araw na inutusan mo kong pansin kita. At oo, pinansin kita at kahit na ikaw yung nang utos saking pansinin kita ngumiti ka ng sobrang tamis na kahit ako nahawa sa ngiti mo. Naalala ko pa yung mga araw na sobrang selos mo ng malaman mong nagkacrush ako sa kaibigan mo. Alam kong nasaktan kita nun pero wala akong ginawa kundi balewalain ka. Naalala ko pa yung araw na sobrang close pa natin sa isat isa. Yung araw na hindi ko pa nalaman na gusto mo pala ako. Yung mga araw na sabay tayong lumabas at bumili ng pizza para kumain. Nakita ko sa mga mata mo nun na sobrang saya mo, kaso napalitan iyon ng nguso ng biglang sumulpot yung kaibigan mo at sinabing gusto niyang sumama. Naalala ko pa yung araw na sumayaw ka pero nung tingnan kita bigla kang nahiya. Iyon araw na nagconfess ka na gusto mo ako kaya nahiya ka nun dahil nga tinalikuran kita. Naalala ko pa yung araw na lagi lagi mo kong pinipicture-an at minsa rin nahahagip ko gamit ang aking mga mata na ginawa mo pa akong wallpaper sa cellphone mo.
Yung mga araw na nakikita ko nalang na napapangiti kang mag isa at ang mas malala ako pala ang dahilan ng mga ngiti mo. Naalala ko pa yung araw na umiyak ka nang malaman mong may girlfriend na ako. Sobrang nadurog yung puso ko nun sa hindi malamang dahilan ng makita kong umiiyak ka. Naalala ko pa yung mga araw na sobra kang kinilig nung una kitang pinansin. Natawa rin ako nung araw na yun dahil sobrang likot mo. Naalala ko pa yung mga araw na hiningi mo yung number ko habang inutusan mo yung kaklase mong siya yung humingi saka babayaran mo lang pag nakuha niya yung number ko. Naalala ko pa yung mga araw na lagi lagi kang nagpapatawa. Naalala ko pa nung makita kitang sobrang tulala at iniiwasan ako, nalaman mo palang naiinis na ako sayo. Naalala ko pa yung mga araw na pumunta ka sa bahay namin kasama yung mga kaklase mo kasi magpaparemix kayo ng kanta, nakikita kitang nakatitig sakin habang nakangiti. Napapangiti na rin pala ako. Dahil ang hindi ko alam.... nahuhulog na pala ako sayo.
Pero lahat ng iyon ay nag bago nang malaman kong nagkasakit ka. Hindi ko alam kung anong sakit mo pero nabasa ko sa timeline mo nang may ipinost ka. Binasa ko iyon at halos madurog ang puso ko ng mabasa iyon.
"One day I'll leave the world and never comeback. You will cry when you see my number you will miss me when you feel alone. You won't hear my voice ever again. There will no more me to irritate you, make you laugh, tease and say sorry stupidly to you. Tears might fall down from your eyes but I will be gone. So enjoy my sillines, caring, loving, stupid company, craziness before I close my eyes forever. Just sayin but most of you all wouldnt even care"
YOU ARE READING
REGRETS
Short StoryGaano ba katangkad si pagsisisi at lagi syang nasa huli? March2016
