Chapter VIII: The Start

16 0 0
                                    

Third Person's POV

Dumating na ang araw na hinihintay ng barkada.

Syempre, maaga silang nagising upang kumilos— around 4:30am - 6:00am.

Masaya at excited silang nagprepare para sa feeling like adventure nilang pagdiscover sa Wonder of Nature and Hiden Secrets of South Korea.

"Ano Guys? Ayos na ba ang lahat?" tanong ni Hyung. "Ready na?"

"So, c'mon. Let's go!" tugon ni Taehan.

Pero may problema...

"Wait lang!!!" di-mapakaling sambit ni Jinhyung.

"Bakit? May problema ba?" pagtatanong uli ni Hyungmin.

"Nawawala...di ko makita..."

"Ang alin naman? Ang arte mo Jinhyung!" ani ni Yohan sabay upo sa lamesa.

(Biglang may tumunog *crack*)

"Ano kaya yun?" tanong ni Yohan sabay napatingin sa kinauupuan.

Napaluhod si Jinhyung. "Y-y-yung S-s-salamin k-ko."

"Sorry Guys! I think hindi ako makakasama sa inyo sa trip natin. Hindi ako makakaalis kung wala yung kaisa-isa at natatangi kong salamin. Hindi na ako magugustuhan ng mga girls dahil hindi na ako mukhang serious and smart." pagbubuntong-hininga nya.

Ganon? Hindi matutuloy ang adventure dahil sa isang cheap and fake na salamin?

Para makasama lang si Jinhyung, nagpresinta si Taehan na bibilhan nya si Jinhyung ng bagong salamin, syempre yung walang grado at original.

Agad naman itong pumayag, kaso parang napasobra naman yata...

"Oo nga pala, kulang yung pera ko pambili ng bagong sapatos, saka...kaawa na ako dahil...sira at luma na rin ito. Wala naman akong gagamitin sa pag-alis natin. Anong isusuot ko?" dagdag ni Jinhyung.

"Huwag kang mag-alala, kahit nakayapak sa daan, okay lang yon. Walang nagbabawal." tugon ni Yohan.

"HINDI! Hindi na lang ako sasama! Okay lang yon. Sige, kayo na lang. Matutulog na lang ako dito hanggang sa dumating kayo. Kaysa naman magkadumi yung paa ko."

"Talaga? Hindi ka talaga sasama sa amin? Kahit sabihin pang ibibili ka ng bagong sapatos at original— yung pinakamahal?" sabat naman ni Yuki.

Nabuhayan ng loob si Jinhyung kung kaya't napatayo siya sa kanyang kinauupuan.

"Talaga!? Ibibili mo ako ng bagong sapatos, yung bagong labas ngayon?"

"Of course!....not! Ang mahal-mahal kaya non! Dahh! Ibibili ka ni Taehan! Diba Taehan? Hoy! Taehan! Diba ibibili mo sya?" sambit ni Yuki.

"Uuhhmmm.... I think..... B-but.....

Y-yeah! Y-yes! I will, I can buy."

"Hay grabe! Ambait mo talaga Taehan! Salamat!" sambit ni Jinhyung sabay yakap kay Taehan.

"Oh! Anong pang hinihintay natin? Tara na Guys! Alis na tayo, at marami pa tayong pupuntahan!" dagdag pa ni Jinhyung habang nangunguna palabas ng gate dala ang kanyang mga gamit.

Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas ay nakarating na sila sa Mall.

Inumpisahan na nilang mamili ng iba nilang mga gamit at mga kailangan— especially yung kay Jinhyung.

Isang oras lang mayroon sila upang mamili ng bibilhin nila. Depende na sa kanila kung madami ang kukunin nila. At siguro naman, ay hindi gaanong makapal ang kanilang mukha kung madami nga, kasi si Taehan ang magbabayad ng halos lahat sa mga kukunin nila.

To The World Of Logical Past  ||  [Ongoing]Where stories live. Discover now