Wizard's Tale 1: Chapter 28

Start from the beginning
                                    

"Prince Dustin?" Anong ginagawa niya dito? Ililigtas ba niya ako sa kadaldalan ng best friend niyang si Elysse?

"Hi Alyanna! Can I talk to you for a sec?" My prince talaga! Ililigtas nga niya ako!

"Sure! Ano yun?"

"Hey! Go outside kung mag-uusap kayo tungkol sa inyong dalawa. I don't want to hear whatever it is that you want to talk about."

"Ang sungit mo naman Elysse."

"This won't take too long Elysse. Hiramin ko lang sandali si Alyanna."

"Yeah, whatever! Just go."

"Okay!" Excited naman daw ako pero...

"Buti pa ang iba dyan, ayos na ang lovelife." Nagparinig pa saakin si Elysse at may kasabay pang irap. Nilingon ko siya pero, "Ano pang hinihintay mo? Puntahan mo na! Bilisan niyo lang mag-usap at wala akong kasama dito!"

"Oo na!"

Nasa labas na kami ng classroom at sinulit na namin ang oras namin ni Dustin. Sandali lang 'to dahil baka mainip si prinsesang maldita dun sa loob.

"Napadalaw ka uli dito sa building namin?" Pa-demure pa ako kunwari pero deep inside, ang landi ko lang talaga!

After kasing mag-confess ni Prince Dustin saakin, madalas ko na rin siyang nakakasama.

"I brought you these chocolates imported from Switzerland." At sa tuwing magkikita kami ng prinsipe ko, lagi niya akong binibigyan ng gifts! Ganito daw kasi yung ano—panliligaw! Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Ang dami naman nyan." Nahihiya akong tanggapin! Imported daw eh! "Hindi ka na dapat nag-abala."

"My mom also wants you to have that. Para daw sa first girl na nililigawan ko."

"Sinabi mo na sa mommy mo na nililigawan mo ako?"

"Oo naman!"

Namula lang ako. Nakakahiya kasi! Nakakahiya dahil ang yaman nila tapos ako, isang hamak na housekeeper lang. Katulong for short! "Nakakahiya kasi—"

"Bakit ka mahihiya eh ikaw ang gusto ko?" Parang mas lalo akong namula sa sinabi niya. Na-touch at kinilig ng sobra! "My family are going to support me in whatever decision I make, especially with the girl that I'm going to choose. Hindi ka dapat mahiya kung iniisip mo na magkaiba tayo ng status. What's important is that you're the most wonderful person I've ever met kaya kita nagustuhan."

"I—I don't know what to say."

"You can say 'yes' para tayo na."

Natawa ako bigla. "Sabi mo hindi ka marunong mag-joke!"

"That wasn't a joke."

Napatakip ako ng bibig. Seryoso siya! Kilig overload na talaga 'to!

Nakaka-overwhelm lalo na at galing ang mga matatamis na salitang yun kay Prince Dustin! I bet mas matamis pa yun kaysa dito sa chocolates!

"But I'm in no rush, Alyanna. You can take your time."

Napangiti naman ako. "Thanks Prince Dustin! Thanks for being so nice—and thanks for the chocolates!"

Nagkatitigan lang kami, pagkatapos ay nagtawanan.

"You're welcome. But there's one more thing."

"Ano yun?"

"Is it okay if I invite you for dinner this coming Saturday?"

Dinner? "Pero may trabaho ako sa gabi, di ba?" Pinagsisilbihan ko nun si Brylle.

"Si Brylle ba?" Kuhang-kuha niya! "Kung magpapaalam ba ako sa kanya at pumayag siya, pwede ka na ba?"

"Magpapaalam ka sa kanya?" Nanlaki lang ang mga mata ko. Seryoso ba siya? Oo. Mukhang seryoso nga siya! "Parang hindi yata magandang idea yan."

"Ako naman ang magpapaalam sa kanya. Basta kapag pumayag siya, tuloy tayo ha."

Wala na lang akong nagawa kundi um-oo. Napaisip tuloy ako, papayag nga kaya si Brylle?

