Caught in her own trap II

1 0 0
                                    

Like a Normal Dog

"Huh? This is your boyfriend?" Gulat na tanong ni Marina nang ipinakita ko ang picture na nakuha ko.

"No way. What a hottie." Tugon ni Margareth.

"I know right." Taas noo kong sabi.

"Oh?Lucky you." 

Muling tinitigan nina Margareth at Marina ang phone ko na may nakaflash na picture ng gwapo, matipuno at matangkad kong boyfriend. I am sure he is.

"This guy... pretty sure I've seen him somewhere before.." ani Marina na nakapagpagulat sa akin.

What!? It can't be. He's not model or an actor or celebrity, or a star, is he!? Pero hindi iyon imposible. He's gorgeous.

"Really? Where?" Takhang tanong ni Margareth.

"I forgot eh."

Bago pa sila makapagdagdag ng kung ano-anong konklusyon, agad kong hinablot ang aking phone mula sa kamay nila.

"Y-You're just imagining it! Kain na tayo!" Humalakhak ako ng may pag-aalinlangan. Baka mabuko ako. Mahirap na.

Hinila ko na si Margareth at Marina palabas ng classroom matapos kong itago ang phone ko sa loob ng aking bag.

Pagkarating sa canteen, agad kaming humanap ng pwesto para makainan. Nakahanap kami sa may bandang kanan. 

Bumili na kami ng kanya-kanyang pagkain at tahimik na sinimulan ito. Umupo ako sa harapan ng magkatabing si Marina at Margareth.

Nabasag lamang ang katahimikan ng nagsalita si Marina.

"Who was that guy again?"

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago sumagot.

"Marina, really? Enough about that."

"Can I have some of your chicken?" Tanong ni Margareth kay Marina at aambang kukuha ng fried chicken.

Tinapik naman ni Marina ang kamay ni Margareth.

Nagbalik kami sa pagkain at saglit na namayani ang katahimikan. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang nakapangalumbabang si Marina. Ano na naman ang iniisip nito!?

Muntikan ko nang mabuga ang kinakain ko. Nagulat kasi ako nang biglang tumili at pumalakpak si Marina.

"Ahh! The Class 12 prince!" Abot-langit na ngiting sambit niya.

"Prince?" Pag-uulit ko.

"You boyfriend! He's Eren Ceyanne from Class 12!" Pumapalakpak na tugon ni Marina.

Nag-angat ako ng tingin sa natigilang lalaki sa likod ni Marina. Wha.....t?

Y-Yung lalaking nakuhaan ko ng picture at sinasabi kong boyfriend ko ay nasa....likod ngayon ni Marina. Natigilan siya sa paglalakad nang narinig siguro ang pangalan niya. No way...

"You're the one who-" agad akong tumayo at tinakpan ang bibig ni Eren bago pa siya makapagsalita at hinila siya palabas ng canteen.

Dinala ko siya sa school ground. Hinihingal ako habang nakayuko at lubos na napagtantuan na nakakahiya itong pinasok ko! This is so bad! Hindi ko alam na schoolmates kami! 

Inayos niya ang kanyang neck tie bago tumikhim at magsalita.

"Well? Did you need me for something?" 

Nanlaki ang mata ko sa gulat at nangapa ng salita.

"Um... well."

Naangat ko ang aking tingin nang bahagya niyang pinunasan ang noo kong nanlalagkit dahil sa namuong mga pawis. Ngayon ko lang napansin!

Caught In Her Own TrapWhere stories live. Discover now