CHAPTER 15

36 1 0
                                    

*KNOCK KNOCK*

"AJ!!!"

aish. ano ba yan. natutulog ang tao eh.

"AJ!!! ANO BANG GINAGAWA MO?!" sa boses pa lang halatang kay Faye na yun. tuloy lang siya sa pagtawag sa pangalan ko sabay katok. sa sobrang inis ko tumayo ako at pinagbukas siya.

hindi pa nga ata ako nakakatanggal ng muta bigla na lang niya ako hinila. ay leche. "Faye!" sigaw ko sa may tenga niya kaya naman agad niya akong binitawan.

malapit na pala kame sa may hagdan. inayos ko muna sarili ko bago ko siya kinausap ulit. "bakit na naman ba Faye?"

"HELLO!!!" sumigaw siya sa tenga ko. pinikit ko mga mata ko sa sobrang sakit. "tingnan mo nga oh. GABI NA AJ! GABI NA!!!" tinuro niya ang isang nakabukas na bintana. madilim na nga. siguro mga around 7pm na. bigla na lang niya ako ulit hinawakan sa kamay at saka kame bumaba sa may dining area kung saan andun na sila lahat nakaupo.

nagkatitigan kame ni Dane, tinasaan ko lang siya ng kilay saka ko hinanap si Troy. teka, ba't siya ang unang hinanap ng mga mata ko? like i care naman sa kanya. matapos niya akong sigawan, pero nakita ko na siya nakaupo sa may dulo, sa may right niya si Rose tapos katabi naman ni Rose yung boyfriend niya. nagkatitigan rin kame, this time galit pa rin ang mga mata niya.

so what kung galit pa rin siya sa akin. bahala na nga siya sa buhay niya. pinaupo na ako ni Faye. at ang mas nakakatuwa pa, magkaharap kame ni Troy. buti nga hindi kame magkaharap o magkatabi ni Dane, baka nasukan ko na siya, hindi pa ako nakakasimula sa pagkain.

tahimik lang ako kung kumain, wala talaga akong ganang kumain. lahat sila nagtatawanan, nagkwekwentuhan, habang kame naman ni Troy, tahimik lang. i dared not to make eye contact with this guy, baka kasi masunog lang ako. galit na naman eh.

"Troy, ito oh." rinig kong sabi ni Rose sa kanya. kita ko lang ang mga kamay nila, may pinasang pagkain si Rose sa kanya at sandali pang nagkatama yung mga kamay nila.

"salamat." sabi naman niya at kahit hindi ko tanaw ang mga itsura nilang nakakasuka, nakikita ko na nilapit pa ng Troy na 'to ang mukha niya. naglalandi sa harap ng pagkain? naku, sarap talaga tanggalan ng buhok ang ulo niya.

"ahm, ano---" medyo hiyang sabi ni Rose. yung iba, mukhang hindi nila napapansin ang dalawang 'to kasi masyado silang abala sa ibang bagay. i heard they were cornering Dane. ito naman si Faye at Kyle parang may sariling mundo rin. naghaharutan, ay naku. tapos itong dalawa sa harap ko, naglalambingan. wala na bang mas masagwa pa sa view na nakikita ko ngayon?

"oo naman. walang problema. haha. tuturuan kita." tuturuan? ano? nang-iinis ba talaga 'to? pagdating sa iba, masaya siya, ba't sa akin galit? ang unfair naman niya.

"talaga?" manghang tanong ni Rose at may kasama pa yun hawak sa kamay niya. as in parang hindi niya nakikita na kaharap niya ang GIRLFRIEND ng lalaking hinahawakan niya sa kamay.

BWISET! i cleaned myself and stood up leaving them all shocked. lahat na ng mata nakatingin sa akin. "tapos na ako. excuse me."

"teka, wala pa ang dessert AJ." rinig kong sabi ni Kyle.

tiningnan ko lang siya saka ngumiti ng napakapeke, then i turned my head to Troy. still smiling fakely. "baka masukahan ko lang yun sa kaharap ko Kyle eh." after nun umalis na ako, umakyat sa taas, pero hindi ako dumiretso sa kwarto namin. instead i found myself sa may veranda.

kailangan ko ng hangin. umupo ako sa mga upuan and tried to relax. pero it's no use. masyado akong naiinis sa Troy na yun. hindi man lang niya inisip na nasa harapan niya ako. sarap talaga ihagis sa mukha niya ang mga platong nakahilera sa lamesa para mabasag na ang gwapo niyang mukha. leche!

BREAKING MY PROMISE FOR HIM [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon