Chapter 21

18.8K 811 216
                                    


Grace

Maaga akong namulat sa totoong kahulugan ng buhay sa mundo, na hindi lahat ng gusto ng ating puso ay makakamit at hindi lahat ng taong mahal natin ay mananatili sa ating buhay.

Paano ko nasabi? Una dahil maaga akong naulila sa magulang, namatay sa aksidente sina Mama at Papa. Sobrang sakit nang mawala sila na para akong pinapatay sa araw araw na ginawa ng diyos. Gayunman, kinaya ko lahat ng mag-isa. Wala akong kinapitan at inasahan kundi sarili ko.

Pangalawa, niloko ako ng ex girlfriend kong si Jean at ipinagpalit sa pinaka malapit kong kaibigan. At ngayon naman si Sam. Si Sam Concepcion o Samantha Imperial kahit na ano pa man ang pangalan nya.

Bakit kailangan pa akong lokohin ni Sam? Sana sinabi nya nalang sakin agad yung rason baka natulungan ko pa sya sa sinasabi nyang investigation. But still Sam chose the painful way. Ako ang nagsilbing collateral damage sa labanan na nangyari. Ako ang lugi at talunan.

Ang tanga ko lang din para isipin na iba si Sam kay Jean, na iba sya sa lahat. Sa fairytale nalang siguro may mga Mr. Right at Ms. Right. Ang simple lang naman ng gusto ko sa buhay, ang magmahal at mahalin ng tapat. Walang labis, walang kulang.

Kinalma ko muna ang aking sarili bago sinulyapan si Sam na nanatiling nakatayo kung saan ko sya iniwanan. Napakapit ako ng mahigpit sa manibela bago pinaandar ang kotse palayo.

"Grace.." masayang bigkas ni Jean pagkalabas ko ng sasakyan. Ganito ang ginagawa nya sa araw araw, matyaga syang naghihintay sakin kahit na ilang beses ko ng sinabi sakanya na tigilan na ako dahil wala ng pagasa ang relasyon namin. "Flowers for you!"

Gaya ng dati, tatanggihan ko nanaman ang binibigay nya sakin. Dahil kapag tinaggap ko ito baka bigyan nya pa ng kahulugan. "You know I can't accept it Jean," sinara ko ang pintuan ng kotse at naglakad na ako papunta sa pintuan ng bahay.

"How about dinner with me?" pangungulit ni Jean habang nakasunod sakin.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Jean. Sa dami ng iniisip ko bakit dumadagdag pa sya. "Jean.." buntong hininga ko. "I'm tired okay?"

Natahimik si Jean at pinagmasdang mabuti ang mukha ko. "What's wrong Grace?" sa tagal naming naging magkarelasyon ay kilalang kilala na ako ni Jean, alam nya kapag may dinaramdam ako o kung ano pa man. "Why you look so broken?"

Napaiwas ako ng tingin. "I'm not" binuksan ko ang pintuan ng bahay ko at pumasok kami sa loob. "Water? Coffee?"

"Only water." naupo si Jean sa couch at ipinatong ang dala nyang bulaklak sa lamesa. "Sobrang laki talaga ng bahay mo," kumuha ako ng malamig na tubig sa fridge. "Tapos ikaw lang ang nakatira."

"May problema ba sa bagay na yan?"

Ngumiti si Jean sakin nang ilapag ko ang baso ng tubig sa kanyang harapan. "Wala, walang problema. Anyway." biglang may kinuha si Jean sa dala nyang shoulder bag. "Kaya talaga ako pumunta dito ay para ibigay ang invitation ng Reunion ng Alumni natin bukas."

Naupo ako sa tabi ni Jean at kinuha ang dilaw na sobre na mukhang pinag-aksayahan ng pera. "Bukas agad?" tango lang ang sinagot ni Jean. "I'm not sure kung makakapunta ako. Marami pa akong trabaho."

"Grace.." awat ni Jean sabay sandal sa upuan. Hindi ko maitatanggi na mas lalong gumanda siya ngayon. "Give yourself a break from work at yung Alumni party natin minsan lang mangyayari!" nanlalaki ang mga mata ni Jean sa sobrang pagkumbinsi sakin. "Siguro naman interesado kang malaman kung anong nangyari sa mga kaibigan nating sina Pauline, Candice at Reese,"

"Reese and I are still talking," pagtatama ko. Pareho kasi kami ng field of work ni Reese kaya maliit lang ang mundo para samin, may mga pagkakataon na nagkakasabay kami sa isang conference.

The Undercover Heiress (lesbian)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora