CHAPTER 16

24 1 0
                                    

paggising ko ng umaga, HANGOVER ang bumungad sa akin. ang tindi ng sakit na dulot ng pag-inom ko kagabi. grabe, dagdagan mo pa yung sigawan namin at yung. . .

>//////////////////<

teka, umagang-umaga yun agad naisip ko. leche lang.

"ayos ka lang?" tanong sa akin ni Faye, nakita niya na hinawakan ko ang temples ko. "sige, mamaya uminom ka pa ha?" ang tono ng boses niya parang ang saya-saya niya. pinilit ko siyang tingnan ng masama pero sa sobrang sakit hindi ko na nagawa.

*KNOCK KNOCK*

"sino yan?" tanong ni Faye, hindi niya pa binubukas kasi nagpapalit pa siya ng damit. tumayo na rin ako at naisipang maligo na lang muna. hindi ko na narinig kung sino ba yun kasi pumasok na ako agad sa CR at naligo.

after an hour, okay 30mins. na lang, natapos na rin akong maligo, nagsimulang magbihis, yung suot ko naka-one piece ako ngayon color white tapos nag-short shorts lang ako saka nag-shawl. bumaba na ako para kumain ng almusal kasama sila. pagtingin ko sa dining area, wala naman sila. then lumabas ako at nakita nasa cottage sila, dun pala ang almusal. hindi man lang ako sinabihan. ay naku.

"kain na tayo Alliah." aya sa akin ni Faye habang kumuha siya ng pagkain sa lamesa. nakatayo lang muna ako sa labas ng cottage, inoobserbahan sila.

si Mike pati ang girlfriend niyang si Claire, nagsusubuan. how sweet naman. i rolled my eyes and found Blake and Mia eating while they're happily talking about something. now that is sweet. si Kyle naman nakaupo na at kumakain while Faye is still busy choosing what food to eat. Wala si Rose and Dane, bakit kaya? Hmmm. . . baka naman. . .

ay tae! ba't yun ang naisip ko. leche. i shook my head in disgust then nagulat na lang ako ng may platong punung-puno ng pagkain sa harap ko. pag-angat ko si Troy. nakaramdam na naman ako ng kaba sa puso ko. sh*t lang.

then lahat ng mata nasa amin na. yung mga mukha nila, sarap talaga ilunod sa pool eh. punuin ang mga bunganga nila ng tubig hanggang sa hindi na nila makayanan. nababasa ko ang nasa isip nila, ang sabi pa: uy, bati na sila.

which is so ugh! pero kinuha ko na lang yun saka ko nginitian si Troy. hindi ko masasabing peke yun. it was just a flat smile that never reached my eyes. pagpasok ko ng cottage, lahat sila dumikit sa isa't isa, halatang nananadya na ipatabi kame ni Troy. eh sa wala ako sa mood, tinabihan ko na lang siya. i looked at my plate again.

"hindi ko 'to mauubos." sabi ko sa kanya. he looked at me then at my plate then back to his plate.

"ubusin mo yan. wala kang kinain kagabi." wala ba? meron naman eh. paiba-iba rin siya ng mood eh. hindi ko siya maintindihan. hindi ko na lang siya sinagot saka ako kumain. pero parang wala akong gana, kaya naman hindi umabot sa kalahating pinggan ang naubos ko.

"Faye, water nga." sabi ko sa kanya, ewan ko, bigla na lang ako nahilo. masakit pa rin talaga ang ulo ko. lecheng hangover 'to.

kukuha na sana si Faye nang may binigay na si Troy sa akin. kinuha ko na lang yun saka ininom. i handed him back the glass of water na parang hindi naman nabawasan.

"okay ka lang?" rinig kong tanong ni Troy sa akin. tumango lang ako sa kanya pero hindi siya tinitingnan kasi yung pesteng puso ko ayaw nang tumigil, parang gusto na talaga tumalon papunta sa kanya. "totoo?" he sounded a bit more concern. tumango lang ulit ako.

wala talaga ako sa kondisyon ngayon. ang sama ng pakiramdam ko. tae. siniguro ko muna na hindi na ako nahihilo pagkatapos ay tumayo ako. "CR lang ako." paalam ko sa kanila. habang papunta ako sa kwarto namin, nagsimula na naman akong mahilo. mabuti na lang at nakapasok na ako sa kwarto bago ako tuluyang bumagsak sa kama ko.

BREAKING MY PROMISE FOR HIM [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon