"PUTANG-INA!!!" malakas na sigaw niya kaya nabitiwan niya yung isa ko pang kamay. Napaupo siya habang hawak yung gilid ng ulo niya kung saan tumama yung batong hawak ko.

"Oooooh! Fierce talaga!" sabi nung Bruce habang nakangisi na pinapanood kami. Katabi na niyang nakasandal sa dingding yung Jonas.

"TANG-INA MO, KATIE! You're going to pay for this! Kayong dalawang gago! Bakit hindi n'yo ko tinutulungan dito? Get this fūcking woman out of my sight and bring her back to her room now!"

"Wala kaming pakialam diyan, Trev. Ang kabilin-bilinan sa amin ng kuya mo, never lay a hand on the Monteverde princess," sabi nung Jonas. 

"Tangina, Trev, babae lang yan oh! Ang weak mo talaga eh!" sabi nung Bruce saka tumawa nang tumawa.

Tumayo si Ethan o si Trevor o kung sino man siya na demonyo na kampon ni Satanas. He grabbed my hands tightly again kaya nabitiwan ko yung hawak kong bato at napaaray siya nang sa paa niya iyon tumama.

Now it was my turn to smirk at him. "Ang bilis ng karma!" sabi ko at lalo pang natawa nang malakas yung Bruce.

Ethan gripped my wrists even tighter. Halos mapangiwi na ako sa sakit pero pinigilan ko. I didn't want him to enjoy seeing me hurting and looking like a helpless infant. "Walanghiya ka, Katie! Tatahi-tahimik ka lang pala pero may itinatago ka ring kamalditahan!"

"Well, if that's the case, then hindi mo pa pala 'ko lubusang kilala. That's what my dad taught us. Lumaban kapag inaagrabyado kami."

He suddenly cupped my face harshly and leaned his face closer to me. "Wala ka sa lugar para magmagaling dito sa lugar na 'to. Hawak ko ang buhay mo, Katheryne." Bigla siyang may itinutok na malamig na bagay sa sentido ko. I wasn't stupid not to realize that it was a gun. "Nakadepende sa akin kung mabubuhay ka o mamamatay. Kaya ayusin mo ang pakikitungo mo sa akin kung ayaw mong ibalik kita ng bangkay sa pamilya mo sa Pilipinas. Naiintindihan mo?"

Biglang naglaho yung imahe ng mabait at masiyahin na Ethan na boyfriend ng best friend kong si Rachelle sa isip ko. Napalitan iyon ng imahe ng isang demonyong si Trevor na kaharap ko ngayon.

He tightened his grasp on my face. "NAIINTINDIHAN MO?!!!"

I felt somebody suddenly grabbed the gun from his hand. "WHAT ON EARTH DO YOU THINK YOU'RE DOING, TREVOR?!" angrily asked by the thundering voice of someone from behind me.

The voice alone made me cringed in fear. Siya na yun. Yung kapatid ng Trevor na ito na leader nila. The mastermind behind my kidnapping.

"Ryder!" sabi nung Jonas at saka nung Bruce.

Ryder? Wala pa rin akong kilalang Ryder na kakilala ng pamilya ko.

"What the hell's happening here?!" matigas na tanong nung Ryder sa likod ko.

"Tangina, Kuya, hinampas niya 'ko ng matigas na bagay sa ulo ko! Būllshīt! I could feel it's already bleeding!" galit na galit na sabi nitong demonyong Trevor na ito habang lalo pang bumabaon sa magkabilang pisngi ko yung mga daliri niya.

Pinilit kong tanggalin yung kamay niya sa mukha ko. "You deserve that, āsshõle!" mahina pero mariin na sabi ko sa kanya. Itinulak ko siya bago malakas na sinampal. "AND THAT'S FOR FOOLING ME AND RACHELLE! DĀMN YOU!" naiiyak na sigaw ko.

"That's enough, young lady!" galit na sabi nung lalaki sa likuran ko sabay hablot sa braso ko palayo kay Ethan kaya napalingon ako rito.

Nanlaki na naman yung mga mata ko nang makilala ko yung lalaki na yun. That was him! The man I bumped with in NAIA. Yung pumulot at nag-abot sa akin ng plane ticket ko, gate pass, saka passport!

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now