Chapter IX: Cruise Ship

21 0 2
                                    

HYUNGMIN'S POV

Nakasilip ako sa may pinto nang makita ko yung tatlong estudyante.

Halata mong nag-aaral pa sila. Natural kasi nakasuot nga ng uniform.

Eh anong ginagawa ng mga istudyanteng 'to dito sa ship?

Kaya kumatok ako para malaman.

*Knock Knock*

Nang nakita ko nang papalapit yung isang estudyanteng lalaki, bigla na lang akong nakaramdam ng kaba at hindi takot. Alam ko namang mas matanda ako kaysa sa kanila ng siguro about one year, pero bakit ganito yung naramdaman ko? O nahihiya lang siguro akong makipag-usap?

Kaya napagpasyahan kong magtago na lang doon sa may upuan kung saan hindi naman ako masyadong kita.

Tumingin sya sa kaliwa't kanan pero wala syang nakitang sinuman.

Siguro nagtataka na yun na wala naman syang ibang taong nakita pero bakit may kumatok?

After a few minutes while I'm staying at the corner, nakita ko namang lumabas yung isa namang lalaki na kasama nila.

So, kaysa tumunganga na lang ako at walang gawin, sinundan ko sya —dahan-dahan ko syang sinundan upang hindi nya ako mahalata.

At dinala ako nito sa kitchen.

Nasa may pinto ako, nakita ko syang lumapit sa refrigerator binuksan nya ito at kumuha sya ng pagkain.

Pagkatapos ay umupo sya sa ibabaw ng lamesa.

Nakita na nga nya yung upuan, hindi pa doon umupo. Ano pang sense nung upuan sa tabi ng lamesa?

Wala naman akong pakialam sa kanya, pero sa pagkain oo.

Sabagay, kaya ko nga sya sinusundan kasi may pakay ako.

Hindi ko namalay habang nakatingin ako doon sa pagkain, tumulo na pala yung laway ko sa sahig. Pero ngayon lang 'to nangyaring tumulo yung laway ko, promise ngayon lang talaga. Sarap kasi at gutom na rin talaga ako.

Makita ko lang syang busog, gutom na ako.

"Hala! Tapos na syang kumain."

Kaya nagtago na naman ako kasi baka nga may makakita sa akin—especially, SYA.

Paglabas nya ng kitchen, pagtapak na pagtapak nya sa kinatatayuan ko kanina, bigla syang nadulas.

Pagkabagsak nya sa sahig, nalaglag at natapon yung dala nyang pagkain.

"Ay! Sayang! Pwede pa 'to" narinig ko sabay dampot at kinain nya, then sinubo nya yung kanyang daliri.

Nakakatawa talaga yung expression ng mukha nya. "Parang may kakaiba yata sa lasa, hindi naman ganito ito kanina!" dagdag pa nya.

Papaano ba naman, nahulog yung pagkain sa mismong pinagtuluan nung aking LAWAY.

Yuck talaga!

Bakit? Masama ba yung lasa nung laway ko?

*Gulp*

Hindi naman ah. Ang huli ko lang namang kinain ay yung popcorn.

Hindi nya siguro Favorite yung popcorn.

Ito talaga! Ang arte!

Pagkatapos nyang madulas, hindi na sya tumayo at natulog na sya.

Joke lang!

Syempre tumayo na sya, alangan namang mag-stay pa sya ng ilang minuto diba?

Pero hindi pa rin nagbabago ang plano.

To The World Of Logical Past  ||  [Ongoing]Where stories live. Discover now