Habang busy ako sa pagtitig sa mukha niya na cute na cute ako sa inaasal niya ngayon ay bahagya akong napangiti. 

"Wag na nga lang! Tss."

Pikon talaga. Hahaha. 

"Mago-oo na sana ako kaso ayaw mo ata."

"Edi wag!"

"Nakakainis ka na ah. Ikaw na nga itong nagyayaya ikaw pa galit? Pwede namang magsabi ah? Kainis! Ewan sa'yo! Maglakad ka na nga lang mag-isa."

"Talaga!" 

Sinara ko ang pinto. Aga-aga, nakakainis. 

"Hoy Kane, aga-aga busangot ka dyan. Hindi ka naman ganyan ah." she paused. "Maliban nalang kung meron ka." 

Pumunta ako agad ng CR at chineck. Tss. Meron nga. Madalas naman akong pasensyoso, kaya pala ang bilis uminit ng ulo ko. That's why.

Really, guys should be aware. Never mess up with a girl with PMS. 

Mabuti nalang at may baon ako. Agad akong nag-ayos ulit. 

"Kane, magpapahangin lang ako sa labas."

"Sige. Dito lang ako. Sumasakit na rin ang puson ko." 

An hour passed and I heard someone knocking. Naman si Karen alam na ngang kapag nagkakaroon ako ay sobrang sumaskait ang puson ko sa unang araw. Dapat nagdala nalang siya ng susi. 

I opened the door. Pero half way lang kasi agad akong tumalikod, tumakbo at tumalon sa kama dahil sobrang sakit na talaga. 

"Ahhhhh. Karen! Bilhan mo akong gamot, ang sakit na."

"T-teka. A-anong nangyayari?" natatarantang tanong ng isang pamilyar na boses.

"Mico? Anong ginagawa mo dito? Ahhh- Aray." daing ko sa sobrang sakit ng puson ko.

"Wait. I'll buy some medicines." 

Agad siyang tumakbo. After fifteen minutes siguro bumalik na siya.

"Hindi ko alam ang gamot na kailangan mo. Pumili ka nalang dito sa binili ko." 

Binuhos niya lahat ng gamot. I immediately check those meds. Paracetamol, loperamide diatabs, kremil-s, creamalin, ganogest, fern-c, lomotil, at kung anu-ano pa. Sh*t may tinatago palang kat*ngahan itong si Mico.

Naramdaman ko nanaman ang sakit sa bandang puson ko. Hindi ko kayang tiisin dahil pakiramdam ko kapag napapasigaw ako ay nababawasan ang sakit nito. 

"Ahhhhhh. Ang sakit. Ang t*nga mo Mico." daing ko dito.

"Kasalanan mo rin naman kasi. Dapat sinabi mo kung ano bang gamot ang bibilhin ko. Sh*t."

"Makatakbo ka naman kasi. Dapat nagtanong ka manlang!"

"Nataranta ako!"

"Kahit na! Kasalanan mo pa rin!"

"Ako na nga ang nag magandang loob kasalanan ko pa rin? Ewan sa'yo! Hindi ko talaga kayo naiintindan. Kayong mga babae ang hirap niyong ispellengin. Lintek." 

"Oh? Anong nangyayari sa inyong dalawa? Nawala lang ako saglit nagsisigawan na kayo."

"Eh kasi tingnan mo ang mga binili niyang gamot! Ahh nakakainis!"

"Oh Kane, nakabili akong buscopan at alam kong sasakit yan. 'Wag mo ngang sungitan si Mico, nagmagandang loob nga lang yung tao eh." 

Agad kong kinuha at ininom. Mabuti at may baso ng tubig dito sa tabi ko. 

Napansin kong tumalikod na si Mico at bahagyang palabas na. Magsosorry nalang siguro ako.

"Mico." 

"Ano?!"

Galit? Siya pa ang galit? Inuubos niya talaga ang pasensya ko. Nakakainis. 

"Wala! Bilisan mong umalis. Bw*sit. Nakakainis ka! Ewan sa'yo! G*go. Ikaw pa ang galit? Magsosorry na nga sana ako. Badtrip ka."

"Sinabi ko bang kailangan ko ng sorry mo?"

"Bakit kailangan pa bang sabihin yun? Ang sorry kusang sinasabi hindi dinidikta!"

"Edi magsorry ka!"

"Edi SORRY!"

"Para saan pala yang sorry mo? Nung nakipagbreak ka ng dahil nakulangan ka sa atensyon ko? Narealize mo na na ang babaw ng dahilan mo para makipaghiwalay sa akin noon?"

"Bakit ikaw, ayaw mo bang magsorry sa pag-iwas mo sa akin nung panahong gusto kong makipag-ayos at kausapin ka? Hindi ba at kababawan din yun?!"

"Nice, may libreng drama pala ngayon dito at live pa. Oh? Tuloy niyo lang. It's very entertaining. Hehe. Uhhh. Joke?"

"SHUT UP!" Mico and I shouted in unison. 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon