Chapter Fifteen - Steamy Conversation

Start from the beginning
                                    

Tiningnan niya muna ito bago nagsalita. “She’s fourty-two but not-surprisingly looks ten years younger than her age. Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin ito nag-aasawa.”

“Bakit? Wala ba siyang manliligaw?”

“Iyan ang mystery dahil ang dami ngang manliligaw ni tita. Hanggang ngayon nga ay nakakatanggap parin ito ng mga flowers and chocolates!”

“Oh, wow. Pero… Bakit wala siyang pinapansin sa mga suitors niya?” Nakakunot-noong tanong nito.

“That’s the million dollar question dahil until now ay walang nakakasagot niyan.”

“Maybe she’s lesbian?”

Tiningnan niya ng matiim si Gabrielle sa passenger seat. She’s blushing. I like it when she blushes.

“I don’t think so. May naging boyfriend naman siya noon, when I was still in highschool. But when I moved to the states to finish my studies, pagbalik ko dito sa Pilipinas ay nalaman ko nalang na wala na sila ni Graham. Nalilito nga ako eh, they we’re so in love back then. Nagtanan pa nga sila noon tapos bigla nalang silang naghiwalay.”

“Did you ask her about it?” Curious na tanong nito. He can feel that Gabrielle cares for his aunt kahit na kanina palang ang mga ito nagkakilala. “Yeah. She gets emotional when I ask her about him. So I think its wise to just stay away from the topic.”

Tumango-tango ito at hindi na muli nagsalita hanggang sa pagpasok nila ng subdivision. “Greg? Where’s my car?”

“It’s in the garage. Pinaayos namin kanina sa mekaniko.”

“Uhmm… May nakita ka bang libro doon?” Mahinang tanong nito.

A Deal is a DealWhere stories live. Discover now