Chapter I: Hyungmin's Grandmother

110 2 0
                                    

Hyungmin's POV

Ok...

1...
2...
3... Smile!!!

Kinukuhanan ko ng litrato ang apat kong mga kaibigang sina Jinhyung, Sanna kasama sina Yohan at Yuki na naggraduate kanina, nang lumapit sa akin si Teacher Annah Han (Councilor ng University of Hanhwong) at kinausap ako sandali.

"Mr. Park, Thank you for accepting our invitation to become speaker for this Graduation Day...Hindi talaga kumukupas ang talino mo even in this situation bilang isang speaker para sa Graduation ng mga kaibigan mong sina Yohan Hwang And Yuki Kurosawa for supporting them...
Hindi rin magiging matagumpay ang programang ito kung hindi din dahil sa'yo." ang sabi ni Teacher Han sa akin.

"Teacher Han masyado naman po kayong pormal sa akin, pero Salamat na rin po sa inyo . Hindi rin naman po ako magiging Top #1 noon nakaraang taon sa Graduation namin kung hindi rin naman dahil sa inyo." agad kong tugon sa kanya.

"Kaya nga ikaw yung kinuha namin para magbigay ng speech, dahil alam kong ikaw ang pinakamatalinong istudyanteng nag graduate rito noong batch nyo sa Unibersidad na'to, noong nakaraang taon." dagdag pa nya.

Pero nagtaka ako noong sinabi nya yun sa akin kaya nagtanong ako sa kanya.
"Matanong ko nga lang po pala, Eh bakit po sa lahat ng mga matatalinong naging istudyante rito, eh ako pa po yung napili nyong magbigay ng speech?"

"Ah..eh..kasi..." sagot nya sa akin, sabay tulo ng sipon nya, ay luha pala yun.

"Teacher Han bakit po, may nasabi po ba akong masama..?" tanong ko sa kanya.

"Ah, wala naman. Naalala ko lang ang kaisa-isa kong anak, na siguro, ngayon ay kasing tanda at kasing gwapo mo na rin." sagot nya sa akin.

"Bakit po? Siguro? Kasing tanda at gwapo ko? Ano pong nangyari sa anak nyo?" muli akong nagtanong sa kanya. Pero hindi nya ito direktang sinagot, sabay pagdating naman ni Yohan habang kumakaripas ng takbo papalapit sa akin na para bang hinahabol ng anim at kalahating kabayo (six horses and one baby horse) sa madaling salita, seven horses lahat, habang sumisigaw ng:
"Hyungmin...Hyungmin...!!! Si Auntie Jing..!!!"

Kaya agad akong nagpaalam kay Teacher Han at kaagad na tumakbo ako kay Yohan, buti na lang at hindi kami nagkabungguan.

"Bakit...Bakit Yohan...anong nangyari kay Lola ha...sagutin mo ako...anong nangyari kay Lola...???" takba(TAKot + kaBA) akong nagtanong sa kanya. Yung feeling na hindi ako makahinga noong............ naamoy ko si Yohan na parang hindi sya naligo kahit naligo naman sya.

"H-Hin..nahanap ka kasi ni Auntie...?" pabiro nyang sagot sa akin.

Para akong nabunutan ng tinik ng rosas("tinik rosas" para sosyal) sa dibdib ko nang marinig ko na hinahanap lang pala ako ni Lola, akala ko kasi kung ano nang nangyari na eh.

"Ikaw naman...Di ka naman mabiro..." nagtatawang sabi sa akin ni Yohan.

Sa totoo lang, si Mrs. Jing Park, hindi naman talaga kaano-ano nina Yohan, Jinhyung, Sanna at Yuki ang Lola ko. Pero nakakatuwang isipin na Auntie ang tawag at turing nila dito.

Mahalaga sa akin si Lola, kasi sya ang nag-aruga, nag-alaga at nagpaaral sa akin, at higit sa lahat, sya ang nagsilbi bilang isang Ina sa loob ng maraming taon simula pa noong sanggol ako. Namatay daw kasi si Mommy sa isang kotse aksidente (Car Accident). Yun ang sabi sa akin ni Lola tungkol kay Mommy, pero kay Pappy este Daddy, ang tangi ko lang alam ay namatay din sya dahil sa isang kotse aksidente (Car Accident), at ang masakit pa nito, si Mommy at si Daddy pala ang nagkabanggaan. Oohh...Ang hirap talaga tanggapin, ang hirap talaga magmove-on...

Tinanong ko kay Yohan kung nasaan si Lola, nakaupo lang pala at nagseselfie sa bago nyang phone na iniregalo ko sa kanya noong anniversary nila ni Lolo.

To The World Of Logical Past  ||  [Ongoing]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें