Blind Act III

0 0 0
                                    

I'm your master

Kung sana, nakilala ko ng mas maaga si Kristoff...hindi ko na mararanasan ang hinagpit ng isang Eren Ceyanne.

Speaking of...

"Kristoff!" Kaway at tawag ko sa isang pamilyar na lalaki sa di kalayuan.

Kumaway din siya pabalik at umakmang lalapit sa akin. Kaya naman tinakbo ko ang medyo malayong distansya namin.

Bago pa ako makalapit sa kanya ay nadapa ako nang hindi inaasahan!

Sa kalagitnaan ng pagdaing ay ang paglapit ni Kristoff sa akin. Nakita ko siyang lumalapit sa gilid ng aking mata.

"Hanna? Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin Kristoff habang inaalalayan ako sa pagtayo.

You're too clumsy, Hanna.

Niyaya niya ako sa clinic para aniya ay magamot daw ang sugat ko. Nasugatan ako sa kanang tuhod.

Pagdating doon, agad siyang kumuha ng mga gagamitin para malinis at matakpan ang sugat ko. Lumuhod siya sa aking harapan habang ginagawa iyon.

"Thank you once again, Kristoff."

"I wouldn't do it for anyone but you." Aniya at nag-iwas ng tingin. Nakita kong pumula ang kanyang pisngi.

Bumaling ulit siya sa akin at tumayo galing sa pagkakaluhod.

"A-Ah. Are you free this Saturday?" Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Would you go somewhere with me?" Dagdag katanungan niya.

"Y-Yes I am free. Sure!" Nakangiti kong tugon. Ngumiti rin siya pabalik.

"I'm glad. Then meet me at the Bus station at 2:00?"

Tumango ako.

"Okay. May I have your digits?" Tanong niya at agad kong binigay ang number ko sa kanya.

Matapos niya ring ibigay ang kanyag number ay natigilan kami at ngumiti sa isa't isa.

Biglang bumukas ang pintuan ng clinic.

"Looks like you're having fun, Hanna."

Lumingon ako sa pintuan at nagulat sa nakita.

"E-Eren? What are you doing here?"

Matamis siyang ngumiti. He's at it again.

"Your friends said you were coming to the clinic so I was worried."

Margareth and Marina!?

Tinignan ko si Eren. He was looking straight to Kristoff.

"Th-This is Kristoff." Pakilala ko sa lalaking nasa gilid ko.

"He saved me." Ngiti ko.

"Oh? Well." ngumiti si Eren at hinarap si Kristoff.

"Thank you, for treating her skinned knee."

Nilingon ko si Kristoff at nagulat ako nang matalim niyang tinititigan si Eren. Tiningnan ko rin si Eren at nakitang ganoon din siya makatitig.

"Let's go, Hanna." Yaya ni Eren.

Napatalon ako sa gulat at sumunod. Bumaling ako sa aking likuran at mabilis na kinawayan ang nakangiti nang si Kristoff. I wonder, what's with them with Eren?

Pagkalabas ko ng clinic ay naabutan ko si Eren na naghihintay sa akin.

Nang naramdaman niya ang pagdating ko, nilingon niya ako at matalim na tinitigan. Nag-iwas ako ng tingin. Bakit?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Caught In Her Own TrapWhere stories live. Discover now