"I can give you a happier ending."

Eh bakit biglang nasingit na naman ang linyang yun?

"Okay Prince Dustin. May iba ka pa bang sasabihin?"

"That's just it!"

"Pwede na akong bumalik sa room?"

"Oh yeah! Si Elysse nga pala, naghihintay."

"Tama!" Alam na alam nga ni Prince Dustin! "Babalik na ako dun at baka naiinip na yung prinsesa." Natawa naman siya sa joke ko. "Thanks uli dito sa chocolates ha!"

"Okay." Babalik na nga sana ako sa loob ng room pero pinigilan pa niya ako. Nagulat ako dahil yumuko siya para halikan ako sa pisngi. Mulat lang ang mga mata ko habang obvious naman sa mukha niya ang hiya. Pero nakangiti siya at napaka-cute lang talaga! "Bye! Till next time." At umalis na siya agad.

Nung ako na lang mag-isa, para akong pusang hindi mapakali sa kilig! Yakap-yakap ko yung chocolates habang parang timang na umiikot-ikot!

Pero nasagi uli sa isip ko yung pag-aaya niya ng dinner at yung plano niyang pagpapaalam kay Brylle. Pero ayoko na munang isipin yun. I-enjoy ko na lang muna itong chocolates at yung kiss sa pisngi! Ayiieeeh!


* * *


Pumasok na uli ako sa room kung saan kami nakatambay ni Elysse. Kaso, nakaramdam ako ng kakaiba pagbukas ko pa lang sa pinto.

Lalo akong kinabahan nang pumasok na ako sa loob at makita kong may kung anong nilalang na anyong itim na usok ang nakapalibot ngayon kay Elysse. Tahimik lang ako at walang ginawang kahit na anong ingay.

Natigilan na din kasi ako nang makita ko yun. Hindi ko alam ang gagawin ko, ni hindi ako nakasigaw. Wala pang malay si Elysse kaya hindi ko masiguro kung anong ginagawa ng itim na usok na yun sa kanya.

Nang sa wakas ay makaipon na ako ng lakas ng loob, nagawa ko na ring magsalita. "Elysse... Elysse!" Tinawag ko siya para gisingin.

Pero dahil sa ginawa ko, nalipat ang atensyon ng nilalang saakin. Napaatras ako dahil mabilis na lumipad ang nilalang papunta saakin para atakihin ako.

Sa takot ko, isang tao lang ang naisip kong tawagin para hingian ng tulong. "Brylle..."

Matagal akong nakapikit nun. Hinihintay ko kung ano nang mangyayari. Pero sa pagmulat ko, may kung anong barrier na pala ang nakapalibot saakin kaya hindi ako malapitan ng itim na nilalang.

Wala si Brylle sa paligid kaya sinong may gawa nung barrier?

Saka ko lang na-realize na nanggagaling pala ito sa liwanang ng Lux Amulet na suot ko. Pinoprotektahan ako ng amulet na galing sa White Light Clan!

Ilang sandali pa, hindi na kinaya ng itim na nilalang ang liwanag na galing sa amulet kaya kusa na itong umalis. Pero bago ito lumisan, umatungal muna ito ng napakalakas saka na siya naglaho sa paningin ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala pero pagkaalis ng nilalang na yun, saka lang rin nagkamalay si Elysse.

"Elysse!" Paglapit ko sa kanya, "Okay ka lang?"

"Why? What happened?" Wala siyang maalala? Pero bakit parang nanghihina siya, "I think I fell asleep while waiting."

Hindi ko makwento sa kanya ang buong pangyayari dahil alam kong hindi siya maniniwala. Baka nga mag-hysterical pa siya!

Pero ano nga kayang klaseng nilalang yun at ano talaga ang ginawa niya kay Elysse? At bakit sa dinami-dami ng tao, si Elysse pa ang tinarget ng nilalang na yun?

Naguguluhan ako pero isang tao lang ang makakasagot sa mga tanong ko. Si Brylle! Kailangan niyang malaman ang nangyari ngayon!



Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Where stories live. Discover now