Blind Act II

0 0 0
                                    

Fetch

I wonder if Kristoff is popular with girls.

"Hey, you spilled some." Nag-angat ako ng tingin sa katapat kong si Ceyanne.

Bumaba ang tingin ko sa aking plato. Oo nga, masyado ko sigurong iniisip si Kristoff kaya di ko napansin ang pagkain ko. Kasama ko si Eren dito sa cafeteria habang kumakain ng lunch. Masyado na akong pre-occupied kay Kristoff.

"Don't act like that. It reflects badly on me, too." Inis na sambit ni Eren sa tapat ko.

"Yeah, yeah. I'm sorry already." Kunot-noo kong sambit habang pinupunasan ang lamesa ko.

Natigilan ako sa pagpunas. Pero, sikat din si Ceyanne sa mga babae rito sa school. 

"What?" Tanong ni Eren nang napansin niyang natigilan ako sa pagpunas.

"How many girls have you dated before me?" Nag-iwas ako ng tingin. 

Tumikhim siya bago magarbong nagsalita.

"None." Tamad niyang wika.

"Huh? How come? You're popular with girls." Saad ko naman.

"So what?" Nagtaas siya ng kilay at humalukipkip. 

Malalim niya akong tinitigan. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. He really is breathtaking.

"Romance is like an extra in life." He uttered.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"I don't mind having it, but I'm not in the mood to chase that thing." Pumangalumbaba siya.

What made him so cold?

Pagbalik sa classroom ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Eren. I know it's possible to live without romance. But...

"Hey! Erick cried again to me last night."

Napalingon ako sa nag-uusap na si Marina at Margareth.

"Oh? Dump that man already and find another one." 

Lumiwanag ang mukha ni Marina.

"No way. It's just the proof of how much he loves me."

Bumaling ako sa aking upuan at pinagmasdan ang aking mga gamit. But I want romance too.

Napatingin ako sa pintuan nang namataan ang isang pamilyar na lalaki. Tumayo ako at sinalubong si Kristoff.

"Kristoff!" Tawag ko sa kanya.

"Hi." Ngiti niya sa akin.

"What's wrong? Are you waiting for someone?" I asked.

"No... I was waiting for you, Hanna." Nag-iwas siya ng tingin at nakita kong pumula ang kanyang pisngi.

"For me?" Turo ko sa sarili ko.

Napakamot siya sa kanyang ulo.

"I was worried they might come after you again." He must be referring to the mean girls last day. Nginitian ko siya.

"But it looks like everything's fine. So..." napakamot siya sa kanyang ulo at kumaway paalis.

"Ah. Thanks." Nag-aalinlangan kong tugon.

Pumunta lang siya rito dahil nag-aalala siya?

Nagdaan ang oras at natapos din ang klase. Eto na naman...

Sabay kaming naglalakad ni Eren pauwi. Habang naglalakad, bigla siyang natigilan kaya natigilan na rin ako at nilingon siya.

Kasabay ng pagtigil kong iyon, ay ang pagtalsik sa akin ng putik galing sa isang rumaragasang sasakyan. Kainis! Alam na siguro niyang may dadaan na sasakyan kaya tumigil siya at ginawa akong pangharang!

Ngumisi siya at kinutya ako. "Clumsy." At nauna sa paglalakad.

He used me as a shield!

Nagpatuloy siya sa paglalakad nang may mga batang naghahabulan at naglalaro gamit ang mga patpat.

Aksidenteng nadulas ang isang bata at sumabit ang patpat sa pantalon ni Eren. Muntikan na akong matawa nang bahagya siyang natapilok at naupo sa kalsada sa kadahilanang na out-of balance siya.

Nilingon niya ang mga bata ng may nakakatakot at madilim na mukha kaya nagtakbuhan ang mga iyon.

Napatakip ako sa aking bibig at humagalpak ng tawa. Clumsy, huh?

"Hoy. Choochiee." Kunot-noo niyang sambit.

Tumayo siya at kinuha ang naiwanang patpat ng mga bata. Nagulat ako ng tinapon niya ito palayo.

"Fetch."

Hinarap ko siya.

"Huh!? Why should I do that?"

"Didn't you hear me? I said, fetch." Saad niya habang nakapikit ng mariin.

"You're a dog, right?" Nagtaas siya ng tingin at nanginig ako sa takot dahil sa tingin niya.

Agad kong tumakbo at kinuha ang patpat. Eek!

Many Minutes later... Kainis!

"You're late. What took you so long?" Inis na tanong ni Eren sa akin pagkatapos kong iabot sa kanya ang pinaghirapan kong kunin na patpat.

"D-Di ko naman kasi alam kung saan napunta." Hinihingal kong tugon.

"That's why you need to learn to manage your lies. Tss." Saad niya at umalis patungo sa isang vending machine.

Naghulog siya ng barya roon at pumili ng isang canned juice. Is that for me?

"You're too hopeful dog. This isn't yours." Daing niya ay binuksan ang juice at uminom.

Bulls eye. Sabi ko nga eh.

This guy....he is really worst.

Kung sana, nakilala ko ng mas maaga si Kristoff...hindi ko na mararanasan ang hinagpit ng isang Eren Ceyanne.

Caught In Her Own TrapWhere stories live. Discover now