Haha! Sumusumpong na naman yata ang pagiging narcissistic ng future Mrs. Toledo na ito. Totoo namang napakaganda niya pero hindi ko pa rin makuha kung bakit kailangan pa niyang buhatin parati ang sarili niyang bangko.

Hmmm. Makalabit nga nang kaunti ang ego nito...

"Sige na nga... May aaminin ako sa iyo pero huwag kang magseselos ha?"

Tiningnan lang niya ako na parang kinakabahan sa sasabihin ko.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

"Meron kasing inirereto sa akin si Mamang doon sa Ilocos. Si Elizabeth, 'yung kababata kong anak ng matalik niyang kaibigan."

"Kababata mo? Eh bakit hindi iyon ang niligawan mo? Hmp." Nanghahaba ang nguso niya, humalukipkip, sabay irap sa akin. Haha... Uy effective!

"Ang totoo, niligawan ko na 'yun...dati."

"Oh eh bakit hindi naging kayo?" Sumimangot siya at lalong umirap.

"Nagpunta siya sa abroad kasama ng Ate. Ayaw daw niya sa long distance relationship dahil ciento por ciento, hindi daw nagwo-work."

Tumayo siya, pumunta sa may study table at nagpanggap na may ginagawa. Hindi ko alam kung matatawa ako o magseseryoso. Halatang-halata kasing nagseselos siya. Hindi niya ako tinitingnan. Nagbubutingting siya ng kung anu-ano sa drawer. Inilabas niya mula roon ang mga gamit pero pagkatapos noo'y padabog na inilagay niya ulit ang mga iyon sa drawer at saka pabiglang isinara.

"Hindi ba ang sabi ko sa iyo huwag kang magseselos?" Pinipigilan ko ang pagbungisngis ko. Naaaliw kasi akong pagmasdan ang pagmamaktol niya.

"Baket? Sino bang may sabing nagseselos ako?" Nagpunta naman siya ngayon sa dresser at padabog na inilabas isa-isa ang mga damit niya para ibalik lang ulit kung saan niya kinuha.

Hahaha! My future wife is so adorable. Nakakaaliw siyang magselos. Cute.

"How is she like?" dugtong niya.

"She's alright." Sumulyap ako sa kanya. Hindi siya nakatingin. Kunwari ay meron pa rin siyang ginagawa, "Maganda, matangkad..." Sumulyap ulit ako though natatawa na talaga ako dahil lalong lumalala ang pagdadabog niya. "Maputi, mabait, MAHINHIN..." Sinadya ko talagang lakasan 'yung huli dala na rin ng curiosity ko kung ano ang magiging reaksyon niya.

Napansin ko agad na natigilan siya sandali at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagkakalkal ng kung anu-ano pati na rin ang kanyang pagdadabog.

"Ahhh...eh dream-girl-in-flesh mo naman pala eh. So kapag umuwi na pala siya, pwede na kayo ulit?!"

Nagkibit-balikat ako. Alam kong nakita niya 'yun dahil kita ko sa gilid ng aking kaliwang mata na napasulyap siya sa akin.

Lalo siyang nagdabog. Pati ang mga libro ko ay napagdiskitahan na rin niya.

Inipit ko ang mga labi ko para pigilan ang pagtawa. Ewan ko ba. Alam ko na ngang medyo sumasama na ang loob niya pero parang... Kinikilig kasi ako sa iniaasta niya.

"So kailan pala ang uwi ng little miss dream girl mo?"

Dream girl daw. Kung alam mo lang, Helga... Ikaw ang dream came true ko kaya't walang silbi 'yang pagseselos mo! (Laugh trip!)

"Umuwi siya kasabay ng Ate. Balak ko ngang dalawin siya sa kanila eh."

Pagkasabing-pagkasabi ko noon ay nilingon niya ako at tinitigan ng kanyang nanlalaking mga mata.

"O, bakit?" tanong ko na parang kunwari ay wala lang sa akin.

Thwug!

Tunog iyon ng throw pillow na ibinato niyang sumapol sa mukha ko sabay ambang magwo-walkout. Nahagip ko naman ang bewang niya bago siya makarating sa pinto kaya naman madali ko siyang nahila papalapit sa akin.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Where stories live. Discover now